Chapter 28

45 4 3
                                    

"Umupo ka nga diyan ,Tin!"hinila ko ang kamay niya kaya napaupo siya. Kanina pa kasi siya sigaw na sigaw dito para masuportahan niya lang si Garrett sa laban niya.

Ngayon na kasi ang laban ni Garrett sa competition at sumama na lang si Tin dahil wala din naman siya gagawin ngayong araw.

"Hindi ka ba supporter ni Garrett?"tanong niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya.

"Malamang ,sinusuportahan ko siya....."I sighed heavily ,"Pero hindi naman ako ganyan sumuporta katulad mo na halos ipangalandakan mo na dito na magaling siya!"

"True!"sang ayon niya ,"Magaling kaya siya ,kaya nga naging bias ko siya pagdating sa ganitong compeptition eh!"

I rolled my eyes. Damn you ,Kristin Montemayor!

"Hindi naman masama suportahan siya....kaso yung boses mo napakalakas abot na siguro hanggang labas ng field!"pinaypayan ko ang sarili ko dahil ang init.

Natawa ng mahina si Tin. Tsk! anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Grabe ka naman sa akin ,Dette! ang laki kaya ng field malabong marinig ng mga tao ang boses ko!"

Inirapan ko na lang siya at di ko na lang siya kinibo. Tumahimik na lang din siya pero nagchecheer pa rin siya kay Garrett pero hindi na katulad kanina na sobrang lakas.

I hope ,manalo siya ngayon dito!

Binigyan ko pa siya ng goodluck kiss kanina para ganahan siyang ipanalo itong competition na ito!

Hanggang sa nagsimula na magsilabasan ang mga player kaya napatakip ako ng tenga na puro malakas na hiyawan ang naririnig ko. At puro si Garrett ang laman ng sigawan. Nakakarindi ah!

Napatingin sa akin si Garrett na nakaface mask siya. Nasa unahan kasi kami nakaupo ni Tin dahil vip ticket kumbaga. Nakita kong kumaway siya sa gawi ko kaya hindi ko magawang kumaway bumalik dahil mag naglalaro sa loob ko. Fuck!

Narinig ko ang hiyawan na nasa likod ko! tinignan ko tapos tinaas ko ang kilay ko. Excuse me ,hindi kayo ang kinakawayan kaya wag kayong feeling diyan!

"Wow ,may pakaway pa siya ah?"mariin na bulong ni Tin.

Narinig ko na ang boses ng announcer na magsisimula na ang laban para sa huling competition na ito. Bumaling ang tingin ko kay Garrett na naghahanda na dahil nakasuot na siya ng helmet niya at gloves niya.

Although ,alam kong 6 months na pinaghandaan ito ni Garrett para sure na manalo siya na labang ito. Desidido talaga siya na manalo dito dahil para mailaban siya ng pilipinas sa ibang bansa!

Naniniwala ako sa kanya na malalagpasan niya ito ay maipapanalo niya ang competition na ito! nangako siya sa akin!

Nakita ko na lang na lahat sila ay pinapasok na sa sport car. Nasa pangatlong kotse siya pinapasok dahil doon siya nakatapat.

Madami pang sinasabi ang announcer bago magsimula ang laban. Nang pumito na ang announcer ay doon na rin nagsimula ang laban.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa bilis ng pagtakbo ni Garrett sa sasakyan kaya siya ang nauuna. Pumapangalawa sa kanya yung number 5 at sobrang kinakabahan ako dahil ang bilis niya talaga magpatakbo. Gusto niya talaga manalo ngayon!

Kaya mo yan ,Babe! naniniwala ako sayo na mananalo ka.

Madami pa din ang naghihiyawan at puro pangalan ni Garrett ang naririnig ko. Though ,sobrang hirap ng laban na ito dahil nakikita kong nauunahan na siya ng number 5. Palaban din yung number 5 ,kaya nung naabutan na siya ay mas lalong binilisan ni Garrett ang pagpapatakbo.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now