CHAPTER 20

1K 67 2
                                    

20

•ASTRIE/ARIYA POV•

Ilang araw na ang nakakalipas at dumating na s'ya.

Ngunit lagi n'yang kasama ang royalties kasi isa rin daw s'ya

"Ariya" mahinhing tawag sakin ni wixle

Sa loob ng ilang araw ang lagi kong kasama ay si faria,wixle at zarei.

"Kuyaaa look ang ganda" saad ni astrie daw tsk.

Simula ng dumating s'ya ay nagbago ang lahat.

Wala na rin ako sa emperyo.

"Ariya" tawag uli sakin ni wixle

"Ahh...ano?" Tanong ko rito

"Nakatulala ka nanamn" saad nya

"Ahh pasensya na" sabi ko

"Pupunta muna akong dorm" sabi ko rito tumango lamang sila

Nag teleport ako

Kahit alam kong mawawalan ng thrill kailangan king sabihan si kuya astro.

Bumalik s'ya ngunit wala s'yang pakialam pa kay impostor ah weyt diba impostor lang rin ako?

HAHAHA

Kumuha ako ng papel at nagsimulang mag sulat

Hi brother,

Lahat ng nakikita ay may kahulugan, lahat ng nakikita ay hindi totoo. Mapagpanggap man ay alam ng iyong puso ang totoo, mga pekeng ngiti ay s'yang mag dadala ng masamang pangyayari. Mag iingat ka kuya. Hanggang sa muli.

       Nagmamahal,
Astrie

Hindi pa ito ang tamang oras dahil ang para sa akin simula palang ito.

Binilot ko ito at nilagayan ng laso.

Gumawa ako ng maliit na portal at ipinasok doon babagsak ito sa ulo ni kuya.

Sumapit ang gabi at inilabas ko ang cloak ko at maskara ko

Narinig ko ang isang batang tumatawag ng aking ngalan.

Gumawa ako ng clone ko tulad ng dati

Binalik ko ang kulay ng buhok at mata ko sa dati.

Dali dali akong nag teleport sa bahay ng bata.

At nakita ko itong umiiyak sa kama na kung saan may isang tao na nakahiga.

Ang bahay na ito ay hindi ko alam kung matatawag bang bahay dahil sa gulo at kalumaan gawa ito sa kahoy, butas butas narin.

"Bata anong meron?" Malambing kong tanong

Humarap ito sakin at nanlaking mata

"Ate xeria totoo nga na makikita kita pag tinawag ko ang inyong ngalan" singhot singhot nyang sabi na parang natutuwa

"Anong mayroon at sino iyan?" Tanong ko rito

"Nakita ko po s'ya sa may tabig lawa at puro dugo naakay ko pa naman s'ya dahil isa akong half beast ang kanyang pangalan daw ay saji ngunit bigla po s'yang sumuka ng dugo at unti unti napong humihina ang kanyang puso parang awa mo na ate hindi man natin s'ya kilala ay ramdam kong mabait s'yang tao" umiiyak nitong salaysay

Isa s'yang batang lalaki pero half beast daw sa tingin ko ay wolf s'ya dahil sa amoy at pitong taong gulang palang ito

"Tumahan kana papagalingin ko s'ya"malambing kong saad

"Sya nga pala nasaan ang magulang mo?" Tanong ko rito

"Wala na sila at iniwan ako rito" maiksing saad nya

Book1: ALTERIA•REINCARNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon