CHAPTER 33

870 63 0
                                    


ARIYA/ASTRIE POV•

Nadagdagan nanaman kami nang isang kasama.

Nagsimula na uli kaming maglakbay.

Ilang araw nalang at makakarating na kami sa kaharian ng tubig.

"Ate ariya nagugutom na'ko"ngusong saad ni cris

"Ako rin" saad ni flair

Simula nang makasama namin si flair nagbago ang ugali nito.

Hindi na s'ya yung mahiyain.

Sandali akong pumunta sa frozen mansion sa demension.

Naandito kasi ang mga prutas.

Kumuha ako nang mga magical fruit at bumalik na uli sa magic artifact.

"Eto oh kain kayo, prutas muna"saad ko

"Woah magical fruit ito hindi ba po?" Ngiting saad ni Allistair

Kumuha rin ako at nag simulang kumain.

*****

"Malapit na tayo tanaw ko na ang karagatan"saad ni flair

Makikita mo mula rito ang isang village sa gitna nang karagatan.

Ilang minuto lamang ay nakarating na kami.

Makikita mo rin ang kastilyo sa gitna nang village.

"Hindi ko aakalain na ganito ang kaharian ng tubig akala ko pa naman nasa ilalim yung kastilyo"ngusong saad ko

"Nasobrahan nanaman yang imahinasyon mo"ismid ni saji

"Tara na muna maglibot mag bobook narin tayo sa isang inn gusto ko nang humiga sa malambot na kama"masiglang saad ko

Kita ko naman ang pag iling nila.

Kinuha ko ang mga maskara at cloak ginawan ko narin si Allistair.

"Suotin n'yo na kailangan may pamisteryos epek"tawang saad ko at inabot sa kanila

Ang mga damit namin ay pang modern mas komportable ako eh

"Tulad nang dati xeria ang itawag n'yo sa akin jiro naman kay saji at tian kay cris, qin naman kay flair at alli kay Allistair"ngiting saad ko

Isa isa naman silang sumang ayon.

Ibinaba ko na ang aming magic artifact sa isang eskinita.

"Hanap muna tayo nang inn"saad ko

Nag simula na kaming maglakad
Binago ko narin ang kulay nang buhok ni Allistair.

May iilan ilan narin kaming nakikitang tao.

Nakalabas na kami sa eskinita

May naamoy bigla akong pagkain

"Guys nagutom ako bigla"ngingiti ngiti kong saad

"Lagi ka namang gutom"panunuya ni saji

"Hmp pakialam mo ang sarap nung amoy oh"singhot singhot kong saad

"Para kang aso"tawang saad ni flair

Sinundan namin kung nasan ang masarap na amoy.

Napapansin kong nakakaagaw pansin na kami.

Nakarating na kami sa isang kainan.

Mapapansin mong mamahalin.

"Tara na"excited kong saad

"Wala tayong pera mukhang ang mamahal nang pagkain oh"saad ni flair

"Hindi yan may pera ako"saad ko at hinila sila sa loob

Ang maskara namin ay yung mata lamang ang taklob kaya ayos lang kahit kumakain kami hindi na pwedeng tanggalin.

Nang makapasok kami ay pinagtitinginan kami.

"Pa reserve nang vip room"saad ko

Kumuha ako nang sampung ginto

"Eto ang bayad"saad ko at inabot rito

Pwedeng isang ginto lang

Ang isang ginto ay maaaring pang isang buwan nang pagkain.

"Ehem... Dito po ang daan"magalang na saad bigla nito

Bago pa man kami makapaglakad ay may dumating na mukhang mayaman.

"Ano wala na vip room?"inis na saad nitong babae na parang clown punong puno nang alahas pati mukha ay andaming kolorete.

"HINDI MO BA AKO NAKIKILALA?" biglang sigaw nito

Interesting.

"Lady Ara may naka reserve na ang huling vip room"magalang na saad nang nasa counter

"Paalisin mo ang mga hampaslupang yon"pasigaw na saad nito

"Hindi maaari lady Ara, wag kanang manggulo"saad nung lalaki sa counter

"ANAK AKO NANG PRIME MINISTER"sigaw n'ya

Nagugutom na'ko punyeta

"Isa kang anak nang prime minister ngunit halatang wala kang pinag aralan, hindi nababagay sayo maging isang lady dahil hindi mo alam kung ano ang proper etiquette"mahabang saad ko

AUTHOR POV•

Napatigil naman ang mga nakain at ang anak nang prime minister nang marinig ang sinabi ni ariya.

"Wala kang paki alam at sino kaba?"galit na saad ni lady Ara

"Isa ka lamang hampaslupa"dagdag na saad ni lady Ara

Namamawis naman ang lalaki na nasa counter dahil alam n'yang hindi ordinaryo ang mga nakamaskara.

"Hah! Sa ating dalawa mas mukha kang hampaslupa"ngising saad ni ariya

Marami nang nanunuod sa kanila habang kumakain.

"Nagtatago ka sa pangit na maskarang iyan dahil isa kang panget umalis kana rito at nagugutom ako"saad ni lady Ara

"At bakit?nauna kaming mag pa reserve at kung hindi ka aarte arte kanina pa kami nakakain"masungit na saad ni ariya

"Ikaw!" Dahil sa inis ni lady Ara sinugod n'ya si ariya

Natanggal ang maskara ni ariya hindi agad ito nakaiwas dahil sa bigla.

Napasinghap ang mga nakakita sa mukha ni ariya.

Dahil mukha itong dyosa hindi mas maganda pa sa dyosa.

Mabilis na pinulot ni ariya ang maskara at sinuot muli

Nabigla rin si saji kaya't naitulak n'ya si lady Ara

"Kalapastanganan"saad ni saji

Sa lakas nang tulak ay tumilapon si lady Ara sa dingding

Hindi pa man natatapos ang pagpapantasya nang mga nakain ay nagulat rin dahil sa nangyayari kay lady Ara.

"Nagugutom na'ko"saad ni ariya

Kaya't dali dali namang sinamahan nang isang tauhan nang kainan sina saji sa vip room.

Kumuha nang limang ginto si ariya at inabot sa lalaki

"Paorder kami nang pinaka special recipe n'yo tyaka ,ito, ito, ito, ito, ito, ito tyaka ito"saad ni ariya at tinuturo ang mga oorderin

"Kung kulang yung bayad sabihin mo lang"saad ni ariya

"Hindi sobra sobra na'to"madaling sagot nang lalaki

***

Book1: ALTERIA•REINCARNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon