CHAPTER 40

842 49 0
                                    

AUTHOR POV•

Ilang buwan na ang nakalilipas at paulit ulit ang mga nangyayari na para bang may masamang nangyayari.

Maayos ngayon ang MAA ngunit nung mga nakaraang buwan ay maraming sumusugod sa MAA.

Ang kambal na imperial prince at ang crown prince ay nagbago.

Ang kanilang mga mata ay walang kabuhay-buhay.

Nagbago ang lahat.

Ang empress ay isang linggo hindi lumabas ng kwarto.

At ang ilan sa concubine ay masaya sa nagyayari.

Ang emperor ay parang wala lang.

Si zarei na nung simula ay walang kaalam alam.

Ngunit ang kanyang mga ala-ala simula nung s'ya ay tatlong taong gulang pa lamang ay lumabas na lamang bigla.

Ang pagkakakilanlan n'ya bilang isang protector ng unang prinsesa.

Ganoon narin si astrie isang gabi lamang ay lumabas ang lahat.

***

Katatapos lamang ni astrie mag training.

Ibang iba na s'ya kaysa sa masayahing astrie.

Pagkabalik n'ya sa kanyang kwarto ay nag half bath sya dahil nanlalagkit na s'ya.

Ilang minuto itong nakababad sa bathtub.

"Tama lang ba ang naging desisyon ko?"

"Sina akaji kaya kamusta na sa mundong iyon?"

Natatawa ang itsura ni astrie.

"The 7 AS god"

"Pag naaalala ko sila hindi ko alam kung matatawa ba ako."

"Matagal ng wala si astrie pero anong magagawa ko sa oras na ito"

Naging blanko muli ang kanyang mga mata.

Nawala ang mga emosyon.

"Isa lamang akong tool hindi ba?ang lahat ng ito?hindi ba pwedeng sa isang nobela na lamang ito mangyari?bakit kailan pa na ako.Ang mga nakakamanghang pangyayari dito na nakita ko nung simula na akala ko'y isa lamang akong dayuhan sa mudong ito, ngunit sino ba ang magaakalang may mas nakatataas pa sa mundong ito?"

Mahabang saad ni astrie

Biglang lumabas ang phoenix na nakita n'ya sa harap nang kanilang paaralan.

Hindi ito isang coincidence na naandoon

Dahil ito si Phin ang kanyang alaga sa mundong serania.

"Bakit hindi mo man lang pinaalala?"tanong ni astrie dito

"Ikaw ang pumili na kalimutan ang lahat at piliin ang mga memoryang nanggaling sa isang ikaw"sagot ng phoenix

"Ano nga nga ba dahilan bakit ako ang napili?"tanong ni astrie

Wala talaga syang alam kung bakit s'ya ang pinili ng mga iyon.

"Dahil simula nung makuha ka ng mga may mahikang itim ay hindi ka nakitaan ng negatibong emosyon, nagbago lamang iyon nung pinili mong ibahin ang iyong memorya kapalit ang iyong kalayaan mas pinili mong iligtas ang mundong ito nang makausap mo ang 2nd AS God siguradong hindi mo pa naaalala ang part na iyon ngunit ito ang pinili mong daan imbes na mamuhay ka ng payapa."mahabang sagot ni astrie

"Hindi ba makakabalik ako sa mundong iyon pag natapos ko ang aking mission?"mahinahong tanong ni astrie

"Tama ka ngunit makakabalik ka doon hindi bilang isang prinsesa kundi bilang isang pinili"sagot ng phoenix at biglang nawala  sa harap ni astrie

Humiga si astrie sa kanyang kama.

"Matatapos ko ba ang misyong ito?" Tanong n'ya sa sarili n'ya

"Masyado ng maraming nangyayari"saad ni astrie

Dahil sa kakaisip ni astrie ay hindi n'ya namalayan na nakatulog na sya

Makikita mo ang kanyang maamong mukha na napaka payapa.

Ngunit ano na lamang ang mangyayari sa kanya?

"***

Umaga na at nagising na si astrie.

Gumawa ito ng ritual.

Pinagsasama sama nito ang mga mahahalagang bagay.

Ang dragon na nakakapag anyong kwintas

Ang espada at core.

Pinagsama-sama nya ito hanggang sa maging isang espada na napakalakas ng aura.

Ito ang holy hidden sword na magagamit mo sa digmaan.

Ramdam na ni astrie ang panganib kaya't sisimulan na ang lahat.

Alam n'yang hindi magagamit ang ordinaryong armas na galing sa eartherian.

Eartherian mundo kung saan mayroong teknolohiya. At Dito s'ya nanggaling noong past life n'ya.

Book1: ALTERIA•REINCARNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon