CHAPTER 42

763 54 0
                                    

AUTHOR POV•

Ilang araw ng nag eensayo si astrie at nagaalala na sa kanya si zarei.

Dahil si zarei lamang ang nakakaalam ng ibang katotohanan.

Isa pa pala si destrio laging nag mamasid kay astrie.

Alam nilang hindi gumagamit ng kahit anong mahika si astrie.

Kaya't may mga sugat ito o hindi kaya't nababalian ng buto.

Ilang beses na s'yang nadala sa infirmary room.

******
Papuntang rooftop ang kambal dahil doon sila laging nakatambay.

Habang naglalakad sila ay may naririnig silang boses.

Madadaanan nila ang kwarto ni zarei.

Dahil alam nilang nasa ibaba ang lahat maliban kay zarei.

"Miss ko na luto ni ariya"biglang saad ni ariv

Napatigil sila dahil roon

"Bakit kasi kailangan mo pa silang alisin kung saan sila nakatadhana?"rinig nilang saad ni zarei

(Para sa ikabubuti ito ng mga alterians):telepathy

"Hindi mo man lang ba iisipin ang pamilya mo?"dinig nila muling nagsalita si zarei kahit na wala silang naririnig na sumasagot.

(Pero mas kailangan ako ng alterians, Hindi na ako ang prinsesa at alam mo iyon): telepathy

"Ganyan kana ba talaga? piliin mo rin ang kasiyahan mo"ramdam nila ang lungkot sa boses ni zarei

Si zarei lamang ang nakakaintindi masyado kay astrie.

(Pipiliin ko iyon sa aking susunod na buhay): telepathy

"Si prinsesa astrie at ikaw ay iisa lamang bakit kailangan mo pang lumayo?"saad ni zarei na halatang naiiyak na masyadong concern si zarei kay astrie dahil para na silang naka bond.

Napatigil ang kambal sa narinig

Dali dali silang pumasok sa kwarto ni zarei.

Napatingin sa kanila si zarei.

"Tama ba ang narinig namin?"Biglang saad ni arid

"Ang alin?"kalmadong tanong ni zarei

"Alam naming alam mo ang aming tinatanong"inis na saad ni ariv

"Nasaan si astrie?NASAAN!"halos pasigaw na saad ni ariv makikita mo ang halo halong emosyon sa kanyang mata.

"Nasaan nga ba ang inyong kapatid?"pabalik na tanong ni zarei na animo'y natutuwa sa nakikita.

Sinakal ni ariv si zarei gamit ang mahika nitong liwanag.

"Anong nangyayari?"biglang saad ng kapatid ni zarei(quartz)
At dali daling inalis ang nakasakal sa kanyang kapatid.

" 'yang kapatid mo alam n'ya kung nasaan ang prinsesa astrie narinig namin na kausap n'ya ito"paliwanag ni ariv na may inis sa mukha

"Totoo ba?"tanong ni quartz kay zarei

Nagkibit lamang ng balikat si zarei.

"Sabihin mo ang totoo"mahinahong saad ni arid

" Tama kayo nakakausap ko s'ya pero hindi ko alam kung nasaan s'ya, hindi bat narinig n'yo ang mga sinabi ko?kung malawak ang inyong pag iisip dapat naintindihan n'yo na isa ako sa nag pe-persuade para bumalik sa inyo si astrie ngunit huli na ang lahat dahil ang nakatadhana ay nakatadhana na"mahabang paliwanag ni zarei

Napatigil ang kambal at totoo ang sinabi ni zarei.

Kung naintindihan lamang nila ang mga sulat ni astrie dadating pa kaya ang situation sa ganito?

Iyan lamang ang nasa isip ng kambal.

"Kailan mo pa nakakausap ang prinsesa at paano kayo nag kakilala?"kalmadong tanong ni arid

Naging kalmado ito dahil alam n'yang wala ring alam si zarei.

Dahil s'ya na kapatid mismo ay walang ka alam alam.

"Simula nung pasukan?"patanong na saad ni zarei

"Bakit hindi ka sigurado?"tanong ni ariv

"Dahil hindi ako sigurado, dahil marunong s'yang magbura ng memorya, malay natin baka nag kausap na kayo"kibit balikat na saad ni zarei

Napayuko ang kambal ni hindi manlang nila alam ang gagawin

"Nagkakilala kami dahil yun ang nakatadhana"dagdag ni zarei

"Nakatadhana?ano ang iyong ibigsabihin?"nalilitong tanong ni arid na gayon rin ang ibang nasa kwarto

"Malalaman sa huli"saad ni zarei

At biglang naglaho.

Nanlalambot ang mga tuhod ng kambal

"Ano ang nangyayari?bakit lahat parang saktong sakto may dapat paba kaming malaman?o sadyang kailangan itong itago?"pabulong na saad ni arid

"Anong kapalaran ba ang kinakaharap ng bunso naming kapatid?"dagdag ni arid at bigla nalamang ring naglaho

Book1: ALTERIA•REINCARNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon