Chapter 29

51 3 0
                                    

"Mabuti at pumayag si Garrett na makipagkita ka sa akin."

Nandito kaming dalawa ni Bullet sa restaurant na kung saan dito siya madalas kumakain. I bit my lower lip ,nakangiti siya habang pinagmamasdan niya ako. Gusto ko lang siya makausap ng masinsinan kung hindi ba talaga siya galit sa akin?

"Bakit naman hindi siya papayag?"tanong ko sa kanya at tumahimik siya ,"Gusto kita makausap ng masinsinan."

Nakita kong kumunot ang noo niya pero nanatili pa rin kalma ang itsura niya.

"About what?"he said with a husky voice.

"Hindi ka ba galit sa akin?"diretsong tanong ko sa kanya. Gusto ko malaman kung bakit sa anniversary namin ni Garrett ay siya pa nag ayos ng mga baloon ,banner ,pati siguro roses na nakakalat dun sa sahig ay siya din ang gumawa.

Umupo siya ng maayos at lalo niya akong pinagmamadan.

"Bakit naman ako magagalit sayo?"he chuckled softly ,"May dapat ba akong ikakagalit sayo ,Clau?"

Napalunok ako ng mariin ,"Gusto ko lang malaman ,Bullet. Ang weird lang kasi sa muli nating pagkikita para ang saya mo na ikaw ang nag organized sa suprised sa akin ni Garrett."

Alam kong nililigawan niya ako pero hindi ba masakit sa part niya yun na hindi ko na nga siya pinili ,hindi ko pa sinabi tungkol sa pagsagot ko kay Garrett.

"Sa tingin mo ba ,magagalit ako sa'yo dahil nalaman kong girlfriend ka na ni Garrett."mariin na tanong niya kaya napakurap ako.

Tumango ako.

"Hindi ba?"

He smiled bitterly. He sipped pineapple juice and put it back on the table then he looked at me.

He sighed heavily ,"Hindi ako galit sayo ,Claudette."umiling siya ,"Hindi ako galit kung sinagot mo si Garrett. Actually.............sinadya ko talaga na magtagal ako ng isang taon sa ibang bansa para umiwas sayo."

My mouth parted. Anong sabi niya?

"Napag isip isip ko kasi na ayokong nahihirapan ka ,alam ko namang una pa lang si Garrett na yung nagugustuhan mo eh......ramdam ko yun."he smiled weakly ,"Ayokong nahihirapan ka kaya kahit gusto kong ligawan ka hindi ko magawa......dahil kung sakali ako ang pilin mo baka hindi ako magkaroon ng oras sayo....."he trailed off ,"I'm a seaman Claudette ,hindi pa nga ako nanliligaw sayo noon sobrang busy na ako at palaging wala ako dito. Lagi ako nasa barko baka mawalan lang ako ng oras sayo kaya nagpadesisyonan ko na itigil na....."

Habang sinasabi niya yun ay may guilt pa akong nararamdaman sa sarili ko. Hindi man lang niya sinabi sa akin kahit sa text man lang?

"Bakit di mo sa akin sinabi na titigil ka pala? sana man lang nagtext ka man lang para kahit papaano wala akong guilt na maramdamanan."bumaba ang tingin ko at uminom na lang muna ako ng tubig.

He smiled softly ,"Iniiwasan nga kita di'ba? ayaw kitang kontakin dahil alam kong magtatanong ka kung bakit ang tagal kong umuwi gayong sinabi ko lang kay Tin na isang buwan lang ako magtatagal."

Isang taon? isang taon akong naguilty sa kanya?

"Ngayon lang ako naglakas loob na makipagkita sayo dahil nalaman ko na malapit na 1st anniversary niyo ni Garrett. Mabuti at okay na kami at nagkausap na kami kaya ako nagpresinta na ako na mag organize para sa plano niyang pagsurprise sayo ,dahil para makabawi man lang ako sa mga ginawa ko sayong pag iwas sayo. Mabuti at pumayag naman siya sa gusto ko!"

Tumango ako.

"Sorry kung si Garrett ang napili ko......"I bit my lower lip.

"Huwag kang humingi sa akin ng tawad Clau ,hindi mo kasalanan yun. Okay?"he assured me ,"Wag mong sisisihin sarili mo ,sariling desisyon ko ang lumayo sayo kaya don't blame yourself."

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now