Prologue

181 16 6
                                    

𝐍𝐎𝐓𝐄:

Marami po akung grammatical errors dito at typos kaya free to correct me thank you.

--------------------------------------------------------

𝐃𝐈𝐒𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐑

This is work of fiction, Names, characters, business, some places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"DEVEN ARAÑEZ"



Nasa mansion kami ng pinag ta trabahoan ni nanay kanina pa ako nakaupo dito sa tabi ni eyah Birthday kasi nang bunsog kapatid ng mga Arañez hindi ko alam kung sino at hindi ako interesado, nababagot na ako dito kaya nagpaalam ako kay nanay na mag cr nag pumilit pa si eyah na sumama sakin pero ako parin ang nasunod.

Hindi ako pamilyar sa lugar nato dahil ngayon lang din ako nakapunta dito si eyah palagi ang kasama ni nanay sa tuwing weekend ng hindi ko parin matagpuan yung cr babalik na sana ako para mag tanong kung saan ng may nabangga akung tao sa harap ko 'tanga ko talaga' di ko na sana papansinin nang bigla niya akung hawakan sa pulso.

"May mata kaba?" Tanong ng lalaking diko kilala

"Malamang titingin ba ako sayo kung wala?"

"I see, sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo wag kang tanga."

Pagkatapos no'n bigla nalang siyang umalis ni wala man lang reaksiyon sa mukha pinaglihi ata sa sama ng loob, sa bagay wala naman akung paki doon huminto akung sa pinasokan ng isang babae at tumingin ng deritso sa pinto napa buntong hininga ako at binuksan ito ng di sinasadyang may duwende este! taong nasa likod ng pinto nag tagal akung ng tingin sa kanya at nilibot ang paningin ko sa lugar.

Hindi ako matulungin kaya hinayaan ko nalang siyang naka lumpasay at naka hawak sa sentido niya napa hanga ako sa ganda ng cr unfairness pati banyo modern ang theme favorite color ko pa napatingin ako sa babae ng bigla itong tumayo at hinarap ako.

"Ang bata mo pa wala ka ng respeto! Hindi mo man lang ako tinulungang tumayo!" Aniya

"Bakit kasalanan ko bang nauntog ka sa pinto?"

"Abat! Oo! Pasalamat ka't hindi ako nananakit ng bata!"

Sheyt! Nakakarindi boses niya.

"Paki ko ba, may lahi ka palang tanga." Deritso ko siyang tiningnan, wala akung paki kahit sabihan pa nila ako ng walang respeto hindi naman sila nag papakain sakin. Hindi na siya dumatdat pa at umalis nalang ng kibit balikat nalang ako at tuluyan ng pumasok puputok na talaga pantog ko.

BINUKSAN ni nanay ang pinto at bumungad sa amin si tatay na inaantok na mga mata kanina pa siguro to naghihintay, hindi ko nalang ito pinansin at pumasok sa kwarto nag banyo muna ako at nagbihis, hihiga na sana ako ng may narinig na naman akung nag babangayan at nag sisigawan nag babatuhan ng gamit hindi na ako mag tataka na halos araw-araw may bago kaming gamit hindi na bago sakin ang ganitong eksina nila tatay nakaka pagod naring pansinin wala din namang mangyayari.

Pag gising ko agad akung bumangon at dumeritso sa banyo hindi ako naligo dahil buwanan ko ngayon in direct to the point period day, paglabas ko ng kwarto naghahanda ng almusal si nanay habang si tatay naman nakatulala sa hapang napailing nalang ako.

"May langaw!" Gulat ko kay tatay kaya agad siyang napatingin sakin.

"Oh franzy anak! Papasok kana?"

"Kakain palang po, lutang ang peg natin ngayon ah." Sagot ko

"Eh yung napanalunan ko kasi sa luto binayad sa utang kaya wala akung pambili mo ng bagong sapatos." Napabuntong hininga nalang ako.

"Tay sa susunod na pasukan mo nalang ako bilhan ng bagong sapatos at saka okay pa naman yun eh."

"Sige anak."

PAGPASOK ko sa room biglang nag tilian at nagsisigawan ang mga ka klase ko napataas ang kilay ko at napatingin sa lalaking nasa harap ko na may hawak na malaking bouquet of flowers palibhasa mayaman tamad ko lang siyang pinagmasdan at naghihintay sa sasabihin niya kung bakit niya ginagawa to alam ko naman kung anong ibig sabihin sa mga kilos niya sino ba namang hindi makaka intindi sa subrang laki ng tarpulin na naka lagay sa blackboa- napabuga nalang ako ng hangin at iniisip kung bakit blackboard and tawag nila dyan eh green naman yung kulay.

Binasa ko yung naka lagay sa greenboard este! Blackboard kaya napatawa akung nang bahagya WILL YOU BE MY GIRLFRIEND FRANZY DESCARTIN? seryoso? Sa ganitong edad namin? May ganito na? Sisirain ko talaga ang mukha ng taong unang nagpatupad ng kalandian.

"Alam mo drek hindi ako yung babaeng hinahanap mo na magiging girlfriend mo, hanap ka nalang ng iba." Deritso kung sagot sa kanya kaya na 'aww!' yung mga classmate ko.

"Pero fran ikaw lang yung gusto ko." Anito

"Sorry drek pero di talaga pede." Parang biglang humangin ng malakas dito sa classroom namin ng makita kung may tumulong likido sa mata niya. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang umalis at iniwan ang bulaklak na ibibigay niya sana sakin napa buntong hininga ako alam kung nasaktan ko yung tao pero masisisi mo ba ko kung ayaw ko muna sa ganyan? Kairita!

TAMAD kung binuksan ang pinto, dederitso na sana ako sa kwarto ng ma curious ako na parang may seryosong nag uusap sa kwarto nila nanay akala ko ba mamaya ang uwi ng dalawang yun, sumilip ako dun ng di sinasadyang marinig ang salitang nagpa gunaw ng mundo ko for the first time narinig ko ang salitang ayaw kung mangyari sa pamilya ko na subrang hirap tanggapin na pagkatapos nito ito ang hahantungan ng lahat, napahawak ako sa pesngi ko hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Hindi ko alam na, sa likod ng maskara na pinapakita ni nanay sa amin may lihim pala siyang sekreto na pinaka ingat ingatan niyang ayaw mabunyag pero ngayon? Harap harapan ko itong nakikita at naririnig sa mga salitang binibitawan niya na parang libo libong kutsilyo tumusok! Subrang bigat sa dibdib.

"Patawarin mo ako francis, pero mahal ko si klabio hindi ako nagsisisi na nabuntis niya ako dahil alam kung alam mo! Na si klabio ang unang minahal ko binuntis mo lang ako para mapikot mo ako?!" Sigaw ni nanay

"Tangina naman errah! Matagal na yun malaki na ang mga anak natin ngayon ka pa ba aalis?! Ngayon mo pa kami iiwan na may pag iisip na ang mga anak mo?!"

"Mahal ko ang mga anak ko sayo francis pero mas mahal ko si Klabio at ang bata sa sinapupunan ko." Mahinang sagot ni inay at lumabas

"Nay. . . tutu—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tinignan lang ako ni nanay at deritsong umalis narinig kung tinawag ni tatay si nanay pero di niya na ito naabutan binalikan ako ni tatay at binigyan ako ng nag papa umanhing tingin.

"I'm sorry anak."

"Ok lang tay, tanggap ko na at naiintindihan ko." Ngumiti ako ng mapait

Siguro nga tama sila walang bagay ang mananatili dito sa mundo, walang bagay ang mananatili sayo lalo na't alam mo kung sino ang nagpapasaya sa taong naging panandalian lang naging sayo pero kahit ganon hindi parin mababago ng isip ko na iniwan kami ni nanay para sa taong mas higit na minahal niya kisa samin.

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now