Chapter 11

17 5 0
                                    


CHAPTER 11


Magkasabay kaming lumabas ng babae, umikot lang ang mata nito. Paglabas ko agad akung niyakap ni Eyah nakita ko rin si Arañez nakaupo sa dulo ng pahabang upuan. Anong ginagawa niya dito? At na saan yung maldita niyang syota?

"Ano na naman ba kasing ginawa mo te?" Napanganga ako at nagtatakang napatingin kay Eyah, ngayon niya lang ulit ako tinawag sa ganon.

"Wag mo ng pansinin yun, at saka ano bang nagyari sa katawan mo at parang bumibilog ka?" Napalunok ito at nag iwas ng tingin, napatigil ako ng lumapit si Arañez samin at kinausap saglit ang kapatid ko.

"Uh a-ate si Deven na ang bahala sayo, may gagawin pa kasi ako at siya narin ang maghahatid sayo pauwi. Bye." Magsasalita na sana ako ng bigla itong tumakbo paalis natulala ako at iniisip kung bakit niya ako iniwan sa haliparot nato?

Hindi ako nagpumiglas sa kanya ng ipasok niya ako sa loob ng sasakyan niya, nag seatbelt ako at tahimik na nagdadasal na sana matapos agad ang araw nato. Di puwedeng hindi ito malaman ni tatay dahil lahat ata ng galaw ko alam niya, parang pinag mamatyagan niya ako sa kung sino at kung ano ang dahilan niya para gawin yun. Pero sa tingin ko hanggang sa loob lang yun ng School ang mga nababalitaan niya, dahil kadalasan palaging ganon ang mga nangyayari.

Nang mag green ang light, pinaharurot niya ito. Halos di ko na makita ang mga na sa labas dahil nagiging blurd sa subrang bilis ng takbo ng sasakyan. Palihim ko siyang sinusulyapan, amoy ko rin mula rito ang pabango niya nakabukas ang dalawang batones ng white long sleeve polo at may pawis din ito sa noo. Napalunok ako ng wala sa oras, subrang hot niya talagang tingnan kaya di na ako magtataka na habulin siya ng mga babae sa School.

Napakurap ako at napatingin sa gate sa harapan, binuksan ito ng-matandang mayorduma at may kasama rin itong mga katulong.

I climb out of the car at agad sumalubong sakin ang mapanuring titig ng mayorduma, ni wala man lang itong reaksiyon ng makita ako, tipid ko lang itong nginitian at sumama kay Arañez papasok sa loob ng kabahayan. Napanganga ako sa mga gamit na nakikita ko muntik ko pang mabangga ang kulay gintong higanting flower vase, ewan ko kung anong tawag dun.

Napatigil ako ng makita ang family picture nila, napamura ako sa subrang elegante ng Mommy niya nagsisigaw ito sa mga mamahaling alahas.

Namukhaan ko kaagad kung saan nagmana si Arañez dahil sa maamong mukha, bukod sa anghel nitong taglay at mala dagat na mga mata ay sa Daddy nito yun nakuha. May katabi itong babae na nakayakap sa padre di pamilya nila at ito siguro ang babae niyang kapatid, di ko mahulaan kung sino ang mas matanda dahil ang bata ng mukha ng babae.

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagtanaw sa mga magarang tanawin.

"Manang si Keycie ba nandito?"

"Ay ewan ko ba sa batang yun, bigla nalang umalis nagmamadali." Napabuntong hininga ang mayorduma na parang naku kunsimisyon.

"Ah ganon po ba, nay tawagin niyo nalang po ako kapag nakarating na si Dad tumawag kasi siya sa akin kanina na uuwi siya dito."

Tumango lang sa kanya ito at nalipat ang paningin niya sakin at kay Arañez, magsasalita sana ito ng deretso lang ang lakad ng lalaking kasama ko habang tinahak namin ang hagdan pataas.

Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang dim light sa living room No.2 antaray dalawang sala, pinaupo niya ako at pumasok ito sa kaharap na black wooden door.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Arañez na nakabihis na, nakasuot ito ng white shirt at taslan short. May dala itong box ng first aid kit at umupo sa tabi ko busy ito sa pagpunas ng buhok niya kaya malaya ko siyang pinagmamasdan, pinagpawisan ako ng bumaba ang tingin ko sa labi niya kagat niya ito habang inaayos ang bulak at betadine.

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now