Chapter 3

37 15 0
                                    


CHAPTER 3


Kanina pa ako nakahiga palaging pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina sa edad kung to alam kung mahirap paniwalaan pero siya pa yung unang lalaking yumakap sakin ng ganito ang pakiramdam hindi ka mapakali kasi yung puso mo nag hahabulan sa bilis.

Ayaw kung isipin ang bagay na ayaw kung mangyari sa sarili ko, pero di ko maiwasang bigyan ng ibig sabihin ang mga kilos niya ganito naman talaga tayong mga babae diba?Binibigyan ng kahulugan kahit alam mong malabo at walang kasiguraduhan.

Pinipilit kung alisin sa isip ko ang mga nangyari kanina, wala din namang patutunguhan kasi alam ko masasaktan ka lang. Kaya habang maaga pa pipigilan ko ang madalas niyang pagpasok sa isip ko bago pa ito mapunta sa kabila, pero tangina! Pano ko siya iiwasan lalo na't may practice kami bukas? Bahala na!

Nagulat pa sila tatay sakin kanina kung bakit daw basa ako? Malamang naulanan. After a million times of waiting dinalaw narin ako ng antok.

Papasok na sana ako sa loob ng may marinig akung nag uusap.

Kinabukasan maaga akung nagising at agad nag ayos, hindi narin akung nag abalang kumain dahil wala akung gana hindi ko rin nakita si tatay paglabas ko ng kwarto. Pagkatapos kung magbayad bumaba ako ng jeep at tinahak ang School ground.

May mga iilan ring studyante na nakatambay sa basketball court habang nanonood ng practice. Ang aga naman, nang marating ko ang bukana ng pinto ng classroom papasok na sana ako ngunit napatigil rin ng makarinig ng boses na nag-uusap sa loob.

"Pero dev seryoso, hows Cassie? Siya lang yung nagtagal sayo ah."

"Yung totoo mahal mo ba talaga siya?"

"She's doing good, and i just liker her the way she is." Sagot ni Arañez

Akalain mo nga naman may girlfriend na pala to humaharot parin pesting mga lalaki! Kung maka asta parang walang nag mamay ari.

"Like? Akala ko ba mahal mo?"

"Oo nga shit dude! Umabot ba naman kayo ng five months sa bagay ano pang aasahan natin sa kanya, never pa nga yan na inlove." Sabay tawa nito.

"Yeah."

Naka simangot akung pumasok, nakita kung napatingin si Arañez sakin pero wala akung pakialam paki ko ba sa lovelife niya? Pero parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko nasasaktan ba ako? Di naman big deal sakin yun ah? At isa pa wala akung karapatang masaktan kasi wala naman kaming ugnayan.

Parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng may humawak sa pulso ko kaya agad akung napatingin dito.

"Are you okay?"

Ngumuso ako ng wala parin akung makitang emosyon sa mukha niya, sarap talagang bigwasan ng lalaking to pa as if na concern di naman halata kainis! Wala na sigurong matinong lalaki sa mundo lahat may problema sa utak.

"Oo." Tipid kung sagot

Umayos ako ng upo ng pumasok ang adviser namin, nakita ko ring nagmamadaling umupo ang grupo nila Rica napatingin siya sakin at ngumiti tumango lang ako sa kanya actually i dont have friends hindi kasi ako yung tipo taong mabarkada, bahay School lang yung lugar na madalas kung pinupuntahan.

Naging madali ang oras at tahimik kung nilakbay ang gate papasok sa bahay namin naging maayos naman ang practice namin kanina yun nga lang subrang hirap dahil hindi parin ako mapakali habang tumatagal pa lalim na palalim yung nararamdaman ko sa kanya.

At natatakot akung sumugal sa isang bagay na kahit kailan hindi ko alam kung may pag-asa ba, pero kahit ganon di ko mapigilang isipin na sa unang pagdapo palang ng mga mata niya sakin nagawa niyang patigilin ang mundo ko na matagal ng umiikot.

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now