Chapter 12

14 1 0
                                    

CHAPTER 12

TAHIMIK lang akung kumakain habang nakatingin sa baso ko, hindi parin maalis sa isip ko ang pag-alis nila tatay akala ko ngayon sila aalis pero bukas pa daw dahil may inaasikaso pa ang stepmom ko.

Medyo naiilang parin akung tawagin siyang tita kahit matagal ng sinabi ni tatay sa'kin na iyon ang itawag ko sa kanya. Napabuntong hininga ako at ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

"How was your sleep?"

"Maayos naman." Sabi ko sa kanya, at umupo sa tapat ko.

Tipid lang itong ngumiti at tumango, bigla pumasok sa isipan ko ang kagabi. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone niya, nag-iwas ako ng tingin at nag paalam naman ito na sasagutin niya ang tawag.

"Sige."

Nang matapos ako nilagay ko sa sink ang pinggan na ginamit ko at naghugas ng kamay. Nag sanitizer narin ako at dumeritso sa kwarto, shit! Yung phone ko! Napasapo ako sa noo at paulit-ulit minumura ang sarili.

"Eyah puwede pahiram ng phone? Ibabalik ko din sayo kaagad."

Narinig ko ang boses niya at binuksan nito ang pinto, nakapikit siya habang nakatayo sa harapan ko napatawa ako at tinulak ang noo niya.

"Ampangit mo! Mukha ka ng baboy. San na 'yong phone mo?" Sinimaan niya ako ng tingin.

"Sandali lang! Manghihiram ka na nga mang-iinsulto ka pa, dugyot mo."
Umismid ito at kinuha ang phone niya.

"Oh ayan! Maya mo na sakin ibalik nakakasira ka ng tulog." Tumawa ako ng pabalibag niyang sinarado ang pinto. Pikon talaga.

Pagbalik ko sa kwarto agad akung nag log-in sa Facebook hindi ko kabisado ang number ni Arañez kaya ito nalang ang back up ko.

Me:
Iyong phone ko na sa 'yo pahatid nalang dito.

Bigla akung kinabahan at napatulala sa screen, 5 minutes bago siya nag reply dami sigurong ka chat.

Deven:
Na sa Baguio ako, binilin ko na kay Manang ang phone mo ikaw nalang ang kumuha.

Napakurap ako at, inis akung humiga sa kama naubos na ang allowance ko kahapon. At saka isa pa wala akung pamasahe tangina! napag desisyonan kung maligo at agad dumeritso sa banyo.

Mga ilang oras akung nagbabad sa tubig ng biglang tumunog ang phone ni Eyah hindi kasi 'yon naka silent maliit lang ang kwarto ko kaya rinig ko mula rito. Pagkatapos kung mag takip ng towel sa katawan agad akung lumbas.

You missed a vedio chat with Deven? Mag t-type na sana ako ng reply nang biglang nag flash ang pangalan niya sa screen.

"Hey naisturbo ba kita?" Napaiwas ako ng tingin sa cellphone at umupo sa kama.

"Hindi naman, bat ka nga pala nagyaya ng video call?"

Napakapit ako sa maliit na tuwalyang nakatakip sa katawan ko at hindi rin ako mapakali sinisikap kung mukha ko lang 'yong makita.

"Are you okay? You look pale."

"Uh..Okay lang ako wag kang mag-alala." Tumawa ito ng malakas narinig ko ring nahulog ang phone niya.

"Sorry about that it's just that nakakatawa ang mukha mo, and I'm not worried Descartin." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung 'yan lang ang sasabihin mo i have to end this may mas importantante pa akung gagawin." Derekta kung sagot sa kanya.

"Wait! Ihahatid ko ang phone mo mamayang 2pm tatapusin ko lang to."

"Sige."

Ini off ko ang phone at nagbihis ng simpleng white shirt at denim short, paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si tita napailing nalang ako at di na ito pinansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now