Chapter 10

29 10 0
                                    


CHAPTER 10



SA INIS KO sinipa ko ang trashbin sa gilid ng pinto ng girls washroom kumalat ang basura sa tiles napatingin ako sa dulo ng hallway at nakita ang isang matandang janitor na naglilinis napabuga ako ng hangin at binalik ang kumalat na basura sa trashbin.

Pinag diskitahan ko ang cellphone ko at napatingin sa fire alarm na nakadikit sa pader bigla akung napangiti at di na naalis ang tingin doon. Sa madaling sandali ay agad akung nakaisip ng nakaka excite na plano.

Minsan talaga may pagka tupakin ako kaya di na rin maalis ang record ko dito sa School ang pagiging pasaway at paglabag ng nakasaad sa patakaran. Mas lalong lumawak ang ngisi ko ng masiguradong walang tao at wala ring CCTV dahil na sa dulo ito.

Agad ko itong pinindot at patakbong umalis patungong rooftop, nagsilabasan ang mga studyante pati narin ang mga teachers nagkagulo ang lahat napatawa ako. Napahawak ako sa bakal na railing, kahit hinihingal ako nagpatuloy ako at binuksan ang double door.

Sumalubong sakin ang masarap na simoy ng hangin, mula rito nagkagulo ang senior building at nakita ko rin ang Principal ng Saint Jhon nagmamadaling naglakad patungo sa deriksyon kung saan ang gulo. Napailing nalang ako palihim na pinupuri ang sarili, ngunit gulat akung napalingon sa likod ko ng may nagsalita. Nanlamig ako at biglang nanabik subrang namiss ko siya, biglang tumulo ang luha ko.

"You're still doing it, hindi ka parin nagbabago fran."

Tangina. Patakbo akung yumakap sa kanya gumanti rin siya sakin at hinalikan ako sa noo naramdaman kung binuhat niya ako. Naging emotional ako dahil sa wakas naisipan ng magpakita sakin ang gago ang tagal niyang nawala naghintay rin ako. Siya lang ang bukod tanging lalaki ang naging close ko at naging kaibigan sa mahabang panahon.

"Gago ka! Akala ko kinalimutan mo na ako. Akala ko...may iba kana dun kala ko...wala kanag balak na balikan ako." Humagolgol ako sa pag iyak at mahigpit ko siyang niyakap hindi ko parin magawang bumitaw sa kanya napatawa naman ito kaya kinutusan ko siya sa noo.

Nakahiga ako habang naka unan sa kandungan niya nilalaro niya ang buhok ko, nandito parin kami sa rooftop naghihintay kung kailan dalawin ni kamatayan. Para akung kinalabutan sa naisip at napaupo agad naman itong napatingin sakin mukhang galing sa mahabang pag iisip ang gago.

"Bry tara na, di na tayo puwedeng magtagal pa dito malapit na ang next subject may reports kami ngayon at saka isa pa nakasalalay dun ang special exam ko." Tumango ito at tumayo inakbayan niya ako at sabay naming tinungo ang classroom ko. Nabalitaan ko ring dito na mag aaral si Bry kaya labis ko itong ikinasaya kaso next week pa daw ang pasok niya.

"Sige."

Na sa pinto palang ako, naramdaman ko na ang mga titig ni Arañez sakin mula sa loob. Hinarap ko si Bry at lumapit sa kanya niyakap ko muna siya at hinalikan sa pesnge nakita kung nagulat siya pero tumawa lang ako sa reaksiyon niya.

"Pasok na ako, ingat ka dumeritso kana pauwi baka may baon kana namang sermon sa tigre mo'ng Mommy sige na." Napangiwi ito at napahawak sa sentido niya, hindi parin siya sanay sa madaldal kung bunganga.

"Ghe, mag ingat ka rin kapag may nang api sayo sabihin mo kaagad sakin ng maresbakan." Napatawa naman ako sa kanya at ginulo ang buhok niya, nagpaalam na siya sakin na aalis na.

"I will baby." Kinindatan ko siya bigla itong namula at nag iwas ng tingin humagalpak ako sa tawa napailing nalang ito at tuluyan ng umalis biglang tumahimik ang paligid at pumasok na sa loob.

Madaling lumipas ang oras at agad tumunog ang bell, nagmamadaling lumabas si Ms. Pachiko may pupuntahan daw ito tinutukso naman siya ng mga kaklase ko e kiso daw may ka date. 23 palang ito kaya alam na. Pano namin nalaman? Tadtad kasi ito ng flowers at chocolates kahit hindi naman araw ng mga puso marami ring mga cosmetics, at mga sikat na brand ng damit ay tambak ito sa room niya.

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now