Chapter 7

23 12 0
                                    


CHAPTER 7



Tamad kung tiningnan ang mga bagay sa paligid ito lang ang magagawa ko habang hinihintay ko si Shan lumbas ito kanina dahil may pupuntahan dw siya saglit pero 40 minutes na ang nakakalipas.

Patingin tingin din ako sa phone ko napabuga ako ng hangin at padabog na umalis dun, tinext ko si shan na sa labas lang ako kaysa naman dito di ko mawari ang amoy.

Pinaghalong alak at pabango ansakit sa ilong di agad ako nakalabas dahil subrang daming tao pero nagtagumpay naman ako meron din akung mga nakitang daggers na nakalagay sa frame.

Ang antik tignan kulay ginto ito sigurado akung mabigat, paglabas ko agad sumalubong sakin ang sariwa at malaming na hangin sa gabi.

Nalukot ang mukha ko ng makita ang pangalan ni tatay sa phone ko kinuha ko ito at sinagot.

"Tay?"

"Franzy anak nasan ka?" Hindi ako nakapag paalam kay tatay kanina dahil nag mamadali si shan narinig kung nag buntong hininga ang kabilang linya.

"A-Ah kasama ko po si shan sinama niya ako sa party."

"At kailan pa kayo nagkasundo? Malapit na mag alas onse umuwi kana."

"Opo tay." Pinatay ko na ang tawag at naglaro nalang ng online games nag chat si rica sakin kung pwede ba raw hiramin ang notes inignore ko ito at nagpatuloy sa laro.

"There you are, sorry natagalan."

"Akala ko di kana babalik, by the way pinapauwi na ako ni tatay." Walang lingog sabi ko tiningnan niya ang nilalaro ko at bigla itong tumawa.

"What?" Nainsulto ako sa tawa niya kaya taas kilay ko siyang tinignan.

"3 kill, 10 death? Okay kalang franzy?"

Sinipa ko ang paa niya at binato sa kanya ang phone ko agad niya naman itong nasalo tumatawa padin ito habang hawak ang tiyan niya.

"Ano bang problema mo ha? e sa hindi ako marunong niyan! kala mo kung sinong magaling mabulok ka dyan! Ulol." Iniwan ko siya dun napahinto ako ng maalalang hindi pa pala tapos yun.

"Bahala na classic lang naman."

Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit kumunot ang noo ko ng mapansin ang maliit na ilaw mula sa mataas na kahoy na curious ako kaya nilapitan ko ito, isang tree house dahan-dahan kung inakyat ang hagdan.

Agad kung nakita ang bulto ng babae nakasuot ito ng puting bestida habang nakaharap sa apoy hanggang bewang din ang buhok nito, magsasalita na sana ako ng bigla itong lumingon sakin.

"What's your name?" Ngumiti siya, nagbaba ako ng tingin at pinalubo ko ang bibig ko.

"Just call me fran."

Lumapit ito sakin, na istatuwa ako ng niyakap niya ako.

"Nice to meet you fran, I'm Syle. . .from now on i will be your savior." Binitawan niya ako at ngumiti ng malapad pero iniisip ko parin ang sinabi niya, savior? ano bang tinutukoy niya gusto ko sana siyang tanungin pero mas pinili kung manahimik.

"I-It was nice meeting you too."

Tahimik lang kaming naka indian seat, tulala ito habang nilalaro ang isang bagay sa kamay niya ngunit nabasag ang katahimikan ng biglang may tumunog na phone.

"Where the hell are you franzy?!" Agad kung nilayo ang telepono.

"Sa tree house, at puwede ba wag kang sumigaw." Napabuga ako ng hangin, uuwi na siguro ako di na ako puwedeng magtagal pa dito.

Deeply inlove with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now