02: Pagsamo

246 10 0
                                    

&.&.
Umiikot ang mundo, oras ay tumatakbo.
Panaho’y nagbabago, gaya ng pag-ibig mo.
Nag-umpisa ang lahat sa salitang, ‘Mahal Kita’.
Ngunit magtatapos din pala salitang, ‘Malaya ka na’.

&.&.
Sadyang may mga bagay nga talaga na hindi itinadhana.
Gaya nang pag-iibigan nating dalawa.
Ang mga pangako mo na hindi mo naman tinupad kahit kailan.
Ang mga pangarap na sabay nating nilikha ay hindi na matutupad kailan man.

&.&.
Sa dami ng bituin sa kalawakan na tila ba walang hanganan.
Hindi pa rin ako sumusuko, sa kabila ng sakit at pagdurusa, palagi lang akong naririto.
Umaasang, ako parin ang pipiliin mo.
Umaasang, maibabalik ko ang pagmamahal mo.

&.&.
Ngunit pilit mo akong inilalayo sa iyo.
Tuluyan ka na ngang bumitaw sa iyong mga pangako.
Iniwan mo akong nagdurusa.
Ikinulong sa pangungulila.

&.&.
Winasak mo aking mundo’t, iniwan mag-isa.
At ito nga ako ngayon wagas na lumuluha.
Mga luha na kailan man ay hindi ko makakalimutan.
Isang luha na hindi ko inaalalang ikaw ang magiging dahilan.

Dedicated to: Farahpen
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon