11: Role Play World

82 8 0
                                    

&.&.
Role Play World, ito ‘yung pekeng mundo kung kanila’y tawagin.
Iyong pagkatao ay nakatago sa likod ng nga pekeng pangalan, larawan, at pagkakilanlan.
Sa mundong ito meron lamang isang batas.
Bawal maniwala sa lahat ng bagay na nakalabas.
Dahil lahat ng narito’y walang katutuhanan.
Imahinasyon, katha lamang ng malilikot nating isip.
Maski ang mga damdamin ay pilit na kinukubli.
Tinatago ang kilig at sakit.
Walang hinahayaang lumabas.
Dahil isang galaw mo lang pag pinakita mo ang totoo mong nararamdaman.
Sa isang iglap, talo ka na sa laro ng pekeng mundo.

Dedicated to: MadameXivv
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Where stories live. Discover now