03: Paghanga sa isang Buwan

197 10 0
                                    

&.&.
Sa hindi inaasahang pagkakataon muli kitang nasilayan.
Sa loob ng tahimik na simbahan, ika’y aking pinagmasdan.
Ang iyong angking kabaitan at katalinuhan.
Na siyang nag-udyok sa akin upang ika’y hanga-an.

&.&.
O, Ginoo! Anong ginawa mo?
Sa aking pagpapatuloy na pagmamasid sa iyo, bigla kung napagtanto.
Ikaw pala ay isang buwan, kay ganda mong pagmasdan ngunit kay hirap mong makamtan.
Bakit ganoon, ‘anjan ka lang naman pero hindi kita mahawakan?

&.&.
Ni hindi kita kayang lapitan.
Sa dami ng bituin sa kalawakan.
Imposibleng ako’y iyong masilayan.
Ikaw ang aking buwan na lubos kung hinahangaan.

&.&.
O, Ginoo anong ginawa mo?
Pag-ibig na ba ito?
Hinangaan lamang kita, ngunit ang mapa-ibig sa iyo ay hindi ko inaasahan.
Pag-ibig na hindi ko inaakalang sa iyo pa mararamdaman.

&.&.
Ngunit alam kung malabo mong masilayan ang aking nararamdaman.
Kaya kuntento na akong pagmasdan ka‘t hanga-an.
Hangad ko lamang ang iyong kaligayahan.
O aking buwan.

Dedicated to: youusha
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Место, где живут истории. Откройте их для себя