08: Sakit ng Pag-ibig

115 7 0
                                    

&.&.
Naranasan ko nang bumitaw sa taong mahal ko.
Naranasan ko nang kumalas sa taong iniingatan ko.
Naranasan ko nang sumugal kahit alam kung talo na ako.
Sa pag-big na ito, ang hirap palang sumugal na walang kasiguraduhan.

&.&.
Iyong akala mo mahal ka niya.
Iyong akala mo masaya siya sa iyo.
Iyong akala mo ikaw lang mahal niya.
At higit sa lahat ‘yung akala mo matutupad lahat nang pangako niya.

&.&.
Sa pag-ibig kailangan ng tiwala, respeto at tunay na pagmamahal.
Pero paano nga ba lubos na maibibigay ang tiwala kung kanya na itong sinira?
Patuloy ka pa bang lalaban sa pag-ibig na ito?
O tuluyan nang kakalas upang hindi na muling masaktan pa?

Dedicated to: @Xavie
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Where stories live. Discover now