09: Pagod

111 7 0
                                    

&.&.
Isang salita na may limang letra.
Simpleng salita na kayang mag wakas ng kahit na anong relasyon.
Salitang lagi nilang sinasabi sa bawat pagtatalo.
Salitang laging dinadahilan.

&.&.
Pagod?
Kung pagod ka magpahinga ka.
Walang hindi nakakapagod dito sa mundo.
Kaya masanay tayo.

&.&.
Kung mahal mo kahit anong pagod mo ipaglalaban mo.
Hindi yung basta-basta ka nalang susuko dahil pagod ka na.
Hindi lang naman ikaw ang napapagod.
Ako rin, pero ni minsa’y hindi sumagi sa isip ko na bumitaw dahil sa pagod.

&.&.
Kaya ipaahinga.
Hindi rason ang ‘Pagod’ para sirain ang relasyon.
Hindi rason ang ‘Pagod’ para sumuko ka.
At hindi rason ang PAGOD para manakit ka ng taong minahal ka.

Dedicated to: @Black_MidnightGame
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Where stories live. Discover now