12: Pangakong Napako

94 8 0
                                    

&.&.
Naalala mo pa ba ang unang araw na nakilala mo ako?
Nung unang araw na nakausap mo ako.
Nung unang araw na lumabas tayo.
Nung unang araw na masaya pa tayo.

&.&.
Eh, ‘yung mga matatamis na salitang binitawan mo?
Mga pangako mo na sabi mo hindi kailan man mapapako.
Ang sabi mo pa nga walang iwanan.
Walang iiyak kasi magsasaya lamang tayo.

&.&.
Parang kailan lang ‘no?
Masaya mo pa iyang kinu-kwento sa akin.
At ito naman ako...
Naniwala sa pinagsasabi mo.

&.&.
Tingnan mo tuloy ngayon.
Heto ako mukang tanga umiiyak dahil sa pangako mo.
Bigla ka nalang umalis ma walang paalam.
Hindi ko nga batid kung anong nagawa ko upang ika’ lumisan.

Dedicated to: Aerunny
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Where stories live. Discover now