05: Laro ng Pag-ibig

140 8 0
                                    

&.&.
Pagnahulog ka, talo ka.
Pagnahulog ka, a-asa ka.
At kapag umasa ka,
Na mahuhulog siya gaya ng pagkahulog mo, masasaktan ka talaga.

&.&.
Sa laro ng pag-ibig.
Marurupok ang laging talo.
Dahil sila ‘yung taong hindi marunong makipaglaro.
Sa mga bagay na ‘di naman dapat gawing laro.

&.&.
Bakit ba kasi merong ganon?
Hindi ba p’wedeng magmahal na lang ng totoo at huwag daanin sa laro?
Nang sagayon ay walang masasaktan at a-asa.
Walang luluha dahil sa sinabi nilang pag-ibig.

&.&.
Tunay na pagmamahal ang nais.
Pero bakit nasaktan ng labis?
Ipaparamdam na mahal ka.
Papakiligin ka, gamit ang mga matatamis na salita.

&.&.
At pagnagsawa na'y iiwanan ka na parang bula.
Masama bang magmahal?
At mahalin ng totoo ang taong pinakitaan ka nang pagmamahal?
O teka pagmamahal nga bang matatawag?

&.&.
O isa lang ding laro nang pagmamahal?
Sana’y itigil na.
Nang wala ng masasaktan, at a-asa.
O laro ng pag-ibig, sana nama’y matigil na.

Dedicated to: SereinSoliel
4sky_moon

Tula Compilation [Complete]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ