Chapter 30

45 3 0
                                    

"Garrett!"Stephanie called.

Nandito kasi kami pareho ni Garrett sa labas ng coffee shop ni Tita Freya ,bumisita lang kaming dalawa dahil medyo hindi ko nabibisita si Tita Freya.

"Stephanie...."Garrett mentioned her name. Nakita kong lumapit si Stephanie banda sa amin.

Kada nakikita ko si Stephanie ay naaalala ko kanya ang mukha ni Barbie. Sobrang ganda niya kasi to the point na luluhuran mo na lang dahil sa sobrang kagandahan niya.

"Mabuti at naabutan ko kayong dalawa...."ngumiti siya sa aming dalawa. Pilit akong ngumiti ,hindi pa rin kasi ako sanay na binabati niya ako gayong ako ang bagong girlfriend ng ex niya.

Wala na kaya siyang feelings kay Garrett?

I don't know.

"Ano ba ang kailangan mo ,Stephanie?"mahinahong sabi ni Garrett at kumurap ang mata ni Stephanie.

"Uhm ,itatanong ko lang sana kung free ka sa linggo."sabi ni Stephanie kaya napatitig ako sa kanya ng mariin.

Bakit niya tinatanong si Garrett ng ganung bagay?

"Well ,Uh......"he trailed off ,"Free naman bakit?"

She bit her lip ,"Ganun ba? aayain sana kita sa friday na pumunta sa bahay namin ,birthday kasi ni Mommy..."

Napatingin ako kay Garrett na umawang ang labi. Nakalimutan niya siguro kaya ganito ang reaction niya?

"Nakalimutan mo ,noh?"she teasing Garrett.

Tumango siya ,"Oo ,Uh.....I'm sorry Stephanie ,birthday na pala sa friday ni Tita Rica!"

Last month ko lang nalaman na si Stephanie pala ang mommy ni Tita Rica.Though ,sobrang lakas ng tadhana dahil nagkita ulit kaming dalawa. Kaya pala mabait si Stephanie sa akin dahil mabait ang pinagmanahan niya.

Kinakabahan nga ako na baka pag nalaman ni Stephanie na kami na ni Garrett ay baka iba na siya makitungo sa akin dahil naging boyfriend ko ang ex niya. Unfortunately ,ganun pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Sobrang bait niya at sobrang approachable niyang tao ,sobrang anghel ng mukha niya.

"It's okay ,"she said ,"Inaasahan ka kasi niya ,Garrett kaya pumunta ako dito para makausap ka lang."

I bit my lower lip. wala naman akong ikababahala kung sakaling pumayag ang mokong na ito noh?

Tumingin sa akin si Garrett at parang alam ko na kung bakit ganun siya tumingin. Magpapaalam kaya siya sa akin?

"Uh babe ,pwede ba akong magpaalam sayo?"he asked me carefully then my mouth shut.

Ang awkward nandito si Stephanie!

"Uh-----"

"Pwede ka sumama sa friday ,Claudette."napalingon ako kay Stephanie dahil sinabi niya ,What?"Since ,gusto ka daw makita ni Mommy ,Claudette."

My mouth parted. She smiled to me then I still looked at her.

Umiling ako ,"Wag na ,Stephanie."napatingin ako kay Garrett na nakakunot ang noo ,"Papayagan ko na si Garrett sa friday para sa birthday ni Tita Rica ,hindi kasi ako free sa friday eh ,sa araw na yun kasi ang enrollment ko para sa university na papasukan ko."

Totoo naman yun ,mag eenroll na kasi ako dahil may napili na akong university na papasukan around Makati kaya talagang hindi ako magiging free.

"Sayang naman kung ganoon ,"bakas sa mukha niya ang paghihinayang.

"Sorry talaga ,yun kasi araw ng enrollment ko eh."I apologized then she suddenly smiled.

"Okay lang ,"then she glanced to Garrett ,"Basta asahan kita...."

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now