Chapter 31

44 4 0
                                    

"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo ,Stephanie?"hindi ko na napigilan tumayo sa upuan habang kausap ko siya.

Nandito ako ngayon sa mismong company ni Stephanie dahil dito niya ako pinapunta dahil may gusto nga siya sa sabihin sa akin.

Tumango siya.

Halos mapaawang ang labi ko dahil sa tinuran niya. What the fuck? napahawak ako sa ulo ko dahil sa pinagtapat sa akin na hindi kong ineexpect!

Napaupo ulit ako at ramdam kong nakatingin siya sa akin habang hindi maproseso ang utak ko sa mga sinabi niyang kanina!

What the hell?

"P-papaanong......."I trailed off ,"Pa-papaanong n-naging k-kapatid k-kita...."

Stephanie is my sister? sa papaanong paraan? bakit nalilito ako? alam kong si Jaycee lang ang kapatid ko! Kaya paanong nangyaring.......kapatid ko si Stephanie.

"W-why?"I looked at her ,"B-bakit? m-malabong kapatid kita ,dahil iba ang m-magulang ko ,Stephanie at parehas na silang patay!"

Sa loob loob ko di ko matanggap na siya ang kapatid ko. Naging mabuti siya sa akin but itong sinasabi niya? parang ang hirap paniwalaan!

She bit her lip ,"Claudette ,nagsasabi ako sayo ng totoo ,ako ang tunay mong kapatid."her voice calmly.

"Paanong maniniwala ako sayo ,Stephanie? gayong ,nagkakilala lang tayo dahil kay Garrett?"hindi ko na napigilan tumaas ang boses ko dahil pinagpipilitan niya ang sarili niya na ako ang kapatid niya! "Wala akong oras para makipagbiruan ,Stephanie!"

Nakita kong tumayo siya sa kinauupuan niya at tinignan niya ako ng mariin.

"Wala akong oras para makipagbiruan ,Claudette! nagsasabi ako ng totoo sa harap mo ,hindi ko ugaling magsinungaling!"nakita ko ang pagpatak ng luha niya habang tinititigan niya.

Natahimik ako na biglang may luha sa kanyang pisngi. Nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko! First time ko lang din makita na umiyak si Stephanie sa harapan ko.

"M-masaya akong n-nakita kita ,masaya akong sa tagal ng panahon kong pagtitiis na mahawakan at makausap kita...."she started fell her tears ,"Simula nung nawala ka sa amin ni Mommy ,p-palagi na lang t-tulala si Mommy d-dahil sa pagkawala mo........hindi niyang matanggap na sa i-isang iglap nawala ka sa tabi niya....h-halos ,hindi kong makausap si Mommy d-dala ng depression niya dahil sa pagkawala mo...."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"S-sobrang dinamdam niya yun to the point na hindi na niya ako nakikita sa paningin tanging iniisip niya ikaw......."she bit her lower lip ,"Kaya nangako a-ako sa s-sarili ko na paglaki ko hahanapin kita para kay Mommy......"bumuhos ang luha niya kaya hindi ko namamalayan may luha na namumuo sa pisngi ko ,"Ever since I went on high school ,I've hired an investigator just to find you!. I told him to find the nurse to take you so I would know where she left you!I don't regret the money I paid to the investigator because I don't care about my money! all I need to is find you!"

Bumabagsak pa rin ang kanyang luha at hindi ko magawang magsalita dahil lumabas ang emosyon niya!

"At sa awa ng diyos ,nahanap ka ng hinire kong investigator! Nasa Ilocos Sur ka at nasa mabuting mag asawa ka napunta! Sinabi pa sa akin ng investigator kung magpapakita siya para sayo! but.......tinanggihan ko ,"bumaba ang tingin niya at bakas sa mukha ang lungkot.

Nanatili pa rin akong nakatingin.

"Okay na alam kong saan ka nakatira at nasa mabuting kamay ng mga mag asawang nag alaga sayo."her voice calmly now.

Kung ganoon? bakit niya ako hinayaan ,kung alam naman pala niya kung nasaan ako?

"Naisip kong......hindi pa panahon para magkasama pa tayong dalawa....."she looked at me ,"Gusto kong makasama mo pa ng matagal ang mga taong kumupkup sa'yo ,dahil alam ko kahit hindi ko pa sila nakikita alam kong sobrang napamahal sila sayo."

Together For A Day ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon