Panimula

24 8 7
                                    

Simula :

"Kung hindi lang kita anak, baka linayasan na kita. Naku! Ilang beses na kitang pinagsasabihan pero parang wala kang naririnig. Hindi ka din nag-aayos nang bahay, hindi ka man lang naglilinis, kahit ang maglaba patingi-tingi. Aanhin mo ang washing machine dyaan, kung hindi mo din lang gagamitin!" hito nanaman tayo. Kapag natapos nang maglinis ng bahay ni papa, ratatat bogsh! bogsh! Hindi naman ako tamad. Masakit lang katawan ko, ang bigat bigat.

"Sige, para mas pahirapan ka! Maglaba ka doon sa bombahan sa baba, tutal malapit lang, hindi ka mahihirapan doong mag bomba, dahil sagana naman sa tubig." magrereklamo na sana ako, kaso naalala ko baka madagdagan nanaman itong sermon na ito.

"Para matuto ka pati! Ako na nga nagluluto nang agahan, tanghalian, pati hapunan! Ako pa gusto mong maghugas ng pinagkainan mo! Aba anak naman, magtanda kana! Ilang taon kana?" galit na galit. Iyong tipong mahihiya kang magsalita, tapos sasagot ka lang kapag nagtanong.

"16 po" mahina lang ang pagkakabigkas ko.

"Pambihira" parang nawawalang pasensiya niyang turan. Kunot ang noo, magkasalubong ang kilay, at nakakatakot ang boses. "Kita mo! Disesais kana, pero kung umasta ka parang may pinagmamalaki kana! May pinagmamalaki kana ba, para hindi ka makinig sa akin, kahit ilang beses na kitang pinagsasabihan! Sagot!" biglang lakas ng boses sa bandang dulong tanong.

"Wala pa po" nakayuko ako habang sinasagot ko iyan. Hindi ko kayang tumingin kay papa habang pinagagalitan ako. Hindi ko lang kasi kaya baka bigla akong batukan.

"Wala pa! Ibig sabihin, may ipagmamalaki kana!" hindi niya nanaman nagustuhan ang sinagot ko! Jusko naman! Natatakot ako, e.

"Wala pa!" bigla kong sagot!

"Anong wala pa! Wala po! Hindi ka pati marunong gumamit ng po at opo! Pinalaki ba kitang ganyan!" at ito nanaman ang sinasabi kong dugtong dugtong na sermon.

Hindi ko alam, pero mukhang hobby na ni papa ang pagalitan ako araw-araw. Iyong tipong kunting pagkakamali lang, galit na siya. Hindi ko naman sinasadya, e. Mukha bang gusto kong mapagalitan araw-araw. Hindi naman!

"Pati iyang pananamit mo! Kapag nakita ka ng mama mong ganyan ka, baka sabunin ka din ulit. Ang ganda ganda nang mga bestida at damit doon na bagay naman sayo, pero hindi mo sinusuot." andito nanaman tayo. Sa hindi ko nga gusto, e. Bumibili si mama kasi ng damit, iyong mga hindi ko pa gusto. Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi mas type ko pang magsuot ng medjo maluluwang na damit kaysa ang mga fitted na iyan, at masyadong masisikip.

Gustong gusto ko sabihin kay papa iyan, pero hindi niya naman ako pinakikinggan. Kahit kay mama, ang sasabihin niya lang 'Aba Pomela, dalaga ka, hindi ka binata. Iyong mga ganyan ang gusto mo, hindi talaga kita maintindihan'

I'm Pomie Laura Zipagan. Oo, hindi kayo nagkakamali ng basa, masipag ang apelyido ko, pero iyong may pangalan tamad. Alam ko naman, e, na bukod sa apelyido ko, may isa pang bagay na kinukutya sa akin.

Iyon ay ang buhok ko. Kahit naman kasi anong gawin ko, kulot at kulot padin ako. Kagaya ng ugali ko, kailangan kasi unti-untiin hindi naman maganda kong minamadali at pilit di ba?

Isa pa, masyado akong nasanay sa mga kasama ko sa bahay. Mula noong magkaisip ako, si papa na ang kasama ko! Si mama kasi nasa ibang lugar! Nagtratrabaho siya bilang katulong sa kamag-anak din lang namin sa Quezon.

Tatlo hanggang sa apat na beses lang kung umuwi sa isang taon, hindi pa umaabot nang isang linggo kong magbakasyon dahil kaagad din lang itong bumabalik.

Sa ngayon medjo maganda na ang trabaho niya, nagkaroon kasi ng isang business, ayon isa na siyang Cook ngayon, parang chef ganun. Basta maayos na.

"Pinagalitan ka nanaman noh? ayan kasi cellphone pa!" Si Tita ko iyan. Minsan kakampi ko, minsan, never mind. Kapag talagang ano, kinakampihan naman nila ako, kapag medjo hindi na talaga maganda, syempre alam naman nila kung anong tama at mali, kaya syempre, nagagalit din sila.

"Tita naman, hindi naman po, e." nakanguso kong sambit. Hindi naman kasi talaga.

"Anong hindi? Kagigising mo lang, cellphone nanaman hawak mo." pilit niya. Kaya nga sabi ko, totoo ang kasabihan. Every Sermon, Damay Selpon.

"E, sige na nga Tita." pagsuko ko kahit alam ko naman kung anong dahilan. Kapag kasi napagalitan ka, at hindi nila narinig ang paliwanag mo, kadalasan talaga sinasabi ko sa sarili ko. Hindi nila alam ang dahilan, kaya ganon. Kapag siguro nakita nila, baka hindi nila ako pagalitan O, kaya naman bakit kapag sila ang nagkamali, hindi sila magalit sa sarili nila, bakit parang ang bilis lang nilang patawarin ang salita nila.

"Wala ka na bang gagawin?" ito na, mahinahon na siya. Ito na iyong kadalasan niyang boses. Hindi na siya galit. Mahinahon na siya. Sa totoo lang, si tita ko, masiyahan iyan, at hindi naman masungit. Mukha niya lang masungit, pero hindi naman.

"Wala na po." sagot ko.

"Bantayan mo nga si Zyra" ang pinsan kong tatlong taong gulang pero kung mag-isip parang sampung taong gulang na.

Tumango naman ako kay tita. Agad ko namang pinuntahan ang batang iyon, dahil baka kung anong bagay nanaman ang paki-alaman.

Jusko, paki-alamera kasi ang batang iyon, pero siya lang may kayang makipagsagutan kay papa. Pero, grabi iyon. Siya talaga ang totoong masungit.

Di ba kapag bata? Masyadong maamo ang mukha, pero Jusko, hindi mo gugustuhing malaman kong ano ang ugali.

"Pangit!!! Asan ka!!!" ganyan ang tawag ko sa kanya. Hindi baby, ading o iyong malambing na boses, para lang lumapit ang bata.

Hindi ganun. Hahanapin ko na sana siya sa loob ng bahay, kaya lang nakita ko siya nakakandong kay Lola.

"Apo, mukhang balak matulog hayaan muna." ngumiti siya sa akin pagkatapos.

Lumapit ako sa kanya, tsaka tahimik na umupo sa tabi niya. Hindi pa naman ganon matanda si Lola ko, medjo nasa sitentay tres. Basta ganun. Malakas pa siya, at kaya pang humila ng kalabaw at baka.

"Lola, gusto ko pong umistraight itong buhok ko, baka may alam po kayong solusyon. You know, pampaunat?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Kaso tinawanan niya lang ako. Kita na ang mga ngipin niyang kulang kulang. Hindi pa naman siya bungi, pero may ngipin na siyang nawawala. Parang missing in action ganun.

"Ang ganda mo nga tignan sa ganyang kulot, E." aniya.

Sumimangot naman ako sa narinig ko. Mukha bang magandang tignan ito. Hindi naman, e. Buhaghag ang buhok ko at mukhang patay na sa sobrang tuyot. Hindi siya tulad ng ibang buhok na kahit kulot, e magandang tignan.

Iyong akin, hindi! Ibang iba iyong itsura nang akin.

"Lola naman, e." maktok ko. Alam ko naman kasi na aasarin niya muna ako, bago siya magsabi ng ganito, pwede iyong ganyan.

"Ala-Em adiay plantsa idiay aparador. Mabalin adiay!" sabi niya sa Ilokano. Oo, Ilokano kami!

'Kunin mo doon sa aparador iyong plantsa, pwede iyon!'

"Lola, plantsa po ng damit iyon." sabi ko nanaman. Tumawa nanaman siya. Jusko!

"Iyon na nga. Pwede iyon." sabi niya ulit.

Wala naman akong nagawa kundi, kunin ang plantsa na iyon sa aparador. At dito magsisimula ang pagbabago na nangyari sa buhay ko.

Again I'm Pomie Laura Zipagan, 16 years old. Half Ibanag, Half Ilokano, Half Tarantado, Half Sutil, Half sakit sa ulo, Half Chinese, Half Hapon, Half Amerikano, Half Tanga, pero matalino, Half mabait, Half cute, kasi hindi daw ako maganda! HALF lang lahat kasi hindi buo ang pagmamahal niya para sa akin.

At naniniwala ako sa kasabihang, ang pride parang ako! Kapag hindi mo pinagalitan walang mangyayari!

To be Continue..

M. J | MissGorJuice

Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon