Kabanata 4

6 5 3
                                    

Kabanata 4 : The Magic Plantsa


“Hindi ako naniniwala!” giit ko. Totoo naman, kasi di ba?  Sinusubukan ko lang naman kung totoo talaga siya!

“Sige, bibigyan kita nang isang libring wish!” sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nag-iisip ako nang pwedeng iwish!

“Gusto kong hilingin na sana magkaroon ako ng pera, pambili ko nang laptop!” matagal ko na kayang gustong magka laptop, pero potang'na hindi ako maka-ipon gawa nang kapag kasi mayroon akong pera, kung hindi ko gagastusin , uutangin ni papa ko! Tapos kapag sisingilin ko, sasabihin niya. 'Iyong mga binili kong mga gamit mo? Iyong mga luho mo, di ba? Pera ko iyong ginamit.' wala ganyan lang! Kaya paano ako makakaipon!

“Sus, ang dali lang pala. Ibagsak mo itong plantsa!” utos niya. Alanganin pa akong tumingin sa plantsa, at sa sementong babagsakan nito.

“Legit iyan, baka naman masira.” alanganin padin akong tumingin.

“Wala kang tiwala, e. Gusto mo bang matupad gusto mo? O itutulog ko na lang ito?” panunubok niya. Ayaw ko namang mangyari iyo, kaya naman kahit hindi ako sigurado sa mangyayari, kinuha ko ito, at binagsak!

“Sure iyan, ah! Ito na!” at hinulog ko na ang plantsang mas matanda pa ata sa Lola ko! Pumikit pa ako, kasi naman hindi ko alam kong anong mangyayari! Baka napuruhan! Ichecheck ko na sana kung nasira, pero bigla itong naglabas nang usok! Alah!

Hindi siya ordinary na usok, Kasi para siyang tubig na naipon, pagkatapos ay dumiretso ito sa kama ko! Umilaw nang kaunti, kaya naman tinakpan ko ang mata ko!

Nang medjo hindi na maliwanag! Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay na nakaharang sa mata ko, at dahan-dahan ko ding sinilip, kung saan iyong usok kanina, doon ako tumingin. Nang lingunin ko ang kama ko, mayroon na doong pera! Potang'na! Ganito pala iyong instant na pera, nakabungkos at talagang nakaayos!

“Ay anak ka ng.... Totoo nga!” napatakip pa ako sa bibig ko, dahil sa gulat.

“Bakit pa nga ba ako magtataka?” sabi niya bigla. Narinig ko ang na tunog niyang pagbuntong hininga.

“Bakit?” takang tanong ko. Baka kasi mamaya niyan bawiin na lang itong hiniling ko. Mabuti na iyong nagtatanong para sure!

“Hindi ko inaasahan na iyan ang una mong hihilingin pera? Hindi ba nasa malayong lugar ang mama mo, bakit hindi mo hilingin na kahit kunting oras lang makasama mo siya? Kahit ang magbago ang isip niya, para umuwi?” takang tanong niya. I just sighed.

Kumuha ako nang lalagyanan at pa unti-unti kong kinukuha ang pera, at sinasalansang ko ito doon. Umupo din ako nang maayos para hindi ako mangawit.

“Alam mo? Nasa ibang panahon na tayo ngayon. Kung ang huling bagay na naalala mo sa panahon na iyon ay ganyan, pwes ibahin mo ngayon. People don't waste their time, especially sa mga bagay na hindi nila pakikinabangan. Kahit naman hilingin kong umuwi ang nanay ko dito, anong aasahan mong gagamitin niya para umuwi? Pera di ba? Kapag umuwi siya dito, ano sa alam mo ang gagamitin namin pambili nang ulam at gamit? Dahon ba nang bayabas, dahon ba nang madre? Hindi pera?” opinyon ko lang naman iyan. Hindi ko naman sinasabi na, dapat maniwala siya. Kasi opinyon ko lang naman iyan. “Hindi mo pa kilala ang mama ko!” sabi ko sa kanya. Sa klase nang pagkakasabi ko, alam kong sigurado ko!

“Mali ka! Bago pa ako mapunta sa kinalalagyan ko ngayon, nanggaling na ako sa pinaka-ninuno mo? Alam mo ba?  Magkamukha kayo nang unang humawak sa akin. Sa pananamit, ugali at kahit sa paraan niya nang pakikipag-usap. At salapi din ang una niyang hiniling noon.” walang nababanggit si lola na ganyan. O baka naman alam niyang mayroong ganito, pero dahil ng sekreto lang ay hindi niya pinagsabi.

“Talaga anong sabi?” namamangha ako sa sinasabi niya. Pakiramdam ko tuloy, kahit papano may tao nang nakakaintindi sa akin.

“Ang sabi niya noon! 'Ano bang pinaka-kailangan nang tao? Kahit ang sarili mong katawan kaya mong ibigay, magkaroon ka lamang nang salapi. Kung ang ibang tao, grabi magtrabaho at talagang banat ang buong katawan magkaroon lamang nang salaping ginto pambili nang pagkain, ang iba naman ay mismong katawan ang ginagamit magkaroon lamang nang salapi, kaya sabihin mo sa akin bakit hindi ang magkaroon ng salapi ang una kong hilingin? Ang aking ama ay hindi hamak na mas mukhang ganid kaysa sa akin. Hindi siya mapakali kung wala siyang pera. Napakasungit at akala mo'y napakabait.” Hindi niya boses ang ginamit niya para sabihin nang lahat ng yan. Ginamit niya iyong powers niya para iyong mismong nagsabi ang parang napapakinggan padin. Kung tutuusin ay parang tama siya. I was like, parang ano! Nakikinig lang ako sa sarili kong boses.

“Ang galing. Anong sinabi mo pagkatapos?” parang gusto ko na lang pakinggan ang boses na iyon.

“Hoy andyan ka pa?” nagtatakang tanong ko. Wala pading response kaya naman kinuha ko ito at ishishake sana. Pero nung wala padin talaga, nagdesisyon akong ibagsak ulit.

Kaya lang ay biglang lumitaw, ang kunting usok na nagmumula dito. At mas lalong hindi ako makapaniwala sa aking nabasa! 'Don't disturb. Tulog ako!' mukhang napagod. Nakatulog na pala! Hindi man lang nag-abiso grabi!

“POMIELA! HALIKA DITO, TIGNAN MO KUNG ANONG MAYROON DITO!” Sigaw iyan ni papa nanaman! Dali-dali naman akong pumunta roon at sinilip ang bagay na sinasabi niya.

Ano nanaman bang ganap at galit nanaman ito? Minsan nakaka sawa narin marinig ang boses ni papa! Nakakarindi sa totoo lang, pero ano pa nga bang magagawa ko, Alangan namang kunin ko ang vocal chord niya at tanggalin ko! Isa pa! Kapag nagsasalita siya para siyang laging galit!

“Ano ba iyon” alam ko wag niyo nang punahin. Medjo bastos ako, kunti lang naman!

“Napakaburara mong babae ka! Hindi na ako magtataka kong hindi ka aasenso! Sa bagay wala pa akong nabalitaan na burara na umasenso! Kapag napuno ako sa iyong babae ka! Lalayas na lang ako dito, wala kang pakinabang!” ganyan siya magalit. Katotohanan niyan, mas grabi pa iyan kapag talagang may problema siya tas sabayan mo pa. Tanggal angas niya dyan, kasi hindi naman ako takot sa kanya.

Mas takot pa ako kay Mama ko, kaysa sa kanya. Mata palang ni Mama, tahimik na ako. Siya murahin niya ako nang iba't ibang language, mukhang walang epekto sa akin.

Sa huli, lininis ko din lang iyong sinasabi niya! Minsan napapaisip ako? Mas masarap din minsan tumira sa imagination ano? Iyong lahat nang bagay na naiisip ko, malayo sa bagay na nararanasan ko.

No one knows kong anong magiging ako, paglaki ko. Siguro iyong iba, kung tamad ka nang baguhin iyong ugali mo, then it's up to you kong itutuloy mo pa iyong bagay na gusto mo. Iba-iba naman ang tao. Hindi porket wala pa siyang nabalitaan na, from ganito, ay ganito padin. Kaya sana man lang, kahit once lang, sana magkaroon din siya nang tiwala sa akin.

To be Continue

Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon