Kabanata 5

7 7 8
                                    

Kabanata 5 : First Thing you want.


“Ano! Bibili ka nang laptop? Ngayon? Saan ka kukuha nang pambili ng bagay na iyan!” sigaw na aniya ni papa. Pagkatapos ko kasing sabihin na, bibili ako ng laptop ngayon, ay bigla na lang siyang nagalit.

Hindi niya naman pera, iyong gagamitin!

“Anong tingin mo sa sarili mo? Mayaman ka! Anong tingin mo sa akin, tumatae nang pera? Palibhasa, feeling rich ka! Kaya ka ganyan! Hindi porket minsan, nabibigay iyang gusto mo, aabusihin mo! Magtanda ka na nga Pomiela, para kang hindi pinagsasabihan sa inaasta mo!” kung tutuusin ay ayaw kong sumagot. Ayaw ko ng magdagdag nang problema. Kaya ko namang umalis, at pumunta sa Mall, para bumili.

Kailangan ko lang naman, ay guardian! Kasi wala pa ako sa legal age, pero sige kung ayaw niya. Hindi ko naman siya mapipilit. Nagpapaalam lang naman ako.

“Wag mo akong subukan!” nagbabanta ang boses niya, at parang may hindi mangyayaring maganda kapag sinuway ko iyon. Ano bang mali sa sinabi ko? Ang sabi ko lang naman 'Pa! Bili tayo ng Laptop!' tas, nagalit na siya agad! Hindi ko naman sinabing 'Pa, pahingi ng pera, bibili ako ng laptop!' hindi naman ako nagdemmand!

“Sige, kay Weng na lang ako magpapasama! Bye pa!” hindi na ako lumingon sa kanya pagkatapos at dire-diretsong ng lumabas ng bahay.

Lumabas ako, hindi para umalis na agad. Lalabas ako, para tawagan muna siya. Grabi naman kung hindi pupunta na agad ako doon, tas busy pala siya, edi wala din lang.

Kinapa ko ang selpon ko sa bag na dala ko, saka ko hinanap ang Number niya sa phone book. Pota! Dapat hindi siya busy, na kapalit na ako! Ready na nga.

“Hello.” parang tamad pa iyong boses niya. Masyadong malamyos at kalmado! Ganyan naman lagi. >_<  Si Weng, o mas kilala sa pangalang Rowena Ollebolep.

“Busy ka?” ngumiti pa ako pagkatapos. Kasi ganon talaga ako.

“Hindi, bakit?” ganon padin ang tono ng pananalita niya. Wala man lang gana! Kapag pumayag itong sumama sa akin, talagang ililibre ko sa McDonald's. Kung papayag siya!

“Sama ka sakin, bili tayo ng laptop!” excited kong sabi. Bukod sa malapit na siya sa legal age , at mahigit isang taon ang tanda sa akin, pwede na!

“Ah, talaga?” para pa siyang hindi naniniwala! Palibhasa, wala akong pera kaya hindi niya ako pinaniniwalaan.

“Oo, nga. Kasi mamaya may pipirmahan doon, tas hindi ko alam gagawin ko.” hindi naman ako masyadong OA, pero parang ganun na nga.

“Pumayag si Tito-este Ninong?” ang lakas ang amats niyang tawaging Ninong si Papa, hindi naman siya binibigyan pag-pasko! >_<

“Oo, yan. Sige sunduin na kita mamaya! Mag commute na lang tayo, pa hatid tayo sa Crossing. Pero, saglit para sure. Kausapin mo si papa, sabihin mo, bibili tayo project mo! Kasi kailangan!” teknik 101. Kailangan dapat hindi kj ang kasama mo, at dapat ginagawa niya din iyong teknik na iyon, para expert.

Hindi lang din naman kasi ako ang gumagawa niyan! T_T. Siya din naman kasi! >_-

“Ay, wow! Pero sige - sige. Iyang mga paraan mo Pomiela ah!” akala mo naman. Ginagawa niya din, naman. - _-

“Sige, sige bibigay ko na” sabi ko sa kanya, sabay balik sa bahay at siya ang magpapaalam kaya papa!

Pag-uwi ko, naabutan ko siyang nagkakape! Ayan, kaya siya sa nerbiyoso! Kape pa! Sige lang!

“Pa, tumawag si Weng! May favor! Kawawa naman kung hindi ko sasamahan, alam mo namang malaki ang tulong niya sa akin, lalo na kapag hindi ko maintindihan iyong problem sa math, tinuturuan niya, ako. Tapos po---” hindi ko na natuloy ang dapat ko pa sanang sasabihin ng bigla siyang humarap sa akin, at kunot noo akong pinagmasdan.

“Ikaw Pomiela ah, kung saan-saan ka pumupunta! Ano bang favor iyon? At bakit kailangang ikaw ang sasama, andon naman si Shy” eh, pero ang ending nito alam ko na. At tsaka bakit hindi ako ang sasama. E, ako ang may kailangan! Hindi naman si Shy!

“O, si Weng!” sabay abot ng cellphone sa kanya. “Hello, Weng! Kausapin ka na daw ni papa! HaHaHaHa, di ba? May favor ka, sabihin mo ng maayos! HaHaHaHaHa!” sabi ko. Hindi naman pagbabanta ang dating niyan, medjo sapat lang para hindi niya makalimutan. Alam ko namang MABUTI SIYANG TAO! kaya nga pumapayag si papa na umalis ako, basta siya ang kasama. Ang laki ng tiwala nila grabi!

“Hello po, Tito? Pwede ko po bang hiramin si Pomiela, saglit. Bibili lang po kami ng kunting gamit. Tas, sleep over po sa Church, practice po kasi ng Choir?” masyadong mahinahon, at mabait ang boses niya. Ibang iba sa tono ng pananalita niya, kapag ako ang kausap!

“Sige, sige. Pero, doon na ang diretso ah, tatawagan ko na lang kung sino ang tao doon, para tanungin kong sa simbahan talaga ang diretso niyo!” O, di ba? Payag well. Sanaol. Kung ako iyan, dami pang sinasabi. Hanggang sa maghapon na, at hindi na talaga ako makakaalis.

“Sige po tito. Salamat.” ang galang pati.

Pinatay ko ang tawag, at dali-daling pumunta sa kwarto para kumuha ng extra na damit. Hindi ko na problema ang toothbrush at toothpaste dahil lagi akong may dala.

Hindi ko na din kailangan ang kumot doon at unan, dahil malapit lang naman iyong Lola ko doon, kapatid ng Lolo ko. Hindi naman siguro nila, ipagdadamot ang isang pirasong unan, at kumot hindi ba?

“Sinabi ko sa iyo, Pomiela ah! Malaman ko lang na hindi ganun ang bibilhin niyo, wag ka ng umuwi!” ngayon ko pa lang proproblemahin, kung paano ko ipupuslit iyong bibilhin ko, nang hindi niya nalalaman.  Isinigaw niya kasi iyon sa labas ng kwarto ko. Kaya naman, rinig ko talaga.

Haisst bahala na, kung hindi naman kasi siya nagalit-galit noong una, edi sasabihin kong may-ipon ako, kaya may pinambili ako. Pero maganda din naman na magsabi ng totoo, di ba?

Nasa kwarto padin ako, at dahan - dahan na sanang lalabas, nang biglang masagi ko ang plantsa at nagising ang genie!

Pota, sa lakas ng bagsak non, siguradong rinig niya! Anak nang! Aalis na nga lang, may nahulog pa.

“Ano iyon, Pomiela! Ano iyong nahulog? Buksan mo iyong pinto, bakit ba naka lock?” dali-dali kong sinipa iyong plansta, sa ilalim ng kama. Kahit nagkukusot pa ng mata iyong genei. Pagkatapos kong makita na sumama ang usok nito, sa plansta na nasa ilalim na ng kama, ay agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang nagtatakang mukha ng aking ama.

To be Continue

Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon