Kabanata 9

1 1 0
                                    

Kabanata 9 : Drowning

“Kailangan mong mag-isip nang masaya, at dadalhin ka non, sa masaya ding alaala”  Hindi iyan galing kay Peter Pan.

Na kapag nag-isip ka nang masaya, lilipad ka. No, wala ako sa NeverLand, nasa ibang lugar ako. And unfortunately, nasa nakaraan ako at pilit sinasalba ang sarili para hindi ako malunod.

At kung tutuusin, wala din naman akong magandang ala-ala. Wala din akong maisip na masaya. Hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing pinipilit kong maging masaya, puro kalungkutan lang ang naiisip ko.

Saka bakit ko ba sinasalba pa ang sarili ko, gayong wala namang taong gustong mabuhay ako? Hindi nga ako gusto ng sarili kong pamilya e. Paulit-ulit nga nilang sinasabi sa kin na, hindi ko maabot ang mga pangarap ko.

Kahit nga minsan, hindi ko naramdaman na ang salitang pagmamahal sa kanila. Sabi ng iba. Ang pinakamasayang tao, ay siya din ang may pinakamalalim na kalungkutan.

Yes, I'm happy in the outside . But, I feel broken inside. Iyong tipong hindi na maayos. Hindi na mabubuo, at hindi na pwedeng ayusin.

Sabi nga ng papa ko, "Wala kang mararating sa mundo, kasi singsama ng demonyo ang ugali mo" Hindi ba nila kayang mahalata, na kaya ako ganito ay dahil iyon din ang nararamdaman kung pinaparamdam nila.

Kaya naman nabuhay akong pinipilit na sinisiksik iyong sarili ko, kahit alam kung masasaktan ako. Wala, e. Tanging iyong lang kasi iyong pwede kung iambag sa buhay ko.

Kaya bakit ko pa pipiliing mabuhay?

“Pom, hindi ako nakikipagbiruan? Gumising ka? Ano ba? Pom.” hanggang sa unti-unti akong nakaranig ng boses.

“Hindi magandang biro ito. Pom. Gumising ka?” sabi ulit ng boses. Pero kahit anong pilit kung galaw, o kahit ang imulat lang ang mata ko, hindi ko kayang magawa.

Kanina lang tanggap ko na, e. Gusto ko nang manahimik habang buhay, pero noong marinig ko ang boses ng kaisa-isang taong sumusuporta sa lahat ng gusto ko, bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob para pa lumaban.

Pinilit ko, hanggang sa may unti-unting humatak sa aking paatas, pero hindi na ako sa tabi ng ilog nakasampa kundi nasa sementado na ako ngayon na, nakahiga.

“T-Tito?” mahina kung sabi.

“Anong ginagawa mo sa drum? Bigla ka na lang lumusot doon, at linublob mo ang sarili mo doon. Akala ko naglalaro ka lang, pero dahil matagal kang hindi umahon, tss. Mabuti na lang at nakita kita! May balak ka bang patayin ang sarili mo!” Siya ang tito ko. Bagama't hindi siya perpekto, alam kung iba siya umintindi ng sitwasyon.

Bukod sa Lolo ko at dalawang Tito ko, isa din siya sa mga kakampi ko sa bahay na ito. May limitasyon, pero marunong siyang magtiwala. Lalong-lalo na sa kakayahan ko.

When I  said, I want this kind of worked, he will support me. Walang pag-aalinlangan, ganun siya. Pero, sa likod ng mga suportang binibigay niya sa akin, may iba pa siyang dahilan.

May anak siya. Pero, hindi siya ganun katanggap. Maybe, because may kaya lang kami, at hindi niya kayang iprovide O hindi niya kayang ibigay iyong mga luho ng anak niya.

Ramdam ko ung sakit na dala-dala niya. Kagaya na lamang ng sakit na nakikita ko ngayon sa mga mata niya.

“Ano bang nasa isip mo, hah! Paano kung hindi kita napansin? Ano na lang ang mangyayari sayo?” biglang tumaas ang boses niya ng tanungin niya s akin iyan. Sa hindi ko malaman na dahilan, bigla na lang akong humagolgol.

“Pagod na ako, tito. Sana hinayaan mo na lang akong magpahinga.” sabi ko dito, habang patuloy padin sa pagagos ng aking mga luha. Biglang lumambot ang ekspresyon niya sa akin, ay bigla na lamang lumamlam ang mga mata niya. Nawala ang mga galit, at napalitan din ito ng pagkalito.

“Hindi mo naman kailangan sabihin na pagod ka na, di ba? Pwede kang magpahinga, pero wag naman iyong pang-habang buhay. Andito pa ako. Andito pa si Tito.” sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya naman ako na mismo ang yumakap sa kanya, habang patuloy padin sa pag-iyak.

“Alam ko tito. Pero, napapagod na din ako. Pakiramdam ko kasi iniwan na ako ng lahat. Ang sakit sakit kasi. Ang daya-daya naman kasi. Iniwan nila ako agad. Ito na lang tito, iyong nakikita kung dahilan para makita ko sila ulit.” sumbong ko sa kanya. Pilit niya padin akong pinapakalma pero patuloy padin ako sa pag-iyak.

“Tumatakbo ang oras. Hindi mo alam kung ano-ano ang mangyayari sa mga darating na araw. Alam mo kung ano iyong mas masakit? Iyong may dahilan kana para magtagal pa sa mundo, pero hindi na nakikisama ang katawan mo.” sabi niya sa akin, habang hinahaplos ang buhok ko. Tumingin siya sa akin. " Gusto mong magpahinga ngayon? Pero kapag nakahanap ka na nang dahilan para mabuhay, doon nanaman hindi makikisama ang katawan mo, kasi kahit pilitin mong lumaban, kung hindi na talaga kaya, wala na talaga tayong magagawa" hanggang sa  napansin kong tumigil na sa pag-agus ang mga luha ko.

“Tandaan mo, Pom. Hangga't kaya ko, magiging kakampi mo ako. Hindi kita pababayaan.” pero naalala ko, iyan din iyong huling sinabi sa akin ng tito kung isa.

"Tandaan mo hah. Mahal ka namin. Itong pagmamahal namin sa iyo, hindi ito mapapantayan nang kahit anong salapi. Hinding hindi kami papayag na hanggang dito ka lang. Kaya hanggat kaya namin, kami ang aaalalay sayo. Hindi ka namin pababayaan. Kung pakiramdam mo, walang walang kana, pwes subukan mong isipin ulit. Kasi, andito pa kami. Kung pakiramdam mo, iniwan kana na ng lahat, andito pa kami, nakakapit” iyan ang huling mensahe sa akin ng Tito ko, pero ngayon nasa langit na siya.

I remember the day, noong kinuha na siya talaga. Mayroong tawag noon na dumating, tas ang unang sinabi sa amin.

“Mang, wala na siya.” until I realize “You have to let people go. Everyone who is in your life are meant to be in your journey but not all of them are meant to stay till the end.”

Kagaya nila.

To be Continue.



Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon