Kabanata 2

12 6 1
                                    

Kabanata 2 : Who's with you?

When someone approached you? How will you deal with it? When someone say 'sorry to you?' How will you accept it? Pero pano kung ang taong iyon ay ang mismong magulang mo. Paano kung makarinig ka sa kanila nang isang salitang, kailanman minsan lang nila sabihin? O minsan lang, ika nga.

Facts about my parents : Hindi niya ako tinatawag na anak? Feel me? Of course. Kapag medjo okay pa, bati kami 'Pom' kapag medjo nagbibiruan 'Kulot' kapag galit! 'POMIELA!' Iyon na nga. Kaya, talagang intindihin na lang.

Mula kahapon hanggang ngayon, hindi ko padin malimutan iyon. Pagkagaling na pagkagaling ko, galing sa kabilang bahay kahapon, umiiyak talaga siya. Akala mo nagkaroon siya nang matinding pagkakamali, at grabi kong umiyak.

Wala namang masama doon. Kaya lang, hindi ko alam kung anong dahilan. Mukha bang may nagawa akong mali? Iyon na nga! Akala ko may nagawa na akong matinding pagkakamali.

Pagkatapos noong nakita niya akong dumating, agad agad niyang pinunasan ang luha niya, sabay ngumiti sa akin ng alanganin. Hapon narin yun noon, kaya ang alam kong sunod niyang ginawa ay nag luto na.

Katakot takot din dahil, mamaya baka pagkatapos niyang gawin lahat nang trabahong kaya ko naman, bigla na lang siyang magalit. Sisigaw nang akala mo may nakaaway sa kalsada. At tatalak nang napakarami.

Sa mga ganoong sitwasyon natatakot na ako. Pero kahit ganoon, lumapit padin ako sa kanya, na may kaunting takot. Nung napansin niya sigurong lumapit ako, ay tsaka lang siya natigilan sa ginagawa.

Tumingin siya sa akin. Ito pa ang isa sa pinaka-kinatatakutan ko. Iyong mga mata kasi, parang nakakatakot tignan kapag galit.

Karaniwan kasi kapag ganito itong eksena, magagalit na iyan, katulad ng bigla na lang siyang magagalit tas pagsasabihan ka ng...

“Anong ginawa mo ngayong araw? Hindi ka man lang naglinis nanaman?”

“Wala pa akong pahinga, pero tignan mo, nagtratrabaho nanaman ako?”

“Nagcellphone ka lang nanaman, baka gusto mong itago ko iyan, iyong hindi muna mahanap?”

“Kapag nainis ako, Tandaan mo ito, hah! Ako pa mismo babasag nang selpon mong iyan, kahit magali pa ang bumili! Wala akong paki-alam!”

Kaso ngayon iba, E. Akala mo, iyon bang wala pa lang  sinasabi, pero takot na ako. Oo, ganun. Iba iyong feeling ngayon, nakakatakot. Ang hirap magover think nanaman.

“Hindi mo pa binalik iyong plantsa nak? Sige, hayaan mo na lang dyan. Ano bang paggagamitan mo niyan?”nanlaki ang dalawa kong mata, dahil sa narinig? Wag mong sabihing bati na kami agad!

Iyan kasi ang madalas mangyari, kung baga para lang kaming magbarkada ni papa? Galit kunyari, mamaya bati na kami.

“Hah? Gagamitin ko sa damit ko nga pa!” medjo hindi ko alam ang gagawin ko, kasi nagulat pa ako! Biglang bumait! Pabor naman sa akin iyon, pero kasi hindi ako sanay! Minsan kasi mga ilang araw pa bago kami bati ulit, ngayon ilang oras lang!

“Asan ba? Ako na, magplaplantsa? Mukhang puyat ka pa? Ginawa mo ba, iyong module nang pinsan mo? Sige, itulog mo muna doon.” mahinahon niyang sabi. Hindi naman kasi talaga siya ganito. Minsan talaga kasi hindi siya ganyan. Sinasabi niya pa sa akin lagi na 'noong ganyan edad ko, kahit puyat ako, pinipilit kong magtrabaho.”

Tas sisigaw pa kasi iyan minsan ng, ganito....

“Kung pabayaan kaya kita? Para alam mo kung gaano kahirap mamuhay!”

“Kung gagaya ka sa iba, na hindi marunong magluto, na kahit ang maglaba nang sarili nilang damit hindi pa nila kaya, walang tatanggap saying trabaho! Kung meron man, baka palayasin ka-agad?”

Iyong totoong tagpo ng araw-araw namin, ganyan talaga. Ano bang meron talaga at biglang ganito? Halah? Baka may ginawa akong tama, kaya ganon.

Simula nong araw na ito, bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, kahit si Mama na laging galit, kapag tatawag bigla na lang akong tatanungin kong kamusta na ako? Ano nang ginagawa ko? Na kadalasan, iba. Iyong hello pa lang nasasabi ko, galit na siya agad.

Ang sarap sa feeling na, kahit papano nagagawa niya nang intindihin ang nararamdaman ko. Bakit? Medjo kasi masakit sa part ko na, alam mo iyon? Ikaw iyong anak, pero kahit ang tanungin ka kung kamusta ka? Wala? Ngayon lang, talaga.

Kung ano mang meron at kung ano mang nangyari, nagpapasalamat ako. Kasi di ba? Kahit papano, malaman din nila kung anong nararanasan mo?

Minsan ko na ding hiniling ang bagay na ito, at ngayon lang talaga siya natupad. Lagi kong sinasabi na, sana kahit papano si Mama, gabayan siya lagi kahit na sa malayo siya, na kahit hindi siya umuwi, sana maging kahit papano, maisip niya padin na, mahal namin siya.

Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nakahiga ngayon sa kama ko. Nakatingin ako sa kisame, habang malalim na nag-iisip. Kadalasan kapag ganito ako, mamaya may luha nang umaagos sa pisngi. Hihikbi na lang ako, kasi kung ano-anong bagay ang pumasok sa isip ko.

Alam niyo bang minsan ko na ding inisip na mamatay nang maaga? Cringe right? Pero wala, e.

I always thought about dying first, than encounter so many possible problems that will come. Kung mamatay ba ako? Marami din kayang iiyak? Sa sama ng ugali kong ito, mayroon kaya.

Sa totoo lang wala sa isip ko dati na ang unang iiyak mga magulang ko, bakit? May malalim akong rason kung bakit? Kasi pakiramdam ko wala silang paki-alam. Yes, they're here, but I don't feel them.

Ang unang taong kilala kong iiyak, na inaasahan ko, pinsan ko. Iyong pinakamalapit sa akin na kaibigan ko? I ask them once kasi, hindi pa nangyayari umiiyak na siya. Kaya ganon?

Pinunas ko ang luhang umaagos sa mata ko, na hindi ko nanaman inaasahan. Out of nowhere, binaling ko ang tingin ko sa plantsang may malaking epekto sa akin kanina. Kataka-taka ang pangalan kong biglang nagkaroon sa gilid niya.

Hindi ko naman iyon sinulat sulatan, nahulog ko lang. Tinitigan ko ito nang maigi hanggang sa nagulat ko, dahil biglang nagsalita. Hindi ko sure, kung galing ba ito doon pero, parang ganon.

“Subukan mong humiling nang bagay na magpapaligaya sayo hanggang sa lumaki ka? Wag kang hihiling nang pagsisihan mo? Mahal ka nila? Hindi ka lang nila gustong mapasama.”

To be Continue.

Ang Mahiwagang Plantsa ni POMIELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon