CHAPTER 7

5.8K 133 33
                                    

A fucker, huh. Ngayon lang kami nagkita. Well, I'm used to it. Mas malala pa nga ang mga lalaking sa West, mag-iinarte pa ba ako sa ganito lang?

I shrugged my shoulders and removed my cardigan. Ang init. Wala bang air-con dito sa lobby?

"Not really. Wala naman akong pinsan na Salvatore," sagot ko while tying my hair in a high bun. Kita ko kung paano niya pinasadahan ang buhok ko pababa sa leeg kong exposed na at tumigil lang ang mga mata niya sa bandang dibdib ko.

Tube na lang ang natirang pang-itaas ko at kahit paano ay may nakikitang balat ng dibdib ko sa taas. Hindi naman ako gano'n ka-flat chested.

"You said this company is your cousin's. Avis not your cousin then?" he asked once again when he return his eyes on my face.

Binaba ko na ang mga kamay ko matapos kong itali ang buhok ko. Mapaglaro akong ngumiti sa kanya. "No. He's not even related to me."

He chuckled and didn't move where he's standing. Para akong reyna na nakaupo sa couch at parang siya ang aking alipin. Si Hezekiah sana pero wala naman siya rito, galit yata dahil nainsulto.

"Yeah. Wanna hang out?"

Oh, fuck. He's too fast. Sino naman ako para tumanggi? Parang hindi ko naman ugali sa America.

Sasagutin ko na sana siya nang may baritonong boses ang sumingit. "Caprice."

Sabay kaming napatingin sa kanya. Kalmado ang mukha niya pero walang mababasang kahit na anong emonsyon doon. 'Yung klase ng kalmado pero nakakatakot.

Tumaas ang kilay ko. Ano na namang problema niya? Mas nagalit na naman siya sa'kin? Pssh. Wala akong ginawa.

Hindi siya tumingin sa akin. Sa lalaking nasa harap ko lamang siya nakatingin. "Give us privacy, Mr. Hillary please."

May please pa pero hindi ko ramdam ang paggalang. So he's name's Hillary? Hindi naman yata bagay kung apelyido niya 'yon. Pilipinas ito.

Ngumiti si Hillary bago ako tinignan ng nakangisi. "See you around, Caprice."

Pinanood namin siyang lumakad palayo at nang mawala na siya sa paningin ko saka nagsalita si Hezekiah.

"Hinayaan lang kita saglit, may nilalandi ka na."

Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Anong nilanlandi? Nag-uusap lang kami at landian na pala iyon sa paningin niya.

"Nag-uusap lang kami," then I rolled my eyes. He's starting to be annoying again. Grabi siya mag-isip. Nag-uusap lang landian na agad.

"What's with your smiles?" Lumapit siya sa'kin at tumayo sa harap ko. Tumingala ako para makita ang pagmumukha niyang halos masisira na sa ekspresyon niya.

Kalmado siya pero may tinatagong emosyon ang mga mata niya. I can't say it's a good emotion dahil halos mapapatay na niya ako.

"Oh, come on, nginitian ko lang siya dahil panay ang ngiti niya. I'm not rude, Kuya Hezekiah, unlike you." Marahas niyang kinuha ang cardigan kong nasa gilid ko lang. Binalik niya sa'kin ang tingin niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko.

"Hindi mo ako kapatid," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Kung ibalandra mo ang katawan mo ay parang ang ganda, a. To tell you this, your body isn't attractive."

Hinila niya ang batok ko mailapit sa kanya ng walang pag-iingat. Nagulat pa ako sa biglaang galaw niya.

Ngayon ay kitang-kita ko na kung paano tagis na tagis ang bagang niya at ang mga matatalas niyang mata na nanununog. Pati ako para ng masusunog.

Hinila niya ng bahagya ang buhok kong nasa itaas ng batok ko na ikinangiwi ko. Masakit pa rin iyon dahil nandoon ang mga buhok na masakit kapag nahila.

"Wala akong pakialam sa opinyon mo, Hezekiah. Hindi mo alam kung ilang lalaki ang gustong makuha ang katawan ko—Shit!" tili ko nang bigla niya akong hilahin patayo. Ang braso niyang nasa batok ko ay nasa braso ko na na sobrang higpit ang pagkakahawak.

WOMANIZER'S LITTLE GIRL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon