CHAPTER 22

4.7K 135 29
                                    

We walked to his cousins table and I even saw my brother glaring at us. I don't know if they are complete there, hindi ko naman bilang lahat ng mga pinsan niya. Basta ang alam ko ay masipag ang mga Salvatore ng bumuo ng mga anak kaya ang dami nilang magpipinsan. May mga bata pa sa kanila.

Hawak ako ni Hezekiah sa baywang kaya kitang-kita nila iyon. Ang iba ay ngising-ngisi lang kay Hezekiah, si Kuya Gideon lang ang masama ang timpla tungkol doon.

I rolled my eyes at him. Kahit lagi ko siyang binabastos ay ramdam kong may paki siya sa'kin. That he cares for me along with Gedalyn. Mahal na mahal ako ng batang iyon kaya sa tuwing nakikita niya ako ay masayang-masaya iyon.

Sila lang naman ang tinuring kong pamilya. My half siblings on my father's. Mamahalin ko na sana si Adeline pero ayaw ng Tatay niya na asawa ni Mommy na malapit ako sa kanya. Akala naman nila desperado ako sa kanila. Edi ayaw nila, paki ko ba sa kanila?

"Susuntukin ka ni Kuya panigurado," I whispered to Hezekiah. He just shrugged and even gave my brother an insolent smile!

Tahimik na kami nang makaupo kami sa extra'ng upuan sa table nila.

"What?" I asked my brother at inirapan ko siya. Ang sama kung makatingin. Akala mo naman.

"Really, Caprice? Pinatulan mo ang pangit na 'to?" He's irritated.

"Really, Gideon? Pinatulan mo ang babaeng may asawa na?"

Lalong sumama ang ekspresyon ni Kiya Gideon sa binatong salita ni Hezekiah. Nagpipigil naman ng tawa ang mga pinsan niya na hindi nakaligtas sa masamang tingin ni Kuya.

Kuya Kiel and Brey is here. Tumango lang sila sa'kin at hindi nagsalita. They are both serious and couldn't laugh with their cousins. Mukhang problemadong-problemado talaga sila.

Wala akong nakitang batang babae na kasama ni Kuya Brey so I guessed he left his daughter in his house. I'm curious about his wife.

"Para namang hindi mo pinatulan ang taong bawal," bulong pa ni Kuya.

He's pertaining to me and that's obvious. Anong bawal ako? I'm always free!

"Mas malala ang sa'yo, Kuya Finn," tawa ng isang pinsan nila na ang pagkakaalam ko ay Chad ang pangalan. He's Lyte's younger brother.

Si Gedalyn ang pinakabata sa kanilang magpipinsan at si Chad ang pumapangalawa.

"Shut up, kid. Hindi mo pa nga alam magseryoso."

Naiiling na lang ako kay Kuya. Nakikipaglaban pa siya while he doesn't have someone with him right now. Like what I heard, pumatol siya sa babaeng may asawa na. What's with him? He really stoop that low?

Ang maingay sa lamesa ay sina Chad at Lyte. Parehas silang walang preno ang bunganga. Ang mga kapatid naman ni Hezekiah ang tahimik. The twins were just talking silently with the others.

"Nandiyan si Ate Charie," tarantang ani Chad at tumahimik naman silang lahat.

Lumingon kaming lahat kung saan ang direksyon ng pangalawang pinakamatanda sa kanila. She's raising her eyebrows and by the looks of her, she looks intimidating.

"Hezekiah," tawag niya sa katabi ko. "Talk to your father before the party starts."

Tumango naman ang katabi ko. I can see that they are scared of her.

Mataman at madiin naman niya akong tinignan. Hindi ako nagpaapekto sa klase ng tingin niya sa'kin.

"And you two." She looked away from me. Tinuro niya ang dalawang kapatid. "Lower your voices. Para kayong mga babaeng malalandi sa lakas ng bunganga niyo."

WOMANIZER'S LITTLE GIRL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon