CHAPTER 9

5.9K 126 20
                                    

"Oh, come on. Hindi mo na kailangang samahan ako sa loob. Magagalit ang asawa ni Mom," tanggi ko nang sabihin niyang sasamahan niya ako sa loob.

No fucking way. Hindi naman talaga ako papasok sa loob dahi liliko ako sa bahay nila Milly.

"Are you planning something, Caprice?" seryoso niya akong tinignan bago niya ako hawakan sa baywang. Diretso ang mga mata niya sa'kin habang sinasandal niya ako sa pintuan ng sasakyan niya.

Tumingin ako sa bandang likod niya kung saan ang bahay nina Mom. Baka kasi nasa loob pala sila at makita nila kaming dalawa.

Iba pa naman mag-isip ang asawa ni Mom. Iisipin lang nu'n na nilalandi ko ang lalaking ito. Halatang-halata namang siya ang nanlalandi sa'kin.

Kita ko kung paano bumaba ang mga mata niya sa leeg ko na parang may hinahanap doon. For sure he's looking for his mark.

His hands on my waist started ko caress up to my back. Wow, hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya kanina? Napaka-animal talaga niya. Parang gusto ko siyang ilibing na lang diyan sa tabi ng buhay.

Pinigilan ko ang kamay niyang akmang tataas pa sana. Nakuha naman niya ang gusto ko at binalik ulit niya ang mga kamay niya sa baywang ko. Titig na titig pa rin sa leeg kong minarkahan niya.

Wow. Parang aliw na aliw pa talaga siya sa nakakadiring hickeys na ginawa niya sa leeg ko. Hindi na siya nahiyanv bulgaran ipakita sa'kin gaano siya kaaliw sa leeg ko.

"No. Ayaw ko lang makita ka ni Mom at ng pamilya niya," sagot ko na parang wala lang. Agad tumaas ang mga mata niya para tignan ako sa mga mata.

He snapped his head and laughed sarcastically. I can feel his anger as his grip on my waist tightened. "Kinakahiya mo ba ako?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Ano raw? Bakit ko naman ikakahiya ang lalaking ito? Hindi ko nga kinakahiyang bulgarang ipakita sa mga taong siya ang kinamumuhian ko sa lahat. "Bakit naman kita ikakahiya? Sino ka ba sa'kin? Pinsan ka lang naman ni Gideon, a. Hindi naman kita pinsan."

"Oh fuck. You're not my fucking cousin and that will never happen. Buti nga ay hindi kita naging pinsan." That actually hurt my ego. Sinasabi niya bang ayaw niya akong maging pinsan dahil hindi ako nababagay sa pamilya nila? Ang kapal ng lalaking ito.

I gritted my teeth because of what he said. Gusto ko siyang sampalin at sigawan dahil nainsulto ako sa sinabi niya. Kahit hindi naman direct iyon ay pakiramdam ko ang gusto niyang sabihin ay hindi ako belong sa pamilya nila.

Marahas kong tinanggal ang mga kamay niya sa baywang ko sa inis. Binitawan naman niya ang baywang ko at hindi na ako hinawakan pa. Tangina niya, hindi na ako babalik sa condo niya. Bahala siya, bahala na ang mga gamit ko roon. Kaya namang palitan iyon ng mga magulang ko. Marami naman silang pera.

"Whatever, Hezekiah. Buti nga at hindi rin kita kadugo, hindi ko talaga kayang sikmurain na meron ako ng dugong dumadaloy sa katawan mo," sumbat ko sa kanya sa mahinahong tinig pero halata pa rin ang inis doon. "You know what, I've decided. Hindi na ako babalik sa bahay mo. Hindi na rin ako magpapakita sa'yo. Mag-aaral pa rin naman ako rito pero isang taon lang."

I rolled my eyes then turned my back on him. I was about to walk away when he wrapped his arm around my waist and put me back in place. Sinandal niya ulit ako sa sasakyan niya at dinikit ang katawan sa'kin para hindi na ako makawala.

"Fine. I'm sorry," he blurted out as he if he was compelled to say so. Sinamaan ko lang siya ng tingin at kita ko naman kung paano naging mahinahon ang mga mata niya.

Na parang sinusuyo ako. Wala pa rin akong pakialam. Kahit lumuhod pa siya sa harapan ko, hindi na magbabago ang isip kong umalis sa condo niya.

"Bakit ba desperado kang tumira ako sa bahay mo tapos kung umakto ay parang ayaw mo naman sa'kin?" nakataas ang kilay kong tanong. He wanted me to live with him but he was acting like he doesn't like me around.

WOMANIZER'S LITTLE GIRL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon