CHAPTER 11

6.1K 125 6
                                    

"Ano 'yan?" taas kilay kong tanong nang makita ang isang dish na hindi pamilyar sa'kin. It was chicken with soup and a ketchup. 'Yung mismong sabaw ay ketchup. Seryoso ba siya?

Naghila ako ng wooden high chair at pumatong pa ako sa parang hagdanan nito para makaupo. Mataas 'yung upuan.

"It was my specialty. Just eat," utos niya. Tumaas lalo ang kilay ko at tinignan muna siya bago binalik sa niluto niya. Specialty daw, alam pala niyang magluto, akala ko puro babae ang alam niya.

"Ayaw ko niyan. Baka may lason o gayuma, I don't trust you," I curtly said. It's not that what I've said hurt his feelings but I saw his mood changed. Whatever, wala akong pakialam sa kanya. "Malay ko bang may laway mo na pala 'yan."

He laughed mockingly that made me glared at him. Anong nakakatawa?

"Why are you acting like you didn't swallow my saliva? We shared more than a kiss, Caprice." Nanggigil ako sa sinabi niya. Sa tingin naman niya nagustuhan ko ang bawat paghalik niya sa'kin. Oh fuck him. Ayaw ko na sa laway niya. "Kalahati ng laway ko ang meron ka kaya huwag kang maarte kung may laway ako niyan."

"Oh fuck you, Hezekiah, and I hate you too." Hindi ko na pinakita sa kanya ang gitnang daliri. Nakakahiya naman sa kanya.

Sumama ang tingin niya sa'kin kaya hindi rin ako nagpatalo. Sino ba siya? I crossed my arms against my chest and raised an eyebrow at him. "What are you still doing? Ipaghain mo ako, Hezekiah. You wanted me to stay right?"

Tumagis ang bagang niya dahil doon. I just smirked at him at pinasadahan ang katawan niya. He's not wearing any tee shirt. Naka-pantalon lang siya dahil na rin sa kababuyang ginawa niya sa'kin.

Well, it's not really 'kababuyan'. Since he kissed me like he's the dominant, lumaban ako. Ginantihan ko ang bawat mararahas niyang mga halik. I hate being submissive, I felt so weak. So we ended up making out in my bed.

He's not that good though. His kisses weren't satisfying, nakakaumay.

He looked away and did what I've said. Now I like him, bakit ba kasi hindi na lang siya palaging ganito. I like boys and men that I can make under me. Ayaw kong ako ang under. Sino ba sila para maging dominante sa'kin?

Nilagay niya ang platong napakaraming kanin ang ulam sa harap ko. Seryoso ba siya? Gagawin niya akong baboy niya?

"Eat," he ordered that pissed me off. Kakainin ko 'yan lahat? Sa tingin ba niya kasya iyan sa tiyan ko?

Iritado kong kinuha ang kutsara at nagsimula nang kumain. Ayaw ko nang magreklamo pa, mag-aaway na naman kami panigurado tapos matatapos kami sa laplapan. Gano'n naman lagi, a.

Maingay akong kumain para inisin siya pero parang wala lang naman sa kanya. Bakit parang ang boring? Inisin ko kaya siya saka ako tumakbo?

"Hezekiah," tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya pero gaya ng dati ay malamig ang tingin niya sa'kin. Pwede bang ngumiti man lang siya sa'kin, kahit peke lang. Hindi naman siya ganito sa iba, a. Binaba niya ang kutsara at tinidor niya at tinaasan ako ng kilay.

Magsasalita na sana ulit ako pero tinikom ko rin ang bibig ko. Hindi pala ako makakatakbo dahil ang dami na ng kinain ko tapos meron pang natira. Hindi naman ako mapagsayang kaya kahit busog na ako, hindi ko pa rin dapat sinasayang ang pagkain.

"What?" tanong niya nang hindi mahintay ang sasabihin ko. Ngumisi lang ako sa kanya bago sumubo ng pagkain.

Tumaas ang kilay niya na parang alam nang may masama akong binabalak. Hindi naman masama iyong nasa utak ko, a. Medyo lang siguro.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay uminom muna ng tubig bago siya tinignan nang nakangisi.

Pumikit siya nang mariin nang maramdaman ang klase ng tingin ko sa kanya at parang nauubusan na siya ng pasensya sa'kin. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at kita ko pang hindi pa siya tapos kumain. Parang mas marami pa nga 'yung nilagay niya sa plato ko kaysa 'yung sa kanya, a. See who's the weak now.

WOMANIZER'S LITTLE GIRL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon