Chapter 32

38 4 0
                                    

In the past few days ,madalas akong nasa bahay ni Stephanie para makasama ko silang dalawa. Kahit papaano naging masaya ang bonding naming tatlo dahil kapag may free time si Stephanie sa amin ay sumasali siya. Madalas kasi kapag dumadalaw ako sa kanila minsan di niya ako pinapansin dahil ang mata niya halos nakatututok sa laptop niya. Ganun siguro kapag ikaw mismo nagpapatakbo ng company mo ,sobrang tutok sa laptop.

Ang bonding minsan namin ni Tita Rica ay magluto dahil ang tinapos niya pala ay chef kaya madalas nasa kusina siya para magluto ng magluto ,natikman ko na rin mga luto niya at sobrang satisfied ako sa cooking skills niya.

Nalaman na rin ni Jaycee ang pinakatagong sikreto ko. At first ,nalungkot siya dahil all this time iba pala ang magulang nagluwal sa akin. O feel sad for him dahil ako na lang yung natirang pamilya niya tapos ganon 50/50 ko pa siya hindi naging kapatid.

Dumating na rin ang araw na kung saan ngayon na namin malalaman ang resulta ng DNA test namin ni Tita Rica. Kaya masyado akong kinakabahan dahil baka lumabas sa result na hindi kami magkadugo ni Stephanie or Tita Rica.Kahit papaaano ,napamahal na rin sila sa akin kaya natatakot ako na malaman baka hindi nila ako kadugo o ano pa man.

Nakahinga ako ng maluwag na binasa ng doctor ang resulta and guessed what? It's positive at sobrang natutuwa ako at the same time nalulungkot. Dahil sa pagkasabi ng doctor ay halos mapaluha si Tita Rica dahil sa narinig niya kaya hinarap ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang lakas ng hikbi niya ,sobra niyang emosyonal dahil sa nalaman niya.

"Sigurado ka na ba ate Clau?doon ka na titira kina Ate Stephanie?"tanong sa akin ni Jaycee habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa isang malaking bag.

Tinignan ko siya at natigilan ako na nakikita ko sa mata niya ang lungkot. I sighed heavily ,nahihirapan ako kay Jaycee dahil until now....hindi niya pa rin matanggap na hindi ako ang tunay niyang kapatid.

Nasasaktan ako sa kanya dahil ayoko talagang nakikitang nalulungkot si Jaycee ,parang nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganon.

Tumango ako ,"Oo ,Jaycee."binitawan ko ang mga damit ko at hinawakan ko ang mga palad niya ,"Jaycee.... don't be sad please? di naman ako mawawala sa tabi mo eh ,I'm still your sister no matter what happens...."

Kinagat niya ang labi niya at nakita ko ang pagtulo ng luha sa pisngi niya.

"Ate......."humikbi na siya ,"Di ko tanggap na hindi kita kapatid.... hindi ko matanggap sa sarili ko na iba pala ang pamilya mo......."

Naramdaman ko na rin ang pagtulo ng luha ko dahi kahit sa sarili ko hindi ko naman na ginusto iwan si Jaycee. But kailangan kong gawin dahil sila ang mga tunay kong pamilya....

"Jaycee..."tawag ko sa kaniya ,"Hindi naman porket sa iba na ako nakatira dahil may tunay akong pamilya. Hindi naman ibig sabihin ay kakalimutan na kita."I smiled weakly ,"Kapatid mo pa rin ako......hinding hindi magbabago yun."

Napangiti na lang ako dahil bago ko pa nalaman na iba ang pamilya ko. Napagtapos ko na si Jaycee sa pag aaral niya. Hinding hindi ako maghihinayang doon dahil kahit wala na ako sa tabi niya kaya na niya tumayo sa sarili niyang nga paa ,lahat ng gusto niya nakukuha at nabibili niya. Wala na akong poproblemahin sa kanya dahil stable na ang buhay niya....bago ako tumira sa tunay kong pamilya.

"Y-you p-promised?"nahihirapan na sabi niya at napangiti ako dahil nagpinky swear pa siya.

Para tuloy siyang bata na iniwan sa isang lugar.

"Promise!"nagpinky swear pa ako at natawa siya nun kaya kinurot ko ang ilong niya.

Pagkatapos nun ay tinulungan na ako ni Jaycee na ilagay sa malaking bag ang mga damit at mga gamit na kakailanganin ko. Siya pa mismo ang nagdala nun habang bumababa kami ng condo dahil nagtext na sa akin si Garrett na nasa labas na siya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now