CMS - C1

87 85 8
                                    

SCENT

******

   "Just a few days, mararating at matatapakan na rin kita," saad ko. While my eyes is directly looking at the moon, and I can't help but to close my eyes when a cold gushing wind blew into where I am.

   Kasabay din niyon ay ang tunog ng natatapakang lantang dahon. Tsaka ang pamilyar nitong amoy na maihahalintulad sa amoy na partikular na masasamyo kapag nasa gilid ka ng dalampasigan.

   "I told you, Phire is here," isang pamilyar na tinig na nagmumula sa ibaba ng punong ito ang malinaw na narinig ng mga tenga ko. Kaya naman ay hindi ko maiwasang mapakunot ng noo't magmulat ng mga mata. Tsaka tumingin sa ibaba para masilayan man lang ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

   Dahil sa maraming beses na pagtambay ko rito sa bandang itaas ng sanga ng punong ito para masilayan ang buwan ay palagi akong may nasasamyong amoy na ganoon. Kasabay din niyon ay ang tunog ng pagtapak sa lantang dahon na inilaglag ng punong ito. Pero sa tuwing binabalak kong tumingin sa ibaba'y wala akong nakikita o nararamdamang naroon. Wala na rin ang amoy na iyon.

   Na para bang ang balak lang nito'y silayan ang buwan... o ako?

   "Hey," I said to the man that is in front of me right now pagkatapos ng paglundag ko sa punong iyon pababa na para lang isang hangin. Pasimple rin akong tumingin sa paligid. Umaasang makikita ang nagmamay-ari ng amoy na iyon kahit wala na ang amoy sa ere. Pero syempre wala pa rin akong nakitang iba.

   "I'm exhausted," tanging sagot nito't kasunod ay ang pagyakap ng mga braso nito sa 'kin. Tsaka ang pilit na pagsusumiksik ng ulo nito sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Kaya naman ay kaagad ko itong niyakap pabalik. Hindi alintana kung mabahiran ng dugo ang suot kong kulay kremang bistida, na kaunti na lang para umabot sa tuhod ko't manipis lamang ang strap. Kasuotan na kasalukuyang nililipad ng hangin ang laylayan.

   Galing kasi sa misyon ang mahal kong ito na inabot ng dalawang linggo't mismong utos iyon ng ama nito. Kaya naman ay ako muna ang sadyang tumoka sa nalalapit naming union. Dahil din doon ay hindi nakakapagtakang may bahid ng dugo sa suot nitong mahabang kulay puting panlalaking saya na may talukbong, na hanggang ngayon ay nakatalukbong pa rin dito.

   Kaya naman ay ako na mismo ang nagtanggal sa pagkakatalukbong niyon sa kaniya't inilapat ang mga kamay ko sa magkabila nitong pisngi matapos akong humiwalay sa pagkakayakap nito. Then it became the reason why his eyes that reflect a raging storm in terms of its color, close. Na para bang ninanamnam nito ang pagdampi ng dalawang kamay ko roon.

   Kaya nama'y hindi ko maiwasang mapangiti't iligid ang mata ko sa bawat detalye ng mukha nito. Ang mapipilantik nitong pilikmata't ang itim na kilay nito na talaga namang maganda ang pagkakaarko. Ang matangos nitong ilong at ang labi nito na tama lang ang kulay. Ganoon na rin ang kulay itim na buhok nito, na bagama't magulo'y hindi maruming tignan na para bang ang lalaking ito lamang ang makakagawa ng ganoon.

   Guivarn, my handsome Guivarn, I whisper at the back of my mind as my eyes still lingered on his assets.

   "Gwapong-gwapo ka na naman sa 'kin!" pagmamalaking saad nito rason para kaagad ko itong sipain sa bandang tiyan sana nito. Pero bago pa man ito makaabot doon ay kaagad na nitong nahawakan ang paa ko at akmang ipapaikot.

   Kaya naman ay sinabayan ko iyon ng pag-ikot ng katawan ko sa ere't pagsalo sa pana ko na naroon lang sa pinanggalingan kong puno na nakuha ko ng walang kahirap-hirap. Dahil kusa na iyong lumapat sa kanang kamay ko ng idipa ko iyon paharap doon. Ganoon na nga ata talaga kapag kabilang ka sa mundo ng mga bampira.

   Nang lumapat ang mga paa ko sa tuyong lupa na katapat ng isang tuluyan ay kaagad na tumalim ang mga mata ko nang makitang wala na ang lalaking basta na lang binasa ang nasa isipan ko kanina. Ang pinaka-ayoko kasi sa lahat ay ang binabasa ang kung anong nasa isipan ko ng walang pahintulot.

Collision of the Moon and SeaWhere stories live. Discover now