CMS - C4

58 62 2
                                    

ORDINARY

******

Bahagyang tinatangay ng hangin ang laylayan ng suot kong bistida na nasa kulay ng mapusyaw na lila. Abot iyon hangggang tuhod ko't may manggas iyon na bahagyang malobo. Ang maalon kong kayumangging buhok na hanggang bewang ay nakaladlad at may palamuti iyong koronang bulaklak.

Umaga ngayon at narito ako sa tuktok ng talon. Nakaupong mag-isa sa malaking bato na narito. Ang mga kamay ko'y nakasalo sa mukha ko't nakadantay sa hita ko. Ang pares ng kulay itim kong mga mata'y nakatutok sa mga kumpol ng mga kalalakihan na abala sa pagtatanim. Nahihiwagaan kung paano nakakabuhay ng tanim ang mga ito, dahil katulad nga ng sabi ni Jheyl bibihira lang ang mga bampirang may kakayahan sa bagay na iyon.

Then speaking of Jheyl, pangalawang araw na itong hindi pumapansin sa 'kin. Marahil ay dahil sa nasaksihan nito sa 'min ni Heids, ang lalaking hinahangaan nito. Siguro nga'y lunod ako sa halik nito noong umagang iyon kaya hindi ko napansin na ibinalik na kami nito sa clan naming ito at iyon ang nasaksihan ni Jheyl.

Kung hindi ko nga lang narinig ang marahas na pagtawag nito sa 'kin ay hindi ko mamamalayan ang nangyayari't hindi ko rin matutulak si Heids palayo. Naging daan iyon kung bakit panay ang pag-iwas ko sa bampirang iyon kahit pa palagi itong nangungulit sa akin.

Maya-maya pa'y napatayo ako't kaagad na lumapit sa kinaroroonan ni Jheyl nang makita ko itong maghatid ng pagkain at pack ng dugo sa mga nagtatanim. "Jheyl," pagtawag ko rito. Hahawak sana ako sa kaliwang braso nito kaya lang ay umiwas ito't nagsimula nang maglakad pabalik sa pinagkuhanan nito dala ang dalawang lalagyan na gawa sa rattan na wala ng laman.

Kaya nama'y nakangiti na akong humabol dito. Kasi bampira si Jheyl, kung talagang gusto ako nitong iwasan ay naglaho na sana ito. "Ano ba, Phire!" angal nito. Naroon na ang pagpipigil nito ng ngiti dahilan para ipagpatuloy ko ang pagkiliti sa kanang bahagi ng leeg nito.

Gustong-gustong sinusuyo...

"See, nabitawan ko na tuloy ang mga hawak ko," ani nito. Nakatuon ang mga mata nito sa dalawang rattan na lalagyanan na ngayon ay nasa tuyong lupa na't nakataob.

"Pulutin mo iyan!" utos nito. Doon ay napatingin sa gawi namin ang mga bampirang malapit lang sa pwesto namin.

Kaya naman ay binalingan ni Jheyl ang mga ito nang may masamang tingin. "What?!" asik nito't nakairap na nagbalik ng tingin sa 'kin. Natatawa akong umiling at ang mga bampira namang binalingan ni Jheyl ay nagsi-iwas ng tingin.

"Kapag ba pinulot ko ang mga iyan. Papansinin mo na 'ko?" tanong ko pero inismiran lang ako nito't humalukipkip.

Papayuko na sana ako't aabutin ang mga iyon nang sa isang iglap ay nawala na iyon at hawak na ng isang naka-itim na saya na may talukbong. Pagka-angat ko ng tingin ay kusang napaawang ang labi ko nang makitang si Lhord Dhiphaylee iyon!

Anong ginagawa nito rito?!

Wala pa sa balak kong mag-ayos ng tayo dahil sa pagkakabigla. Pero nang hawakan ni Lhord Dhiphaylee ang kanang braso ko't igiya sa maayos na pagkakatayo'y nangunot na ako ng noo. I can also feel the number of stare that is on us.

In just a few seconds, my jaw dropped and my eyes not literally get big when in just a snap, Lhord Dhiphaylee's hands are now choking Jheyl's neck. The two rattan thing are now back on the dried soil surface. His set of black eyes is now in raging red that can reflect a flick of fire. It's directly eyeing Jheyl's black eyes that is now turning into an ash color. A symbolize that she would out hold her vampire's life in just a matter of seconds if Lhord Dhiphaylee wouldn't stop.

Collision of the Moon and SeaWhere stories live. Discover now