CMS - C6

29 36 1
                                    

STRANGER

******

   Pagkabaling ko sa kaliwang banda ko'y kaagad akong napamulat nang maramdaman ang panakang pagdampi ng labi ng kung sino man sa leeg ko. Dahil doon ay kaagad akong napatingin sa katabi ko. Nakapikit ito pero hindi natutulog. This vampire beside me is only regaining his vampire's energy.

   Nakatagilid ito paharap sa akin. Ang mukha nito'y nagsusumiksik sa gilid ng leeg ko. Nang bumaba ang tingin ko'y doon ko napagtanto na nakayakap ang kaliwang kamay nito sa bewang ko. Nakapatong din ang kaliwang paa nito sa 'kin.... na para bang ikinukulong ako nito sa mga bisig nito para matiyak na hindi ako makakawala.

   Nakasuot ito ng matingkad na kulay kayumangging saya. Nakatalukbong pa rito ang nagsisilbing talukbong ng suot nito, kaya naman ay natatakpan ang kalahati ng mukha nito. Ang labi lang nito ang makikita. Maghihisterya na sana ako nang maalala ang nangyari kanina sa tulay pero kaagad iyong natigil nang makita ko ang dalawang maliit na nunal sa ibabang labi nito... na mapapansin lang kapag malapitan.

   "Guivarn," I whisper as I slap his left cheek, softly. Ang kaso'y parang hindi man lang nito naramdaman iyon dahil mas lalong lumalim ang paghinga nito, na para bang mas naging mapanatag sa pagpikit nito matapos marinig ang munting boses ko.

   I do it thrice but still, nothing happens. Kaya naman ay hindi ko mapigilang mapahagikgik na natuloy sa ngiti matapos mapadako ang tingin ko sa labas. Bagong umaga na naman kasi. Napagtanto ko rin na ang mahal kong ito ang tuluyang nagdala sa 'kin sa tuluyan ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit pa nito tinakpan ng nakatuping tela ang mga mata ko't parang hinipnotismo pa ako. Kasi kung tutuusin naman ay sasama ako rito ng kusa.

   "Dalawang araw na lang, Varn," sambit ko't hahaplusin ko sana muli ang mukha nito matapos muling ibaling ang paningin ko rito kung hindi ko lang napagtantong nakamulat na ito. Sunod ay kinuha ng kanang kamay nito ang kanang kamay ko't iginiya ang likod ng palad niyon sa labi nito para dalawang beses na madampian ng halik.

   "Bukas na," kapagkuway saad nito kaya naman ay kaagad na napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung alam nitong mali ang sinabi nito dahil nagawa pa nitong ngumiti... na para bang siguradong-sigurado sa sinambit nito.

   I'm about to say something again when in a blink of an eye he's nowhere beside me. He's already standing right on my side and even though his eyes are covered by some cloth... I can still feel his stare on me, a heavy stare.

   In just a second my eyes reflect a confusion after he lend his right wrist, both of his fist are clenched. "It's time to condition your system right," he said after a while... like he already implicated that I can't be able to understand what he's trying to say if he wouldn't say it in vocal.

   Kaya naman ay kaagad akong tumayo sa harap nito. "But there's still a pile of your blood," I said as my gaze turn to what I'm saying. Kaya lang ay parang wala itong narinig dahil ito na ang mismong naglapit sa palapulsuhan nito sa bibig ko.

   Nang masamyo ng ilong ko ang amoy ng dumadaloy na dugo roon ay nakapikit ang mga mata kong humawak sa kanang kamay nito. Maya-maya pa'y narinig ko ang matunog na pag-ngiti ni Guivarn matapos nitong maramdaman ang pagbaon ng mga pangil ko sa ibaba ng palapulsuhan nito't pinadaloy sa lalamunan ko ang dugo nito. Ginawa ko ang bagay na iyon na may munting palaisipan sa isip ko.

   Ito kasi ang unang pagkakataon na hinayaan ako nitong gawin ito ng direkta sa ibabang palapulsuhan nito...

   Nakapangalumbaba lamang ako gamit ang iisang kamay habang nakaupo rito sa upuang ibinigay ni Guivarn. Ang itim kong mga mata'y nanonood sa kung paano kabihasang magtanim si Guivarn. Hapon na ngayon. Ang akala ko ngang sa tulay muli ako nitong idadala'y nagkamali ako.

Collision of the Moon and SeaWhere stories live. Discover now