Chapter 33

39 4 0
                                    

Pagpasok ko sa room ay halos mapakagat ako ng labi dahil halos lahat ng babae dito ay nagkukwentuhan dito kaya hindi ko na lang sila pinansin at naghanap na lang ako ng mauupuan ko.

Bandang likod ako umupo dahil ayoko sa unahan umupo dahil ang daming mga chismosa dun. Inilapag ko na ang bag ko dun tapos kinuha ko ang cellphone ko at napangiti ako na nabasa ko ang message sa akin ni Tin.

Kristin Montemayor:

Claudette ,good luck sa class mo! Future nurse ni Garrett! <33

Magtatype na sana ako na bigla akong nagulat dahil may biglang may nagsalita sa tabi ko kaya agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Hello!"she greeted me ,smiling.

I looked at her slowly. She's wearing a brown t-shirt with a denim jacket. Her hair is only shoulder -length while her eyebrow are straight ,her skin is also brown.

"H-hello?"I awkwardly said.

She bit her lips ,"Transferee student ka dito noh?"

I blinked my eyes twiced. Paano niya nalaman na transferee ako dito?

"A-ah oo ,"alinlangan na sagot ko sa kanya ,"Paano mo nalaman na bago lang ako dito?"

Sandali siya napaisip at saka tumingin siya sa akin.

"Hmm ,hula ko lang...ngayon lang kasi kita nakita sa VCC."she chuckled softly then I slowly nodded ,"By the way masyado na akong feeling close sayo! Ako nga pala si Kayla.."

Naglahad siya ng kamay sa akin kaya napatingin ako sa kanya at tinanggap ko na lang ang kamay niya.

"I'm Claudette..." I replied ,smiling.

Magsasalita na sana si Kayla na biglang dumating ang prof namin kaya halos lahat ng mga kaklase ko ay bumalik sa mga upuan nila. Napatingin ako sa prof ko sa harapan ko.

Di na rin masama ,lalaki ang unang prof namin.

Nagpakilala ako sa harap ng mga kaklase ko at first ,kinakabahan dahil ibang tao ang makakasalamuha ko. Pero habang tumatagal ay nawawala na ang kaba ko.

Kaunti lang naman ang diniscuss ng mga prof sa harapan dahil first day pa lang naman pero siguro next day or next week simula na ang kalbaryo ko sa pagiging nursing student.

****

"Really? 26 years old ka na?"Kayla asked while she's eating pasta.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil breaktime namin ngayon. Hindi na sana ako kakain kaso hinila na niya ako para may makasama siyang kumain ,hindi na ako kumibo dahil siya pa lang naman ang kaclose ko sa ngayon.

Tumango ako. Tinanong niya kasi ako kung ano ang edad ko kaya ayun ,sinagot ko lang siya at mukhang nashookt pa siya.

"Mas matanda ka na pala sa'kin."nakatingin siya sa akin at bakas pa rin sa mukha niya ang gulat ,"21 years old lang ako eh.."

Pinagpatuloy ko na ang kinakain ko dahil wala pang bawas itong binili kong pasta. Tumingin ulit ako sa kanya at nagsalita ako.

"Pinagpatuloy ko lang ang pag aaral ko ngayon ,sayang din kasi graduating na eh..."I smiled bitterly then she suddenly covered her mouth then I laughed softly.

Normal lang ang reaksyon niya dahil di niya ineexpect na apat na taon ang tanda ko sa kanya. At halata sa mukha ko na hindi tumatanda dahil sabi ng iba ,baby face daw ako.

"Ate Claudette pala ang dapat kong itawag sayo...."hindi niya na napigilan na matawa dahil sa sinabi niya.

Marunong makisama si Kayla ,friendly siyang tao kaya natutuwa ako sa kanya dahil hindi siya mahiyain katulad ko.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now