Pre

333 18 4
                                    


Masarap ma-inlove nang hindi ka talaga nai-inlove.

You know what I mean?

'Yung tipong susulyap ka lang sa crush mo, mapapangiti ka na pero hindi mo ipapahalata. 'Yung sa simpleng pagbuntong-hininga nya, pag-aayos niya ng buhok, pagbasa nya ng kanyang mga labi gamit ang kanyang dila -- kinikilig ka na. And there's so much more.

Tapos titingin ka ulit sa kanya. And then you'll caught him staring at you. I mean, what a sight, right?

Ang malala pa, hindi lang sa iisang tao mo siya nararanasan. Kundi sa lima.

Marami ba? 'Di naman, sakto lang. Crush lang naman. 'Yung iba ko ngang kaklase noong highschool mas marami pa sa bente ang crushes. I-exclude mo pa 'yung mga korean celebrities na fina-follow nila. But don't get me wrong. Iba pa rin 'yung crush na nakikita mo sa personal kesa sa crush na sa phone screen or monitor mo lang nakikita.

And there's nothing wrong about that. There's also nothing wrong about feeling in love with the idea of being in love, as much as you are aware.

Mahirap mabulag. Kasi in the end mo lang nare-realize na pambulag na pala ang ginagawa mo. Ang pangit maging too much when in fact, nag-aassume ka lang naman.

Kaya mas magandang aware ka. You're just inlove with the idea of being inlove. Not literally inlove with the person.

Ganoon ako. Ayokong bulagin ang sarili ko kasi alam ko namang walang magkakagusto sa akin.

I mean, c'mon. Look at me.

Bago pa ako lamunin ng mga insecurities ko, gusto ko lang naman ipaalam sa inyo na walang problemang magkagusto ka sa taong alam mong never magkakagusto sa'yo AS LONG AS alam mo ang limitations mo.

Kung hanggang saan ka lang, hanggang doon ka lang. Pero siguraduhin mong ang iseset mong limitasyon ay nasa loob pa rin ng bounds.

Wait. Yes, I'm talking about myself.

Am I romantic? I don't know.

Am I hopeless? I don't know.

Hopeless romantic? Probably yes.

Naga-assume din naman ako pero hindi to the point na kino-cross ko na ang boundary na sinet ko. Alam ko namang wala ni-isa sa mga crush ko ang magkakagusto sa akin. Mabait lang ako, 'yun lang. Malakas din ang trip. But that's all, wala nang special sa akin.

Maniniwala lang siguro akong may nagkakagusto sa akin when that person metaphorically invites me to come inside of his heart.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now