[13] I want to defy astronomy and reach a star like you

170 16 24
                                    

"Alreet lads, what's the craic! Today we're finally gonna head to Luneta Park, but we're gonna have to take the public transport 'cause I don't have me-- motor with me right now." rinig kong sabi ni british accent na nasa may likuran namin ni Creed. May hawak syang tripod kung saan nakakabit ang kanyang Nikon Z7 II.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang Ayala MRT. We are bound to Taft Avenue before riding the LRT from EDSA to United Nations. Forda commute ang mga fersons today dahil wala naman kaming mga pribadong sasakyan.

Kasalukuyan ko ring hindi kinikibo si Creed ngayon dahil hindi rin naman sya nagsasalita. Pero nakaakbay sya sa akin. Halos kakalabas lang din naman namin ng dorm. Ni-isa sa amin walang nagsasalita. Well, except british accent na nakailang take na ng intro para sa vlog nya.

"A-right, lads! Today we're finally off to Luneta Park, but we're gonna have to take the rails 'cause I don't have me motor today." Sabi ulit ni british accent, then he walked towards us. "I'm with me flatmate and 'is mate from work. They've decided to tag along on this virtual tour. So, let's crack on!"

Tumapat sa amin ni Creed 'yung camera kaya naman wala kaming choice kundi kumaway at ngumiti.

Halos mapatawa pa ako dahil biglaan 'yung reaction namin. Parehas kasi kaming nabigla ni Creed nung napunta sa amin 'yung camera.

Tinanggal ni Creed 'yung pagkaka-akbay nya sa akin at lumapit naman sya kay british accent.

"Pwede take 2? Para akong monggi dun," Tanong nya rito.

"I'm sorry?" British accent asked.

Bahagyang napatingin si Creed sa akin. I just shrugged.

"I-I mean, can you take another shot? I look like monggi." Sabi naman ni Creed.

I chuckled.

"Aye, no worries. Give me a sec," sabi ni british, at muli nyang sinet up 'yung camera, "Alright, lads! Today we're finally off to Luneta Park, but we're gonna have to take the tube 'cause I don't have me car today." sabi niya at ginawi nya ulit sa amin 'yung camera. This time, ready na kami ni Creed kaya naman ngumiti kami at kumaway nang bongga.

"Let's go!!" Sabi ni Creed na parang excited na excited.

Ngumiti naman si british accent at tumingin sya sa amin after taking the shot.

"Thanks guys," sabi niya.

Nagkatinginan kami saglit ni Creed, at ngumiti na lang din kami sa kanya as a response.

Pinakiramdaman ko kung may susunod pang sasabihin si Creed. But after a few minutes of walking, hindi na naman nya ako kinikibo. Saglit syang nakipag-usap kay british accent pero ako, wala talaga. I don't even know his problem.

Kanina pa 'yan eh, kung tutuusin. Pagkatapos nya akong samahan sa cafeteria kanina after nung meeting kay Liam. Iniisip ko tuloy kung may nasabi ba akong mali dahil ang dami ko ring sinabi sa kanya kanina. Baka may narinig sya sa akin na ikinaoffend nya.

Gustuhin ko mang magtampo, wala rin naman akong karapatan. Ewan ko ba, basta involve si Creed sa mangyayari sa buhay ko feeling ko wala ako palaging karapatang maramdaman ang mga bagay-bagay.

Una, wala akong karapatang ma-disappoint kung malalaman kong may gusto sya sa iba. Pangalawa, wala akong karapatang magreklamo kung hindi sya makikipag-usap sa akin dahil lowkey friendship lang naman ang meron kami at hindi kami super-duper close. Hindi ko sya maituturing na close friend since hindi ko naman sya nahahampas o nasasabunutan o nababatukan. Which leads to the third one, feeling ko wala akong karapatang hawakan sya.

And lastly, I don't think I even deserve to like him dahil first of all, hindi kami bagay. As in, ako na nagsasabi. Ang pogi-pogi nya tapos ako mukhang gasul. I know I'm being lame for even thinking these things but I can't keep it off of myself.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now