[4] It's always the case,

158 17 24
                                    

"10 minutes only. Please..?" Tanong ni Creed.

Napapikit ako saglit, then I heaved a sigh.

Ok. At first, akala ko talaga seryoso siya sa sinabi niyang papanoorin ko siyang umihi. I mean, if he's serious aba gagawin ko talaga 'yon. Sus. Charot.

But no.

Pagkapasok namin dito sa men's cr, nakiusap siya sa akin na i-lock muna ang pinto at bantayan ito para wala munang makapasok dahil tatae raw siya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what but somehow, hindi ako makatanggi. Alam nyo kung bakit? Kasi kung ako 'yung nasa sitwasyon nya, ganitong-ganito rin ang gagawin ko.

Hindi ko lang alam kung magkakaroon ako ng courage na makiusap sa kanya kagaya ng ginawa niya sa akin ngayon.

"Bilisan mo na, baka mamaya maabutan ka pa sa short." Sabi ko sa kanya.

"Thanks Omi, actually may konti na e," sabi nya.

I cringe, "yak?"

He smiled genuinely, "Just kidding. HAHAHA!"

Sabi niya at pumasok na siya sa isang cubicle habang natatawa-tawa.

Bumuntong-hininga na lang ulit ako at napasandal na lang dito sa pintuang naka-lock. Gustuhin ko mang ma-disappoint dahil jinojoke time lang pala niya ako kanina, at the same time, I found it cute of him na pakiusapan ako para lang bantayan 'tong cr dahil tatae nga raw siya. Kasi 'yung iba kahit sa mismong close friend nila, nahihiya pa na magpaalam, or kahit magsabi lang na natatae na sila, 'di ba?

Except me though. Kahit sa buong klase nage-excuse ako na tatae lang ako. Hindi naman siya dapat ikahiya dahil pare-pareho lang tayong tao na nagre-release ng toxin. 'Di ba?

Si Creed. We're not even close friends. Bago pa lang kami magkakilala pero 'yung favor nya sa akin lakas maka-jowa. Tingin niya sa akin, tropa? Wait, alam naman niya sigurong bakla ako, 'di ba?

Kung sabagay. Biniro nga nya ako kaninang 'watch him pee' eh. Which isn't really funny kasi hindi niya tinotoo chos. Pero no, tingin ko kahit isipin niyang straight ako pwede naman niya akong biruin ng ganun. Ang pangit naman kung gagawin kong standard na nang dahil lang biniro niya akong ganun iniisip na niyang bakla ako.

Just because I'm gay doesn't mean I want to see his dick. It's not always like that. No, it's not like that.

Pero siguro naman, sa lamya kong 'to at sa paraan ng pananalita ko, may idea na siya. Hay naku. Ang hirap maging discreet na showy na di mo alam kung paano. Kailangan mo pang i-confirm sa nakakakilala sa'yo kung ano ka talaga.

Ako kasi, inaamin ko noong highschool pa lang ako...tumatanggi ako kapag tinatanong ako ng mga kaklase ko kung bakla ako. Sinasabi ko na hindi. Umiiling lang ako tas ngumingiti.

Late highschool at early college, hindi na ako umiiling, instead, sinasabi ko na bisexual ako. Naa-attract ako sa girls at the same time naa-attract din ako sa boys. Mid-college ko na-realize na ang bobo ko sa part na ako nga pala ang nagshe-shape ng kung anong iisipin ng iba sa akin.

So kung tatanggi ako sa mga nagtanong sa akin kung bakla ako at sasabihin kong hindi, I have to act like one. I have to act straight. Kung sasabihin ko namang bisexual ako, dapat pati sa babae naa-attract ako. Dapat nagkaka-crush din ako at dapat marunong din akong manligaw.

Pero jusko, 'yung thought na manligaw ang nagpapa-cringe sa akin. Never ko talagang nakita ang sarili ko na ginawa 'yun.

Manligaw.

Kahit siguro maging barbie ako at manliligaw ako ng lalaki, I never really thought of myself doing that. Ewan. Just the thought of courting, ugh.

Pero lagi kong iniimagine ang sarili ko na ako 'yung nililigawan ng mga lalaki. Tas sa imagination ko na 'yun, pakipot ako. Oh 'di ba, anong ibig-sabihin 'non?

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now