[11] I knew it.

162 13 15
                                    

It felt strange waking up na maliwanag na ang bintana. Nararanasan ko lang to kapag weekend, Pero aware ako na kakatapos lang ng weekend at ngayon, supposedly ay maaga akong gumising dahil may pasok ako ng 8.

Napakunot ang noo ko. Napabalikwas ako ng bangon at hinanap ko 'yung phone kong nag-aalarm.

Fuck. Anong oras ko ba 'to sinet?

Hanggang sa makita ko 'yung oras. Shit. 6:30AM?!

Agad akong napatayo at mabilisan kong niligpit ang gamit ko. Nagulat naman ako nang maya-maya ay biglang may nagsalita sa may likuran ko.

"I just know you're wondering. I'm having pizza for brekkie. And this is a cuppa mint tea." It was british accent's voice.

Napalingon naman ako sa kanya. Akala ko ako ang kausap nya, nakaharap pala sya sa phone nya. I sigh.

Pero wait. Did I set my alarm clock yesterday at 6:30? Ano bang nangyari kahapon at parang wala na akong maalala? Jusko.

"Stand still, don't freak out."

Napapikit ako. Shit. Shit shit shit.

Ayan na naman, nagsisimula na naman siyang pumasok at magpalibot-libot sa utak ko. Sasakupin na naman nya ang sistema ko.

Though I don't have any idea what the fuck did just happened, pero isa lang ang biglang pumasok sa isip ko.

I know cliche. But that was my first kiss. Sa lips. At hindi ko makalimutan 'yung pakiramdam. Hindi ko rin makalimutan kung gaano ako kalutang kahapon naglakad pabalik dito sa kwarto. Parang naiwan 'yung presensya ng labi nya sa labi ko. Kasi take note, halos tumagal ng 15 second 'yung pagkakahalik nya sa akin.

I thought 15 seconds was short, pero nung nangyari 'yun, parang tumigil ang oras.

Ano bang dapat maramdaman ko? Kiligin ba dapat ako? No, no. Hindi dapat. Hindi 'yun si Creed. Kung si Creed siguro 'yun, nahimatay na ako. Baka hindi na ako nakabalik dito sa bahay at naligaw na lang ako sa Makati. Baka hindi ako nagising sa alarm. Baka nga hindi pa ako makapasok.

Tumingin ako sa salamin. I looked at my reflection in the mirror.

I am smiling.

Why the fuck I am smiling?

I tried making a serious face pero nababanat at nababanat talaga ang mga labi ko. Ngumingiti at ngumingiti ako. Para bang may nakatukod na dos por dos sa magkabilang sulok ng bibig ko dahil automatic akong napapangiti. Napansin ko rin na parang namamanhid na yung pisngi ko dahil sa ngalay.

What the fuck. Kahapon pa ba ako nakangiti? Nakangiti ba ako pag-uwi? Kaya siguro naset ko 'yung alarm ko ng 6:30. Hanggang pagtulog din siguro nakangiti ako. What the hell is happening?

Muli ay napatingin ako sa orasan. It's 6:40am.

The hell?! 10 minutes na kaagad ang nakalipas?!

Binilisan ko na ang kilos ko at nagprepare na ako ng damit na isusuot. Medyo natagalan pa ako sa paghahanap dahil nag-ayos nga pala ako ng mga gamit ko kahapon. Nang makahanap na ako ng isusuot ay palabas na rin ako ng kwarto para maligo.

Nang bigla akong harangin ni british accent. Hawak nya pa rin ang phone nya.

"This is me flatmate, he's quite sound. His name's Dominador." sabi nya with a weird tone and accent.

What the actual fuck? Talagang binanggit nya 'yung name ko? How does he even know?

Then naalala ko 'yung resibo.

Shit. How come na alam nya ang pangalan ko but I forgot his?

"Say cheese to the cam," bulong ni british accent, at may pa-aalinlangan naman akong nag-'hi' sa camera. I'm giving this very weird look dahil ang daming pumapasok sa isip ko. Literal na natatae pa ako.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now