[14] two minutes,

73 10 4
                                    

Happy new year everyone, I really do apologize sa sobrang tagal na update. But rest assured I will finish this story. I promise. I will be updating this story, as much as possible thrice a week para mapush ako. Nagset na ako ng goal. Promise sisuguraduhin kong worth it ang story na 'to kapag sumubaybay kayo hanggang dulo. 'Yun lang, maraming salamat.

-----

I don't know what to feel at parang lumulutang lang ako sa alapaap habang nasa biyahe kami pauwi. As planned, napagdesisyunan na naming umalis ng Dolomite Beach the moment na makalubog ang araw. Ngayon ay nasa MRT na ulit kami pa-Ayala.

Literal na hindi ko kinikibo si Creed. He's not talking to me either. Alam kong alam nyang there's something wrong with my atmosphere, kaya si british accent na muna ang inentertain nya at kinausap habang nasa biyahe. My face is blank, my brain isn't properly working at parang gusto ko na lang pumunta sa moon para doon mag-isip ng mga bagay bagay.

Hanggang sa makababa na kami ng MRT at naglakad na kami pabalik sa aming dorm. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Creed. Aware ako na gusto nya akong kausapin, at tanungin kung anong meron. But I don't know. Hindi nya ginagawa. Sasagot naman ako kung tatanungin nya ako.

Ayoko lang talaga maunang magsalita.

Kanina, when he told me na sila na ni Jane, I tried my best to contain myself and act normally as if he didn't say something piercing. But it's obvious na nanginig ang mga tuhod ko kaya naman para hindi nya mapansin, nginitian ko sya.

The irony was palpable - there we were, basking in the awe-inspiring beauty of the sunset, when that exact moment occurred.

But what's more ironic is that I mustered all the courage I had to compliment Jane and him on how perfect they looked together, despite the fact that my voice was on the verge of cracking.

Very good, Omi. You deserve a round of applause.

Nang makarating kami sa dorm ay nagpaalam na si Creed sa amin. I stole a fleeting glance at him and managed a small smile before he let out a heavy sigh and ruffled my hair.

"See you tomorrow." he said. At naglakad na sya palayo sa amin.

Saglit kaming nagkatinginan ni british accent. As I took note of the concern etched on his face, inunahan ko na syang maglakad papasok sa dorm namin. Ayokong magtanong sya. Ayokong magsalita. Parang ayokong kumausap ng kahit na sino sa ngayon.

Gusto ko na lang magpahinga, magmuni-muni, matulog.

Dumiretso kaagad ako sa CR para maghilamos at mahimasmasan. After that, naglinis na rin ako ng sarili ko at nagbihis ng panibagong damit. I applied skin care products na binili ko sa watsons last sunday at kahit kumakalam ang sikmura ko, binuksan ko ang laptop ko to check my work email. At dahil wala namang follow ups, sinara ko na lang ulit ito naupo muna para tumulala at mag-isip ng mga bagay-bagay.

Hanggang sa mapansin kong nakapag-ayos na rin si british accent at nagbibihis na, again, sa kabilang higaan.

"I've sent you a message on Facebook Messenger. Go and have a butcher's." sabi nya.

Hindi ko siya nilingon, at hindi rin ako nagsalita. I don't know. Parang may nakabara sa lalamunan ko na pumipigil sa akin para kumausap ng kahit sino sa ngayon. Ang daming tumatakbo sa isip ko. 

Pero sinunod ko pa rin ang sinabi nya. I reached for my phone and checked my messenger app. Nakita ko ang isang message request and I noticed he had sent me a photo instead of text.

And that's when I finally got to know his name.

Lucien. Lucien Harrington.

At nakakainis. Ang dami ko na ngang pino-problema sa ngayon, nagawa ko pa talagang ma-insecure sa pangalan nya.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now