[1] p-po...?

220 18 25
                                    

Nakasakay ako ngayon sa bus at tinatahak ang kahabaan ng Manila South Road papuntang Makati. Coming from the south, literal na hassle ang biyahe kapag dadaan ng Alabang.

Ewan ko ba, dati naman kahit maaga akong nabiyahe papuntang Manila hindi naman nagkakaroon ng traffic dito. Pero ngayon, jusko male-late na ako't lahat sa interview eh wala pang matinong andar itong bus na sinasakyan ko.

Pinagsisisihan kong hindi pa ako nag expressway. Kung mage-expressway pa kasi ako, lalo akong male-late. Punuan kasi 'yon.

The whole blame's on me though. Late na ako nagising. Nawala kasi talaga sa isip ko na ngayon ang post interview ko sa papasukan kong kumpanya. Post interview kasi, hindi ko rin alam kung bakit may ganito pa, pero kasi nainterview na nila ako last time through Microsoft Teams. I also already passed my primary documents and they called me for personal (post) interview at para maipasa ko pa 'yung ibang documents na hindi ko naisama last time dahil pinoproseso ko pa.

Malakas ang kutob kong sign ito na natanggap ako. Nasabi na rin kasi nila last time na once na makatanggap ako ng further notice sa kanila, after post interview ay first day of work na kaagad which I will meet my manager and teammates.

I applied as a software developer. Well, junior software developer. Wala pa akong idea sa magiging environment ko doon. I have few though, sa mga napanood kong vlog experiences sa YouTube. Hindi raw talaga coding technicalities ang kailangan nila sa isang employee lalo na kung fresh graduate. Kundi sa problem solving at analytical skills ng isang applicant. Siguro 'yun ang nakita nila sa akin which, hindi ako sure kung meron talaga ako.

Kasi sa totoo lang, isa sa napakarami kong insecurity ay ang pagco-code kahit tapos ako ng Computer Science. Hindi naman talaga ako kagalingan. Kailangan ko pang isaksak sa kadulu-duluhan ng braincells ko ang mga syntax para lang magets ang logic. Maaasahan mo pa ako sa pagde-debug debug pero kung pagagawin mo ako ng sarili kong system, well, I can create one but I will mostly google and github the codes. Na, sabi naman ng iba, ok lang naman daw dahil kahit professionals ay ginagawa 'yun.

Pampalubag damdamin kumbaga. Which is effective naman. In some ways.

I heaved a sigh. Itinuon ko na lang muli ang tingin ko sa bintana ng bus, only to realize na nasa SLEX na pala kami at bandang Taguig na. Napaayos ako bigla ng upo at parang bigla akong kinabahan. Ewan ko ba, ang lakas lakas ng loob kong sumagot sa interview online pero ngayon, wala pa ako sa mismong avenue kinakabahan na ako.

Muli ay napabuntong-hininga ako. Sa ngayon ay mabilis na ang takbo ng bus. Malapit na rin kami sa Magallanes station. May mga bumaba nang pasahero at ang mga natira na lamang ay ang mga bababa ng Buendia at Ayala Avenue.

Itinuon ko na lang muli ang tingin ko sa bintana ng bus. Kahit ilang beses na akong nakarating dito, manghang-mangha pa rin ako sa mga nagtataasang gusali. I don't know. I really have this weird amusement of tall buildings and skyscrapers/skylines. Kaya gustung-gusto ko palagi na pumupunta rito para mamasyal.

Kaya ko rin pinangarap na balang-araw ay makakapagtrabaho rin ako sa isang malaking kumpanya dito sa Maynila. Hindi ako makapaniwalang I'm finally off to making that dream come true. Sana lang tanggap talaga ako, 'no? Haha.

Nang sa wakas ay makarating na ang sinasakyan kong bus sa bababaan ko, which is Ayala Avenue, lumabas na ako ng bus nang ako lang mag-isa. Yes, ako lang ang natira sa bus dahil the rest ay bumaba kanina sa Buendia Station.

From here ay walking distance na lang ang papasukan kong kumpanya which is the Techsolar Solutions. It is a 75-storey smart building located at the heart of V.A. Rufino Street, along Ayala Avenue.

Nagsimula na akong maglakad with the guide of Google Maps. Tsaka ko lang na-realize na medyo mahaba pa palang lakaran ito mula sa binabaan ko.

Time check, it's already 8:15 AM. 15 minutes late na ako sa schedule. At ewan ko ba, sa halip na nagmamadali na dapat ako ay chill lang ako. Siguro dahil hindi talaga ako chill? Yep. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako to the point na ayokong magmadali.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now