[8] If that isn't destiny, ano 'yun?

132 14 12
                                    

"Uhm mother earth, tawag na ako ng mamahalin kong kuya. Kita-kits na lang ulit, huhu! Maga-apply talaga ako dito soonest kapag nakatapos ako ng computer science degree within 7 days!" Sabi sa akin ni Jamie na halata mong kinikilig pa rin dahin nasa likuran pa rin namin si Creed.

Medyo kinurot ko sya sa gilid, reminding her to behave.

"Ok, fine! Hintayin kita, dapat next week nandito ka na ah?" Sabi ko sa kanya, at parehas kaming nagtawanan. After that, we hugged each other for a brief moment.

"Bye bebs," bulong nya.

"Bye. Labyu!" I told her as we part ways. Kumakaway pa siya sa akin habang naglalakad palayo. I just gave her my sincerest smile. Hanggang sa makalapit na sya sa kuya nya.

Napabuntong-hininga ako, at naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Creed.

"First of all, bakit mother earth ang tawag nya sa'yo?" Tanong nito.

Hindi ko pinansin ang tanong nya, instead, I started walking.

"Bilisan na natin, nandun na 'yung pagkain." Sabi ko na lang sa kanya.

Sumunod naman sya sa paglalakad, then he put his arms on my shoulder. Para naman akong biglang kinuryente sa katawan ko. His effect on me is insane.

"Wait, recall ko lang 'yung narinig kong sinabi mo kanina na currently, meron kang crush." biglang sabi ni Creed.

Napapikit ako. Ayoko na nga syang i-bring up para makalimutan ko na. Siya naman mismo ang nagremind! Nakakaloka.

"Ahh, wala 'yun. Hehe, 'Di ikaw 'yun," sabi ko na lang.

"Wala rin naman akong sinabing ako," sabi naman nya.

"I know, sinabi ko lang na hindi ikaw para wala ka nang ibang isipin." Sabi ko pa.

Napatigil siya sa paglalakad. At dahil mahawahin akong tao, sa halip na magpatuloy eh napagaya ako sa kanya.

"Pero tinuro mo 'yung table natin kanina. I doubt na si Nate or Drew 'yung tinutukoy mo, eh mas close tayo." sabi naman nya.

Napatingin ako sa kanya. He has a playful smile written in his face. Ang pogi pogi nya. Kaya lang, ang lakas mang-asar.

"I-I'm talking about Liam. Si Liam 'yung umupo dun." sabi ko.

Kumunot naman ang noo nya.

"Huh? Tayo 'yung nakaupo kanina doon. Wala pa si Liam nung tinuro mo 'yung table. Nakita mo lang syang umupo doon when I caught you and your friend," sabi pa nya, sabay ngiti na parang nakakaloko.

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko, punyemas na malala. Nandito na naman ako sa part na nagmamala-NBI na naman ako sa kung anong sasabihin ko.

"N-na project ko na na uupo si Liam doon. Kaya 'yung table natin 'yung tinuro ko," sabi ko na lang.

"So you're saying na si Liam ang crush mo?" tanong nya.

I trailed off. Shems. Mukhang alam ko na kung saan 'to papunta.

"P-parang ganun na nga." sabi ko na lang.

"Hmm." He murmured. 

Muli ay tumingin ako sa kanya. He's looking at me na para bang alam nya na nagme-make up lang ako ng sasabihin sa kanya. Or...naniwala talaga sya sa sinabi ko? Hindi ko alam, huhu.

"Bat kaya mas maraming may prefer sa badboy type kesa sa mga simple lang na kagaya ko." Bulong nya, pero sapat na para marinig ko.

No. Actually tingin ko pinarinig nya talaga sa akin 'yon. Or assuming na naman ako?

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now