Chapter 13: New Environment , New Companion

1 0 0
                                    

"Now, I pronounce you husbond and wife. You may now kiss the bride", saad ng pari sa lalaking kaharap ko.

Itinaas neto ang belo at hinila niya ako sa beywang at masuyong hinalikan. It is the best happy feeling that I ever had.

Nagising nalang ako sa mga huni ng ibon na umaalingawngaw sa labas. Bumangon ako sa kama, pagmulat ko ng aking mata I was totally surprised of what I have seen. Isang hindi pamilyar na kwarto ang nakikita ko. Maganda ang pagkakadisenyo at napaka bango ng amoy nito. Naalala ko kagabi, and I was shocked.

"W-what the!", saad ko

Dali-dali akong umalis sa kama at pumunta sa terace ng kwartong iyon at dumungaw ako. Napanganga ako sa nakita. It was totally beautiful. Ang lawak ng kapaligiran, halos parang ang bahay lang na ito ang nakatayo doon. May mga matataas na fences na naka palibot sa buong bahay na ito.

"Nasaan ako?", bulalas ko.

Nandoon parin ako sa ganoong pusisyon, naka tayo at tulala sa kawalan ng maramdaman kong may tao sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng matanda, makikita sa kasuutan neto na isa siya sa mga kasambahay dito.

"Gising kana pala iha", naka ngiti niyang sabi. "Halika na sa baba at kumain ka na ng almusal", pagkasabi doon ay umalis na ito.

Sumunod naman ako sa kanya. Habang naglalakad ako ay sinusundan ko ng tingin ang kabuuan ng bahay. Napaka ganda nito kahit may kalumaan pero hindi halata. Sumama pa ang chandelier na kumikinang kung tamaan ng araw. Pati narin ang mga statue at vase na naka display.

Nakarating na kami sa kusina, pati rin ito ay malawak talagang para sa malaking pamilya.

"Maupo ka", aya ng matanda.

Inihain na niya ang pagkain na kanina ko pa naamoy. Napaka bango ng ulam.

"Salamat", saad ko rito.

Habang kumakain ako ay hindi ko maisipang magtanong sa kanya.

"Nasaan ho ako?, Anong lugar po ito?", tanong ko.

Tumingin naman sa akin ang matanda ng diretso.

"Nandito ka sa Villa Ell Gracia, sa La Union iha", kalmadong saad niya.

"Po? Ibigsabihin Wala ako sa Maynila", sambit ko

"Pagmamay-ari ito nina Donya Gracia at Don Ellmo kaya tinawag ito sa pangalan nila, Villa Ell Gracia", sabi niya

"Ganoon po ba", habang napapaisip. "Yung nagdala po sa akin dito kilala ho ba ninyo?", tanong ko

"Si sir ba ang tinutukoy ninyo? Naku pasensya na maaga siyang umalis may inasikaso nanaman alam mo naman yun maraming business tapos gagabihin yon ng uwi", saad niya.

"I mean, is kung ano po ang pangalan", saad ko

Tumingin siya sa akin tapos ay ipinagpatuloy ang paghuhugas ng napaglutuan niya.

"Pasensya na pero utus sa akin ni sir ay hindi ko raw sasabihin ang pangalan niya", saad niya

"Bakit naman?, Hindi naman masama kung sabihin mo lang sa akin ang pangalan niya, bakit masama ba siya kung magalit?", tanong ko

"Hindi naman pero natatakot ako baka tanggalin niya ako sa trabaho ko, lalo na't baguhan lang ako dito", sabi niya.

I just nodded then I continue eating. Matapos kung kumain ay naglinga linga lang ako sa labas ng bahay. Hindi ko alam ang lugar na ito pero feeling ko parang hindi manganganid ang buhay ko.

That Boss Is My HusbandWhere stories live. Discover now