Chapter 19: Jealousy

2 0 0
                                    

Finally! Ibinigay din naman pala ang cellphone. Nang iopen ko iyon kita ko ang wallpaper niya. It was my picture.

Ngumiti nalang ako doon at idinial ang number sa office ko.

"Hello?Sino po sila?" tanong sa kabilang linya.

"It's me Lana", saad ko naman

"Naku!, Ma'am kayo pala yan, nasaan po kayo? Bat' ngayon lang kayo tumawag", sabi niya na nag-aalala

"Don't worry ayos lang ako, may inaasikaso lang  kaya medyo matatagalan bago ako makauwi", pag sisinungaling ko.

"Ganoon po ba?",- assistant

"Yeah..., By the way how's the Hotel?", tanong ko

"Maayos naman po ma'am, kaya don't worry po", my assistant

"Ok, keep up the good work, babalik din ako", sabi ko dito at ibinaba ko na ang tawag.

Ibabalik ko sana ang phone ng kumag nayon ng may tumatawag dito. Unknown number ito.

Sinagot ko naman iyon. Hindi sa Chismosa ako pero baka importante matagal pa naman magbihis yun. Bakit ko alam? Well halata naman.

"Buti naman at sinagot mo", sabi sa kabilang linya.

Pero boses babae ito.

"Sino sila?", tanong ko nalang

"What?and who are you too?, Bakit hawak mo ang phone ni Akles?!", galit na tanong niya.

"Excuse me gurl ako itong unang nagtanong ..Sino ka ba?", tanong ko ulit.

"I'm Thalia, siguro naman alam mo na kung ano ako kay Akles", pang-iinis na saad niya.

Parang may tumusok na ano sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi ng babaeng iyon alam ko naman kung ano ang ibigsabihin nun. Agad ko namang pinutul ang tawag at bumalik ako sa sofa at pabagsak akong umupo doon.

Tulala parin ako ng maramdaman kung may tumabi sa akin.

"Give me back now my phone" saad niya

Ibinalik ko naman iyon na hindi tumitingin sa kanya. Nahalata ata niya ang pananahimik ko kaya tumingin ito sa akin.

"Natahimik ka ata, kanina para kang bata na nangungulit, bakit may problema ba?", tanong niya na naka kunot noo pa.

Hindi ko matiis ang sarili ko kaya tumingin ako sa kanya ng masama.

"B-bakit?", tanong niya.

"Have you ever dated another woman maliban sa akin?", biglang tanong ko.

"Bat' mo naman natanong yan", saad niya na may pagtataka.

"That Thalia.. sino siya sa buhay mo", malungkot na tanong ko.

Ngumisi naman ito. Nagawa pang ngumisi ang kumag.

May sinabi siya pero hindi ko iyon narinig dahil mahina.

Pinaharap niya ako sa kanya. Nakayuko parin ako.

"Puwede tumingin ka sa akin?", sabi niya at sinunod ko naman.

Ngayon ay nakatitigkami sa isa't isa.

"Look, I've never dated anyone except you. That Thalia was nothing", pagpapaliwanag niya.

Sinungaling!, sabi ko sa isip ko.

"How should I believe you?, Hindi porke wala akong maalala sa nakaraan ko ay pwede mo na akong paglaruan ngayon", galit kong sabi na siyang pag-iba ng mukha niya.

Ang dali niyang magalit, agad niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Nasasaktan na ako sa paghawak niya.

"Don't you dare talk to me like that! What do you think of me huh?! Ever since we got separated five years ago kahit ni isang babae wala akung nakakarelasyon, why? It's because of you!", galit na sabi niya sabay tulak sa akin sa safo.

That Boss Is My HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora