Chapter 24: Last Will / Behind That Room

1 0 0
                                    

Naka uwi na ako. Mga 12:00 na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay huminto muna ako sa kwarto ni Lana. Binuksan ko iyon at mahimbing naman ito sa pagtulog.

Nilapitan ko siya at hinalikan sa ulo bago ako lumabas.
.......

Nagising ako sa sinag ng araw sa kwarto ko, tumingin ako sa orasan at 9:00 na pala ng umaga. Kaya bumangon na ako at agad naligo at nagbihis.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina, doon ay naabutan ko si Lana na nililigpit ang mga napagkainan nila.

"Morning..", saad niya sa akin.

Tumango lang ako sakanya.

Pinagtimpla naman ako ni nanay Lily ng kape. Napansin ko na nakatayo parin si Lana sa harapan ko, maybe she's waiting for me to speak pero wala. Kita ko sa mukha niya na malungkot iyon.

Nang makahugas ito ay umalis na siya sa kusina habang ako naman ay naiwan doon na kumakain.

Nasa gitna ako ng pagkain ng tumawag sa akin si Cole.

"Yes..?", tanong ko sa kanya.

"Attorney Fortez wants to see you", saad niya sa akin.

"For what?", tanong ko naman na kunot noo.

"He is Mr. Suarez's Attorney..Maybe he wants to tell you something", saad niya.

"Ok..saan kami magmemeet?", tanong ko.

"Come here at my office..", saad niya at binaba ang tawag.

Hindi ko na naituloy ang pagkain ko, Basta lang ako umalis sa kusina.

Kita ko si Lana sa sala, tumayo ito ng makita niya akung papalapit pero nilagpasan ko siya. I'm sure she's angry with me from now on because of my acting.

Nandito ako ngayon sa opisina ni Cole.

"What's for today?", tanong ko sa dalawa sa harapan ko.

Umayos muna si Attorney Fortez at may inilabas ito sa suit case niya na isang brown envelope.

"Mr.Davis I'm here to tell you something about Mr. Suarez's last will", saad niya habang nakatingin sa akin.

"W-why me?, Nandoon naman ang anak niya?", pagtatakang tanong ko.

Huminga muna ito nang malalim at tumingin ito kay Cole. Cole just nodded at him then Mr. Fortez face me again.

"Mr. Davis..Mr. Suarez's last will was that the next up coming top of the WorlWide Group", sabi niya.

"Ok..then?", pagsasabi ko habang naka cross arms.

Inilabas naman ni Attorney Fortez ang printed papers sa brown envelope na iyon at binasa.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Y-you're kidding me..", saad ko nalang.

"Yes it's true Mr. Davis, ikaw ang nakapangalan sa Ethiopian Group.. it's already written here", saad ni attorney habang naka taas sa kamay niya ang papel.

"Diba may anak si Mr. Suarez? Bakit hindi sa kanya instead it was been given to Akles?", tanong naman ni Cole.

"Well...we can't change this paper.. at yun ang gusto ni Mr. Suarez..na ikaw ang dapat mamahala sa Ethiopian dahil ikaw ang mas nakakaalam sa Group na ito kumpara sa anak niya", saad niya sabay turo sa akin.

"No I can't do that..bakit hindi nalang sa ibang miyembro like Mr. Bartolome", saad ko.

Bumuntong hininga naman si Attorney Fortez.

That Boss Is My HusbandWhere stories live. Discover now