EPISODE 1: Panaginip

9 0 0
                                    

EPISODE 1: PANAGINIP

Aleiza Obido Persia (Lei)–


"Best Friend Forever!!" hingal akong napabangon nang biglang may kumatok ng malakas sa pintuan ng kwarto ko

"Anak gumising ka na malalate ka na sa School mo!" sigaw ni Mama mula sa labas. Napabuntong hininga ako at napahimas sa batok ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Noong una itong mga taong napapanaginipan ko hinahayaan ko lang, Pero mag iisang lingo na. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ng aking panaginip. Muli akong bumuntong hininga at bumangon na at inayos ang higaan. Pag katapos ko naman, pumunta na akong banyo at naligo.




JULY 03, 2035


    Halos isang lingo ko nang napapanaginipan ang mga taong 'yun. Hindi ko alam kung normal lang ba 'yun o hindi. This time hindi ko masyadong alam ang lugar na iyon. Pero sa panaginip ko do'n sa lugar na iyon, doon natapos ang buhay nila. Ang gulo hindi ko maintindihan.




"Lei!!" bigla akong napatingin sa taong tumawag sa 'kin.

"Jhames.." bangit ko ng makarating siya sa harap ko.

"May sagot kana ba sa Contemporary?" tanong ko sa kaniya habang nag sisimulang mag lakad.

"HAHAHA kailan ba ako nag karoon ng sagot sa mga assignment natin?" napangiwi ako sa sagot niya at binilisan na lang ang paglalakad.

"Gag* hintayin mo 'ko!" rinig kong sabi niya na hindi ko naman pinakinggan. Nang makarating sa room agad kong sinalubong ang mga kaibigan ko.

"Sabi ko hintayin mo ako e'" Sabi ni Jhames pag kaupo sa tabi namin.

"Sino ka para hintayin?" Tanong ko at humawak naman siya sa bandang dibdib niya na umarteng nasaktan.

"Guys may sasabihin ako" seryosong sabi ko at napasapok ako sa noo dahil tinawag pa ni  Mary ang ibang tropa.

"Anong sasabihin mo?" Tanong ni Jhames.

"Gag* buntis ka no'?" singit naman ni Aleah na siyang mahinang nag pamura sa akin.

"Bob* paano 'yan mabubuntis e' wala naman niyang boyfriend?" singit ni Uel na kararating lang na nakibilog sa amin.

"No, it's weird.. baka tawanan niyo ako pero wala akong pake kung tatawanan niyo pero.. ilang linggo na akong nananaginip ng kakaibang tao at paulit-ulit. Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig no'n pero.. Pero kasi ang gulo, noong una binabaliwa ko lang pero isang linggo na at ganon pa rin ang panaginip ko, iba't-ibang pangyayari, iba't-ibang lugar ngunit pare-parehong tao" seryosong sabi ko at pasalamat naman ako dahil seryoso rin silang nakikinig sa akin.

"Hala! Gag* halos ganyan din ang panaginip ko!" Sabi ni Dona kaya napatakip ako ng bibig.

"Sa akin din" sagot ni Jhames at Uel.

"Ako rin" sabay na sabi nina Maria, Rhea at Mary at ganon rin ang iba kaya lahat na kami nag taka.

"'Yung sa akin, parang totoo sa panaginip ko muntik nang masagasaan 'yung babae pero hindi natuloy dahil may lumigtas sa kaniya" Sabi ni Rose.

"Sa akin naman 'yung panaginip ko 'yung taong 'yun ang dahilan kung bakit nag simula 'yung gulo sa kanilang mag kakaibigan hanggang sa isa-isa niya itong pinapanood na namamatay" Sabi naman ni Dona.

"'Yung sa akin, pinatay ng sarili niyang Nana" Sabi Naman ni Rhea.

"'Yung sa akin halo-halo e' kaya subrang gulo" sagot ko.

"Sa akin nahulog sa second floor ng malaking bahay tapos may mga ginagawa sila bago mangyari 'yun malabo 'yung akin" sabi naman ni Jhames at kanya-kanya pang kwento kaya naisipan namin na mag usap mamayang recess at pag kwentohan iyon. Mukhang ito ang mas hindi ko inaasahan posible pa lang halos mag kakaugnay ang panaginip namin. Ngunit ano ang ibig sabihin noon? Hindi kaya 'yun masamang pangitain? Hayst baka panaginip lang naman baka wala namang meaning 'yun.

HANGGANG NGAYON LUTANG ANG UTAK ko sa mga nangyayari, hindi ako makapaniwala na halos mag kakaugnay ang panaginip naming mag kakaibigan.

"Ano kaya ang ibig sabihin noon?" tanong ni Dona.

"Baka naman nag mataon lang" sagot ni Jerlay.

"Ang creepy lang kasi mga Pre, ngayon lang ako naka experience ng ganon"  Sabi naman ni Aleah at nag agree naman kaming dalawa ni Mary sa kaniya.

"Alam niyo? Tinatakot niyo lang ang mga sarili niyo e' 'wag niyo kasi bigyan ng meaning" Sabi ni John Lloyd at nag agree na ang lahat sa kaniya.

"Bumalik na kayo sa kanya-kanya niyong upuan andiyan na si Sir Djhey" sabi ni Shara na umupo na sa tabi ni Maria. John Lloyd is right maybe it's just a coincidence pero iba talaga ang pakiramdam ko sa panaginip na 'to kakaiba pero bahala na.

Nag simula nang mag discuss si Sir DJhey hanggang sa bigla siyang nag sabi na may Group Project kaming gagawin at isa itong Movie. Mamimili lang kami sa genre na nakalagay sa pisara kaya tumingin naman ako sa pisara.

"Romance, Teen-Fic, Action, Horror" paulit-ulit kong binasa ang Horror na genre at hindi ko malaman sa aking sarili kung bakit bigla akong nakaramdam ng panlalamig.

"Okay, ako ang mamimili kung sino sino ang mag kakagrupo. Back to your seats everyone" utos ni sir na agad na sinunod ng mga Bida biga kong classmate at doon naman na nag simula si Sir na mag announce kung sino sino ang mag kakasama hanggang sa matawag ang pangalan ko at pangalan naming mag kakaibigan may dalawa lang na napabilang sa amin.

"Naks, first time nangyari 'to na mag kakasama tayo sa iisang project" nakangising sabi ni Jerlay.

"Ayaw niyo 'yun kapag maganda ang movie na nagawa natin sabay sabay tayong papasa at syempre kapag hindi sabay sabay rin tayong babagsak at 'yun ang tunay na mag kakaibigan" tumawa na lang kami sa sinabi ni Dona.

"Sir, lugi kami kami kina Uel writer si Aleiza" sabi ni Jesse na nakatingin sa grupo ko pero wala naman akong naging reaction sa sinabi niya.

"Hindi mo pa nga sinusubukan sumasabi ka na ng ganyan, mamaya e sesend ko sa GC ang criteria, bukas naman e present niyo kung anong genre ang napili niyo at ang plot ng movie na gagawin niyo good bye class" tumayo kami at nag goodbye rin sa kaniya pabalik at muling bumalik sa pag kakaupo ng lumabas na si Sir.

"Horror tayo guys pa Halloween na rin naman" suggest ni Pauline.

"P'wede rin naman, gawa na kayong GC. Ano guys anong genre ang sa atin para magawan ko na ng plot mamayang gabi" tanong ko sa kanila.

"Mas exciting kung horror tayo, pagod na ako sa kilig kilig wala naman tayong masyadong place kung action tayo" sagot ni Aleah at nag agree naman sa kaniya ang buong grupo kaya napag decide kaming Horror na lang ang gagawin.

Hindi ako makapag isip ng ayos dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang napanaginipan ko, nakakapagtaka lang dahil mag kakaugnay ang mga panaginip namin pero sana.. sana walang meaning ang mga iyon, sana talaga.






A_Bitch_Lady




THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now