EPISODE 10: The Game Of Death

0 0 0
                                    

EPISODE 10: THE GAME OF DEATH 5


Mary Rose Bolaños

Ilang Oras na kaming nag hihintay pero hanggang ngayon wala pa rin kaming makitang bakas nina Pauline at Aleah. Ni isa sa amin walang nakaka alam kung nasaan si Aleah, nagising na lang kami wala na siya sa kaniyang higaan habang si Pauline naman hindi kami sigurado kung naka uwi ba o hindi.

“Anong araw ba pumupunta rito ‘yung mga nag lilinis ng bahay?” tanong ko kay Yuri.

“Ang alam ko tuwing linggo lang.” sagot niya na ang inakala naman namin ay babalik ang mga taga linis para maasikaso kami o masamahan man lang.

“Nag aalala na ako para sa kanila. Kinakabahan ako! Baka may nangyari na hindi maganda sa mga ‘yun!” Sabi ni Maria kaya bumuntong hininga na lang ulit ako.

“Mag simula na tayo, taposin na natin ngayong araw ang taping. kaunti lang naman ang role ni Aleah ‘di ba, gawan na lang natin ng paraan.” sabi ni Ivan habang hawak ang camera.

Hindi man gusto ng iba na mag simula ng kulang wala na rin kaming magagawa, tulad ng sabi ni Ivan tataposin ngayong araw ang taping, siguro ay mas mabuti na rin ‘yun para hindi na kami makaramdam ng kaba at ng takot para na rin malaman namin kung okay lang ba si Pauline at kung umuwi ba si Aleah.

Habang nag lalakad papunta sa gitna ng kagubatan hindi ko alam pero subra-subra ang kabang nararamdaman ko at ngayon ko lang rin naramdaman ang ganito katinding pag kakaba.

“Sa tingin niyo may patibong diyan?” tanong ni Jerlay.

“Wala naman siguro.” sagot ni Yuri. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.

“Ang bigat ng nararamdaman ko. There's something wrong in this place.” Sabi ni Dona at nag katinginan naman kami, pareho pala ng nararamdaman.

“So babalik na tayo sa Mansion? Titingnan kung andon na sina Aleah?” tanong ni Uel.

“Oo p’wede rin naman—” naputol ang sasabihin ni Theresa ng bigla kaming makarinig ng isang malakas na sigaw.

“Ahhhhh!!” sigaw ni Shara na nasa unahan namin kaya dali-dali kaming nag puwesto sa tabi niya at lahat naman kami napatigil ng makita namin ang nakita ni Shara.

“O my god!!” Sabi Lei habang sina Jerlay at Tere naman napaupo sa nakita nila.

“Putangina si Aleah ba ‘yan?!” gulat at takang tanong ni Jhames.

“Putangina! Putangina anong nangyari kay Aleah?! Sinong pumatay sa kaniya?!” tumindig ang balahibo ko sa itinanong ni Uel.

“A-anong gagawin natin?! Tatawag ba tayo ng pulis? Tatakbo?” kinakabahan na tanong ko kaya tumingin naman ang ibang lalaki sa akin.

“Tayo ang mapag bibintangan kapag nag sumbong tayo!” Sabi ni Liza.

“So ano?! Hahayaan natin si Aleah dito?! Tayo ang lilibing sa kaniya without knowing kung anong nangyari?!” tanong ko na pasigaw na ikinatahimik naman nila.

“Fuck! Bakit ito nangyari?!” naguguluhan na tanong ni Yuri.

“Hindi kaya ‘yung mga Taga linis ang pumatay?” tanong ni Tere habang nakatingin kay Aleah na nakahiga at duguan.

“O my god! First time kong makakita ng ganito!” umiiyak na sabi ni Shara.

“That’s imposible! Hindi nila magagawa ‘yun, and if they did this thing? Why? For what?” sabi naman ni Yuri.

“Anong gagawin natin? Ano hahayaan natin na matingga diyan si Aleah? Hindi ba tayo mag susumbong?" Tanong kong muli.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Tayo ang mapag bibintangan kapag nag sumbong tayo!" Sabi ni Liza na ikinakunot noo ko.

“Bobo! Hindi tayo mapag bibintangan! Iimbistigahan tayo pero hindi tayo mapag bibintangan dahil wala naman tayong finger print sa katawan nila! And she's your fucking friend for God sake! Bakit hindi tayo susumbong unless isa sa atin ang gumawa!” inis na sabi ko.

“O my god... Guys! O my god!” napalingon kami kay Lei na nakayuko, umisog si Lei paatras at umiiyak na tumingin sa amin.

“S-si.. fuck guys.. s-si Pauline...” tinuro niya ang kaninang inaapakan niya at muling tumingin sa amin lumapit sina Uel sa tinuturo ni Lei at hinukay ang dahon gamit ang paa nila at doon naman bumingad sa amin ang ulo ni Pauline na duguan.

"What... What the hell?! Pa-pati si Pau? ‘Di... ‘di ba ‘yan yung suot niyang damit bago siya umalis? What the heck? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Sino ang pumatay sa kanilang dalawa?!” Sabi ni Jerlay, lahat kami hindi makapaniwala sa nangyayari, lahat kami walang idea.

Bang!

Lahat kami napatakbo pabalik sa mansion ng makarinig kami ng pag putok ng baril. Muntik pa nga akong madapa dahil sa takot at kabang nararamdaman, nang makapasok kaming lahat agad naming sinara ang malaking pinto ng mansion at ni lock ito.

“Putangina anong nangyayari?!” tanong ni Uel, halatang rin sa Mukha ang pagiging kabado.

“Baril ba ‘yun? Putok ng baril?” tanong ni Dona pero walang nag sagot sa tanong niya. Lahat kami hindi makapaniwala, hindi namin alam kung ano ang gagawin namin, hindi namin alam kung paano sila namatay at kung sino ang pumatay sa kanila until I realized something. Tumingin ako sa kanilang lahat at hindi ko rin naman inaasahan na titingin sila sa akin.

“Una si Roselle sunod si Aleah.. this scene is familiar parang napanaginipan ko ang bagay na ito.”

“My dreams, it makes sense. They're not just a dream may meaning ang mga iyon.” nag katinginan naman kami ni Lei dahil doon.

“Our dreams is real and in the first place all of us are connected. Our dreams is connected with us, it's.. I don't know maybe it's our past life. Pero anong rason? Anong meaning ng mga ‘yun?” tanong ni James.

“Siguro kaya weird ang mga matanda na nakasalubong natin dahil alam nila na mangyayari ito.” Sabi ni Maria kaya napatingin rin ako sa kaniya.

“Sa mga panaginip niyo may mga mag kakaibigan na namatay?” tanong ko at lahat sila sumagot ng Oo.

“Familiar ba itong bahay sa inyo lalo na sa basement?” Muling tanong ko at lahat na naman sila sumagot ng oo.

“Baka nga.. baka nga ang mga napanaginipan natin ay ang ating past life. Pero bakit? Ano ang rason? Sa panaginip ko isa isa silang namatay I don't know why and I don't know the reason pero ang alam ko lang mag kakaibigan sila.” Sabing muli ni Maria na tuluyang umupo sa sofa.

“At mag kakaibigan rin tayong lahat. Nauna si Liza sumunod si Aleah sino ang susunod? Ano ang dapat nating gawin para hindi mangyari ang nangyari noong unang Buhay natin?” tanong ko sa kanila na mas ikinatahimik ng paligid.

Hindi namin alam kung anong nangyayari sa amin at mas lalong hindi namin alam kung paano namin lalabanan si Kamatayan pero kung no’ng unang Buhay namin ay lahat kami namatay ano ang dapat naming gawin para mabuhay sa kwento naming ito?



A_Bitch_Lady


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now