EPISODE 9: The Game Of Death 4

0 0 0
                                    

EPISODE 9: THE GAME OF DEATH 4

ALEAH ANGELES


Hingal akong napabangon ng muli kong napanaginipan ang isang babae na ginagahasa sa sarili niyang bahay, ilang beses nang nangyari ‘yun ni hindi ko nga malaman kung bakit ba ako nananaginip ng ganong bagay.

Ako ba ‘yun no'ng past life ko? O may isang kaluluwa lang na gusto ang tulong ko para makuha ang hustisya na para sa kaniya?

“Tangina alas tres na.” tumayo ako at lumabas ng kwarto na tinutulongan namin para pumunta sa banyo, pag labas ko naman ng kwarto bigla akong napayakap sa sarili ko dahil nakaramdan ako ng lamig.

Napahinto ako sa pag punta ng banyo ng makita ko galing dito sa taas na bukas ang pinto nitong mansion. Hindi yata ito sinara ng mga gagong kaibigan ko, kaya no choice bumaba ako para masara ito.

Beep**

THIS IS YOUR DAY:)

“Tanginang laro na ito.” Sabi ko sa sarili at muling hinawakan ang pinto para isara ito pero bigla akong nakaramdan na para bang may nanonood sa akin kaya tumingin ako sa likoran ko at huli na bago ako makasigaw dahil nasaksak na ako nito sa tiyan.

“Anong ginagawa mo?!” umiiyak na sabi ko kay Liza, naguguluhan kung bakit niya ito ginawa sa akin.

“Bakit? Hindi ka ba nag e-enjoy sa nilalaro natin? Takbo.. tumakbo ka na!” hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sinunod ko ang sinabi niya na tumakbo ako. Puta bakit niya ito ginawa? Paano si Pauline? Pinatay niya rin ba? Paano ang ibang kaibigan ko? Paano nila maliligtas ang sarili nila kay Liza na hindi ko maintindihan kung napapaano!

“Aleah.... Asan ka na...” dahil sa pang hihina na nararamdaman tumago ako sa isang puno tangina kataposan ko na ba?!

“Bulaga! Hmm... Tagu-tagoan maliwanag ang buwan, huli ka?” mariin akong napapikit dahil sa takot na nararamdaman, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito, wala akong idea para gawin niya ang masamang bagay na ito!

“‘Pagka bilang kong tatlo nakatago ka na.. isa.. Ella lumabas ka na... Dalawa.. Ella...” kahit natatakot ay bigla akong napakunot ng noo, Ella? Bakit niya ako tinatawag na Ella?

“Ella.. nag lalaro tayo.. alam niyo naman simula pa lang wala ng makakatakas kay Kamatayan. Bulaga!”

“O my god!!  Ahhh!!” sigaw ko ng mahuli niya ako kaya napatumba naman ako sa pinag tatagoan ko.

“Bakit mo ito ginagawa? Liza kaibigan mo ako! Wala akong ginagawang masama sa ‘yo!” sigaw ko habang umiiyak.

“Sa akin wala, pero sa kaniya meron.” nakangiti na sabi nito na ikinailing ko.

“Hindi ko maintindihan! Ano bang pakay mo!!” lumuhod ito sa akin at hinawakan ang mukha ko sabay diin ng kutsilyo sa pisngi ko na mas ikinasigaw ko dahil sa sakit, nag babakasakaling may makarinig sa akin.

“Ella.. matagal ka nang patay ngunit binalik ka sa mundo na ito. Para siguro mas pahirapan ka.” umiiyak man at nasasaktan sa ginagawa niya nagawa ko pa rin na umiling, Wala akong magawa para labanan siya dahil ramdam ko agad ang pang hihina.

“Hindi ako si Ella. Hindi ko maintindihan!” tumitig ito sa mata ko at biglang ngumisi.

“Buhay sa Buhay. Mamamatay ang mga mamamatay. Wala kayong laban sa kaniya, kayo man ang itinakda ngunit wala pa rin kayong laban.” the fuck? Anong ibig niyang sabihin?

Para mas pahirapan ka? So that dream. Ako ‘yun no'ng past life ko? Namatay ako noon dahil ginahasa ako at ngayon ay mamamatay rin ako? At tulad noon namatay ako ng walang laban maski ba ngayon?

“Hindi ko alam kung sino ka, kung anong ibig mong sabihin.. pero ‘wag kayong maging kampanti. Ma-mamatay ako ngayon pero nasisiguro ko na matatapos ka nila, na matatalo ka nila. Na–” natigil ako sa pag salita ng bigla akong tumilapon sa ere, sa pag salpok sa puno alam ko na talagang kataposan ko na lalo na’t may lumabas na dugo sa bibig ko.

Diyos ko, tulungan mo po ang mga kaibigan ko na matalo ang demonyong kalaban nila. Unti-unti akong umaangat, tumingin ako kay Liza na enjoy na enjoy sa ginagawa niya kahit nahihirapan nagawa ko pa ring mag salita.

“S-sana ay magising ka na Liza.. hindi ikaw ‘yan Liza..” nanghihinang sabi ko at bigla namang sumama ang timpla ng mukha niya at bigla na naman akong tumilapon sa Isang puno.

“Bye Aleah Angeles. Rest in hell.” tuluyan na akong nanghina pero bago ako mawalan ng ulirat may nakita akong isang babae na nakaitim at nakangising nakatingin sa akin, napatingin naman ako sa hawak niya at isa itong libro.




James Ivan Pontilan Ornos


Muli akong napabalikwas ng bangon ng mapanaginipan ko na naman ang lalaki o bakla? Na namatay sa isang basement. Hindi ko alam kumg sino ‘yun pero ‘yung lugar kaparehong-kapareho nitong bahay lalo na ‘yung basement dito.

“Aga mong magising.” Sabi ni Ivan sa akin ng makitang naka silip ako sa bintana ng kwarto.

“Nanaginip ako e.” sagot ko at tumingin sa kaniya.

“Alas singko na pala.” muling sabi niya kaya muli naman akong sumilip sa bintana at napakunot noo pa ng may mapansin akong mabilis na nag lakad hindi ko lang alam kung sino at kung saan ito papunta dahil naman doon nakaramdam ako ng kaba.

“Sa tingin mo anong meron kay Liza? Para kasing may nag bago sa kaniya.” tanong ko sa kaniya ng makahiga ako sa katre.

“Hindi ko rin alam pero ‘yung ibang girls iniisip na sinaniban siya.” sagot niya.

“Sa tingin niyo naka uwi na si Pauline?” tanong ni Yuri.

“Isang araw na akong nag titiis na wala tayong signal. Syempre hindi rin naman natin malalaman kung naka uwi na siya.” sagot ni Ivan.

Tok.. tok..

“Nakita niyo ba si Aleah?” tanong ni Jerlay sa amin ng mapag buksan ko siya ng pinto.

“Hindi.” sagot namin tapos muli ko namang na alala ‘yung nakita ko na parang nag daan.

“Baka nag labas? Hindi ako sigurado pero may napansin kasi ako kanina na parang dumaan, habang nakasilip ako sa bintana.” sabi ko naman.

“Okay, bumangon na kayo para maka pag almusal na.”  

“Una si Liza ang laging nawawala ngayon naman si Aleah? Ano bang meron sa mga tao ngayon?” takang tanong ni Yuri kaya muli akong tumayo at sumilip sa bintana. Something's weird, may mali sa mga nangyayari ngayon. Parang.. parang nangyari na ito noon. De ja vu?




A_Bitch_Lady














THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now