EPISODE 5: The Game

5 0 0
                                    

EPISODE 5: THE GAME


-Jerly Bariso POV-



Dalawang linggo na ang nakalipas ng mailibing si Roselle, hanggang ngayon walang nakaka alam sa tunay na ikinamatay niya. Ngayon araw naman ngayon ang start nang pag film namin, na adjust ang schedule dahil na rin sa biglaang pag kamatay ng aming kaibigan.


"Ready na ba ang lahat?" Tanong ng leader ng gagawin naming film na si Pauline at mga nag oo naman kami sa kaniya, dahil medyo malayo ang Lugar na pupuntahan namin nag arkela kami ng isang hauler para ihatid kami doon.

"Hoy I have chika" basag ni Dona sa katahimikan habang nag hihintay kami ng sundo.

"About sa place na pag fi-filman natin, may narinig daw na sabi sabi sina Mama na may mga namatay daw sa Lugar na 'yun, but they're not sure if totoo." dahil sa sinabi niya medyo kinalibutan ako.

"Hindi ba hunted house 'yun Jl?" Tanong ni Aleah kay John Lloyd.

"Oo, alangan naman dalhin ko kayo sa alanganin na lugar" sagot niya habang naka tingin sa kaniyang cellphone.


9:7 AM ng makarating kami dito sa Mansion ng mga Pida, mukhang luma na pero parang hanggang ngayon inaalagaan pa rin. May nakita naman kaming dalawang matandang babae at Isang matandang lalaki na nasa labas rin ng Mansion.


"Magandang Umaga sa inyo, kayo ba ang sinasabi ng may ari nitong Mansion na hihiram nitong bahay?" Tanong ng isang matandang babae.

"Magandang umaga rin po, opo kami po 'yun." nakangiting sabi ni Lei sa matanda, tumingin ako sa bahay hindi ko alam pero parang ang weird ng Bahay na ito, tila ba pinag tataasan ako ng balahibo

"Kayo ba ay mag kakaibigan?" Tanong ng matandang lalaki at tumango naman ang mga kaibigan ko habang ang tatlong matanda naman ay nag katinginan. Muli naman akong napatingin sa Mansion at napansin ko na parang familiar ang Lugar na ito sa akin kahit sigurado naman ako na hindi ko pa ito napupuntahan noong bata pa ako.

"P-pumasok na kayo at mag ingat rin kayo." Sabi ng matandang babae kaya napakunot ang noo ko, para kasing may pinapahiwatig siya sa word na mag ingat rin kayo it's really weird pero sinawalang bahala ko na lang.

"Parang napuntahan ko na itong Lugar na ito." Sabi ni Uel na pinag mamasdan ang loob ng Mansion at ganon din ako, feeling ko talaga napuntahan ko na ang Lugar na ito hindi ko lang alam kung kailan at kung paano.

"Gagó ako rin!" Natatawang sabi ni Jhames habang ang iba naman ay tahimik lang.

"Ang weird niyo, by the way mag pahinga na muna tayo." singit ni Pauline.

"This place is weird." Sabi ni Lei habang pinag mamasdan rin ang lugar, nag kabit balikat ako at ganon rin siya.

"Grabe, wala pa akong ginagawa pero pagod na agad ako." napatingin naman kami ni Lei kay Liza dahil ganyan na ganyan rin ang sinabi ni Roselle bago siya mamatay.

"Putanginà mo naman Liza." sabi ni Aleah sa kaniya na parang na realize rin niya ang sinabi ni Liza.

"Bakit? Inaano ko kayo?" Tanong ni Liza sa amin pero iniwan na lang namin siya sa sala at sumunod na kina Pauline para pumunta sa kwarto kung saan kami mamamahinga pansamantala.

"Sayang 'tong bahay kung walang titira." rinig kong sabi ni Dona.

"Bakit kaya ganon, feeling ko nakapunta na ako sa Lugar na ito?" Tanong ni Lei kaya napatingin ako sa kaniya dahil pareho kami ng pakiramdam na parang nakapunta na sa bahay na ito.

"De ja vu" Sabi ni Aleah.

"Lei, taposin mo na 'yung script para makasimula na tayo." utos ni Pauline kaya pasimple ko siyang sinamaan ng tingin, napaka bossy e wala naman siyang ambag, oo nga't wala rin akong ambag pero masyado siyang bossy.

"Mag papahinga muna ako." walang emosyon na sabi ni Lei.

"Para nga matapos agad tayo e." sagot naman ni Pauline kaya tiningnan siya ng iba naming kaibigan.

"Kakarating lang natin Pau, hindi ba p’wedeng mag pahinga muna ang lahat?" Walang emosyong sagot rin ni Lei kaya 'di naman na umimik si Pauline kaya napangisi ako bitch.



*Tok.. tok..


Kahit nakahiga ako sumilip ako sa pintuan ng may kumatok.

"Maluto na ako, mag pahinga na muna kayo." Sabi ni Ivan sa amin na kasama si Jhames.

"Matulog muna ako, sakit talaga katawan ko." sabi ni Liza at maski rin naman ako pumikit dahil nakakaramdam rin ako ng pagka antok.


"Pagod na ako, ayaw ko na"

"Lahat ba talaga tayo mamamatay sa larong ito?"

Patay na si Cj, Patay na ang lahat. Kakaibang demonyo! Nakakatakot!!


"Jerlay! Hoy!!" Hingal akong nagising sa yugyog ni Mary.

"Binabangungot ka." sabi pa nito kaya tiningnan ko siya.

"Oyy guys tara na sa baba, tulungan natin Sina John Lloyd na ayosin 'yung basement." Sabi ni Uel kaya kahit nalilito at hindi pa rin ako nakaka get over sa panaginip ko tumayo na ako at inayos ang pinag higaan ko bago sumunod sa iba kong kaibigan.


Hindi ko alam pero habang pababa kami ng pababa ng hagdan papuntang basement ang bigat bigat ng pakiramdam ko, may feeling ako na napuntahan ko na ang Bahay na ito.


"Grabe pati ba naman 'tong basement familiar sa akin." Sabi ni Ivan kaya napatingin ako sa kaniya at nang tuluyan nang buksan ni Uel ang pinto ng basement doon ako napahinto sa pag lakad dahil biglang nag flashback sa akin ang panaginip ko. Hindi ko alam kung nag kataon lang pero itong basement ay kapareho kung saan namatay ang babaeng ginagambala ang aking pag tulog. Hindi ko alam pero bakit ganito? Bakit may kung ano sa akin na gusto ko nang umalis sa Lugar na ito? Tama ba ang hinala ko o sadyang tinatakot ko lamang ang aking sarili?

"Hoy Jerlay ano ba? Mag tulong ka sa pag alis ng alikabok para maayos natin 'tong magamit bukas." Sabi ni Pauline kaya nag simula na akong kumibo at hindi na lang pinansin ang sarili. Madali lang rin naming naayos at nalinisan ang mga gamit kaya agad na kaming umakyat para maka kain na rin dahil 12:13 na ng hapon. Pero bago ako umakyat pataas muli kong tiningnan ang basement sana nga panaginip at walang ibig sabihin ang panaginip na 'yun. Sana talaga.

Pag punta naming kusina nag reready na sila ng mga plato.

"Si Liza gisingin niyo na." sabi ni Aleah.

"Kanina pa 'yun ginigising talaga, masakit daw buong katawan niya." Sabi naman ni Shara pero umakyat pa rin si Lei para gisingin si Liza, at maya maya rin naman ay nag lalakad na silang dalawa para saluhan kami sa pag kain.

"Grabe, hindi ko akalain na ganito kaganda sa loob ng bahay na ito. Pero alam niyo 'yun feeling ko talaga nakapunta na ako dito." Sabi ni Jhames habang nag susubo ng kinakain niya.

"Ay hanep akala ko ako lang nakapansin." Sabi naman ni Ivan. Gusto kong umimik, alam ko at napapansin ko na hindi lang kaming tatlo ang nakaka pansin sa lugar na ito, pero mas pinili kong tumahimik dahil ayaw kong pangunahan kami ng takot.


2:35 na ng hapon, malapit nang matapos si Lei sa script na ginagawa niya, habang kami may kaniya kaniyang buhay.

"Grabe, hindi ako tatagal dito walang signal." sabi ni Pauline.

"Laro na lang kaya tayo." Sabi ni Liza kaya tumingin naman kami sa kaniya.

"Go, bored na bored na ako, anong lalaroin?" Tanong ni Uel

"The Game Of Death" sagot niya.

"Eh?" Sabay sabay na tanong namin sa kaniya anong klaseng laro 'yun?

"'Yun 'yung title no'ng laro. No'ng pinakialaman ko kasi phone ni Roselle kasi akala ko may makukuha akong clue kung bakit siya namatay nakita ko 'yung laro na ito kaya nishare it ko, hindi ko pa na tra-try kaya hindi ko alam kung paano laroin, pero e-share it niyo muna para sabay sabay na nating subukan." sabi niya kaya nilabas namin ang cellphone namin.

Why I have this feeling na dapat hindi ako sumali? Why I have this feeling na parang... Parang nangyari na ang bagay na ito??





©A_Bitch_Lady







THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now