EPISODE 4: Panaginip

7 0 0
                                    

EPISODE 4: PANAGINIP

Hindi makapaniwala ang mga magulang ni Roselle ng madatnan nila ang kawawa nilang anak na duguan at walang buhay.

"Buhay pa kaya ang anak ko kung hindi tayo umalis?" Tanong ng matandang lalaki sa asawang tulala pa rin hanggang ngayon.

"Wala kaming makitang finger print, maski foot print wala." sabi ng isang pulis sa kapwa niya pulis.

"Mukhang mahihirapan tayo na mahanap ang kung sino mang pumatay sa batang 'to. Karumal-dumal, walang awa, mukhang malaki ang Galit sa biktima kaya ito nagawa." sabi pa ng isang pulis.

"Ngunit parang hindi tao ang may gawa, tingnan niyo ang pader na iyon..." Tinuro naman ng isang pulis ang pader na makikitaan ng bakas ng para bang may hinagis dito.

"Paano nito nagawang buhatin at ihagis ang isang tao ng ganon kalakas?" Dugtong pa niya.

"Baka hindi ganon katibay ang pagka gawa ng pader na iyan" sagot naman ng kapwa niya pulis.

"Pakiramdam ko may hindi tama sa mga ito. Pakiramdam ko hindi Basta tao lang ang gumawa nito" sabi ng pulis sa mga kasamahan.

"Naku pre, pinapairal mo na naman 'yang pagiging ghost hunter mo." sabi naman ng isa pang pulis na kausap niya pero hindi na lang niya ito pinatulan kundi ang ginawa niya ay mas pinag masdan pa niya ang paligid lalo na ang pader at ang wasak na lamesa.

"Ito na ba ang sinasabi ni Lolo? Nag sisimula na ba ang larong pakana ni Kamatayan?" Tanong niya sa sarili at biglang nakaramdam ng kaba hindi lang para sa Lolo niya kundi sa mga bagong biktima. Tumingin siya sa isang frame kung saan may mga estudyane na nakangiti doon.

"Mga mag kakaibigan, sila ba ang mga bagong taohan sa kwento? Sino ang makakatapos kay kamatayan? Sino sino sila? May makaka lutas kaya ng kakaibang sumpang ito o katulad lang rin ng dati sila ay mamamatay?"




Shara Alvarez–


Speechless, mga hindi makapaniwala. 'Yan ang nararamdaman namin ngayong mag kakaibigan sa balitang natanggap namin. Roselle Ann Añonuevo is dead. One of our friend is now gone. Sino ba naman kasing maniniwala doon? Kasama pa lang namin kahapon tapos pag dating namin dito sa room  'yung lintik na balita na 'yun ang bubungad sa amin. Isa pa kami sa mga suspect dahil kami ang kasama niya kahapon, sabi rin ng mga pulis ni kahit anong bakas ng finger and foot print walang nakuha at 'yun din ang ipinagtataka namin. Ganon ba kagaling ang taong pumatay kay Roselle? Ni kahit anong bakas wala talagang iniwan?

"Sa tingin niyo, sino 'yung pumatay kay Roselle?" Tanong ni Aleah pero walang sumagot sa kaniya dahil pare-pareho naman kaming walang idea, alangan naman isa sa amin ang pumatay sa kaniya pero kung isa sa amin sino at anong rason niya para gawin ang bagay na 'yun?

"At bakit siya pinatay?" Tanong pa niya ulit pero tulad ng kanina walang nag tangkang sumagot sa tanong niya dahil na rin panigurado pare-pareho kami ng tanong sa aming sarili at dahil na rin wala kaming idea sa  nangyari sa kaniya. Oo nga't kahapon nag rereklamo siyang masakit ang katawan at ulo niya pero hindi naman namin akalain na magiging ganito ang lagay niya kinabukasan.


DUMATING ANG HAPON, lahat kami ay tahimik lang, naandito kami ngayon sa bahay nina Roselle at pinag mamasdan ang kaniyang mukha. Bakit biglang nangyari sa 'yo 'to Roselle? Sino ang may gawa sa 'yo nito?

"Putanginà! Hindi ko siya kayang tingnan ng matagal gagó." Sabi ni Aleah.

"Naaawa ako sa kaniya." sabi naman ni Pauline. Ang ilan sa grupo ay umupo muna para kausapin si Tita at Tito na siyang magulang ni Roselle habang kami naman nina Jhames, Lei at Jerlay ay naandito pa rin at pinagmamasdan pa rin ang aming kaibigan. Alam ko rin na pare-pareho kaming maraming katanongan pero ni isa sa amin walang nag tangkang mag tanong.

Dumating ang Oras na sabay sabay rin kaming nag paalam sa mga magulang ni Roselle na mauwi na kami, habang nag lalakad naman walang masyadong imikan ang naganap sa amin kaya nagawa ko itong basagin.

"Ingat kayo pauwi." Sabi ko bago sumakay ng Trycicle pauwi sa amin.

"Ikaw rin." Sabi nila sa akin at tumango naman ako bilang tugon. Nang maka uwi nadatnan ko si mama na nag tutupi ng mga damit habang si papa naman ay nanonood ng TV. Nag mano ako sa kanilang dalawa bilang pag galang tapos itong si papa naman biglang umupo.

"Totoo ba 'yung nabalitaan namin? Patay na ba talaga 'yung kaibigan mo?" Tanong ni papa at tumango naman ako sa kaniya.

"Anong kinamatay?" Tanong naman ni mama.

"Pinatay, walang sakit si Roselle. May walang hiya lang na pumatay sa kaniya." walang ganang sagot ko.

"Sinong pumatay? Nahuli ba? Bakit pinatay?" Sunod sunod na tanong ni papa kaya bumuntong hiningi naman ako.

"Pareho lang tayo ng katanongan, kaya maski ako hindi 'yan masasagot. Mag papahinga na po ako." hindi ko na sila pinag hintay pang mag salita at pumasok na agad ako sa kwarto para mag pahinga.

"Na andito tayo sa larong ito. This game have a Three Rules right? Pero sa rules na iyon number 2 at 3 lang ang totoo. Rule number 2. Whether you like it or not you need to finish this game it means our life is in danger. Gumagana or nag bibigay lang ito ng mensahe kapag naka isip na siya ng kanyang bibiktimahim. Rule number 3 the last and bulshit rule. Be ready to die it means lahat ng mag laro ng demonyong larong ito ay mamamatay at hindi makaka ligtas sa kamatayan" mahabang sagot ni Jean Mark sa kababata kaya lahat kami kinalibutan sa sinabi nito. Lahat nga ba talaga kami mamamatay?

Hingal, kinakabahan, 'yan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa panaginip ko, kakaibang panaginip na naman. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, sa aming mag kakaibigan, hindi ko alam kung bakit ganon ang panaginip ko at kung bakit parang mag kakaugnay ang panaginip namin. Nakakatakot, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagka takot. Nakakapag taka lang din na sa panaginip na 'yun namatay silang lahat na mag kakaibigan, hindi malinaw ang panaginip ko pero nakakatakot, hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba ang panaginip ko o wala.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang Oras, alas 10 na pala ng gabi, ni hindi man lang ako ginising nina mama para kumain. Napabuntong hininga ako at bumangon na para bumaba at kumain mag isa, pag bukas ko naman ng pintuan ng kwarto ko agad akong nag taka dahil sarado ang ilaw sa kusina e hindi naman 'yun pinapatay at mas lalo namang hindi brownout ngayon dahil umaandar ang electric fan sa kwarto ko, binuksan ko na lang ang ilaw ng cellphone ko at nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa makababa, kinapa ko naman ang switch para mabuksan ang ilaw dito sa kusina pero bigla akong nakaramdam ng kaba ng may maramdaman akong malamig na bagay na pumatong sa kamay ko. Dahan dahan akong lumunok at itinapat ang ilaw ng cellphone ko sa kamay ko kung saan nakahawak sa switch.

"Aahhhh!!!!!" Malakas na sigaw ko ng makita ko si Roselle na nakangiti sa akin habang duguan.

"Putanginà!! Mama!!! Aahhh!!" Malakas na sigaw ko at nabigla naman ako ng bigla akong bumagsak, ng imulat ko ang mata ko nasa kwarto ulit ako at 'yun naman ang mas ikinatakot ko. Paanong?? Paanong naandito ulit ako? Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang cellphone ko sa higaan para tingnan kung anong Oras na at malutong naman akong napamura ng makita ko ang Oras, 3:01 AM na pero paano nangyari 'yun kung kanina ay alas 10 pa lang? Panaginip? Nanaginip ba ako? Pero bakit parang totoo? Tinapik tapik ko ang pisngi ko, hanggang ngayon hindi nawawala ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ako pwedeng mag kamali!! Hindi ako nananaginip kanina!! Totoong gising ako!! At totoong nakita ko si Roselle pero paano nangyaring alas tres na ng umaga?! Tangina nakakatakot! Mas lalo akong natatakot! Mas lalo akong na pra-praning! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Para akong mababaliw!

Ano bang nangyayari sa akin?? Paano ba nag simula ang lahat ng ito?! Bakit nakakaramdam ako ng ganitong bagay?! Sino 'yung mga nasa panaginip ko?!




©A_Bitch_Lady







THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now